Nagising si Jho sa sikat ng araw na nagmumula sa labas. Pagmulat nya ay agad syang napahawak sa pumipintig na ulo, dagdag pa ang nakakasilaw na liwanag.
'Ako ba nagbukas ng kurtina?' tanong nya sa sarili, lalp pa at alam nyang laging nakasara ang mga ito.
Mula don ay tumambad ang sakanya ang kwartong parang binagyo sa sobrang kalat.
Napabuntong hininga sya at napipilitang tumayo mula sa kama. Ayaw nyang isipin ang mga pangunahing dahilan mga kapabayaan nya nang mga nagdaang buwan.
Nanlalambot syang lumakad patungong banyo habang nagkukusot ng mata. Napangiwi sya ng may matapakan syang kung ano. Pagtingin nya ay nangungunot ang noong dinampot nya ito.
'Charger? Andito ka lang pala, ilang linggo na kitang hinahanap.'
Hindi sya makapaniwala dahil ang akala nya ay tuluyan na itong nawala dahilan ng ilang linggong pagkadead batt ng kanyang telepono.
Inilagay nya muna ito sa alam nyang makikita nya agad at pumasok na ng banyo, na ganun din kakalat, upang gawin ang mga dapat gawin.
Napakamot nalang sya sa kilay sa sobrang kalat ng mundo nya.
Wala sa sariling napatitig sya sa sarili mula sa salamin.
Ang nanlalalim na mga mata at pisngi ang nakaagaw ng pansin nya, sunod ay ang kawalan ng buhay sa kanyang mga mata. Hindi nya malaman kung maaawa sya sa nakikitang repleksyon o dala lang ba ito ng gutom at hangover.
Naputol ang pagiisip nya ng may marinig syang ingay mula sa sala. Nagtatakang ibinato nya sa kung san ang tuwalyang hawak at lumabas na.
'Sabi na nga ba at may ibang tao dito.' turan nya sa sarili. 'Si mama siguro. Nako, patay na.'
Muli syang napahinga ng malalim sa posibilidad dahil malamang ay sesermonan sya nito ng pagkahaba haba.
Maingat syang lumabas ng kwarto, na nakakagulat ang linis, hindi tulad sa loob ng kwarto nya. Ngunit ng tumungo sya sa sala ay hindi mga kalat o ang kalinisan nito ang nakaakit ng atensyon nya kundi isang napaka pamilyar na pigura na naghahatid ng kakaibang kaba sakanya.
'Bakit sya nandito?' ang unang pumasok sa isip nya.
Nakatalikod ito mula sakanya, na halatang hindi pa sya napapansin.
Nakasuot din ito ng apron na ikina kunot pa lalo ng noo nya.
Nabaling ang tingin nya sa ginagawa nito. May hawak itong black bag at pinupulot ang mga kalat na hindi kayang walisin, may walis, dustpan at basahan din sa tabi nya.
Napapikit sya ng mariin ng mapagtanto ang abalang ginagawa nya dito.
Awtomatikong lumakad ang mga paa nya papalapit dito, nagulat naman ang huli sa bigla nyang pagsulpot at napatunghay sa kanya. Agad sya nitong ginawaran ng ngiti at pasimpleng pinalis at tumutulong pawis sa pisngi.
"Gising ka na pala, Jho. Mag breakfast ka muna. I cooked something sa kitchen, I hope you don't mind. "
'Jho katapusan mo na.. '
Ayaw man kasi nyang aminin ay namiss nya ito. Ang boses nya, ang mga ngiti nya. Kela nga ba nung huli nya itong nasilayan? Di na nya maalala. Pero heto at magkaharap sila ngayon.
Kaharap nya ang babaeng pinagpapawisan, namumula ang pisngi at nawawala ang mga mata sa pag ngiti, gumagalaw ang mga labi nito na parang nagsasalita ngunot wala syang naaantindihan.

YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomantikShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love