Part 1 . . . "Ang Tindera ng Isda"

145 10 1
                                    

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

"Ang Tindera ng Isda"

---------

Mega Q Mart, isang modernong pamilihang bayan na matatagpuan sa may EDSA, Cubao, Q.C. Kahit marami na ang mga nagtatayuang malalaki at higanteng mga malls sa Kalakhang Maynila ay marami pa rin ang dumadayong mamimili rito. Dito rin nagtatagpo ang mga mamimiling mayayaman at mahihirap, galante at kuripot, mga walang pakialam at maseselan.

Ibig sabihin halos lahat ng uri ng tao ay dito rin dumarayo. Dito mo rin matatagpuan ang lahat ng uri ng mga tindero at tindera. May mababait , may masusungit, may tahimik may ubod ng daldal at higit sa lahat narito na rin yata ang lahat ng mga tsismoso at tsismosa na walang pakialam kahit na sino pa ang mapag-usapan ay may maidaldal lang sa kapwa tsismosa.

Sa wet market section natin matatagpuan ang ating bida, si Ms. Palengkera ang numero unong madaldal na tindera ng mga isda, si Honey Robleza.

-------

Araw ng Linggo, dagsaan ang mga mamimili sa palengke. Hindi magkanda- ugaga ang mag-anak na Robleza sa kanilang pwesto. Halos hindi na maka-upo si Honey sa dami ng mamimili.

" Hoy mga suki, pili lang po ng pili huwag lang pong pipindutin baka lumuwa ang mga mata ng mga isda ko. Mga fresh po lahat yan kahit kaliskisan ninyo pa para naman malibre ang tatay ko na kanina pa nakasimangot. Ale, lapit dito, gusto ninyo ng bangus, sa Pangasinan po yan galing, masarap isigang . Bili na mama, buy one take one ang lapulapu ko basta timbangin lang po natin pareho, dos siyentos po ang kilo may libre pa kayong dyaryong pambalot."

"Hala, lapit na baka kayo ay maubusan. Hoy pogi. Daan ka muna rito at pumili na. Gusto mo ng talakitok ko. Ay! Hindi pwede ang number ko saka na lang pag hindi mo na kasama ang misis mo ngayon. Ha ha ha " sigaw ni Honey sa mga mamimili niya.

Yan ang ating bida na makagigiliwan ninyo sa kadaldalan, kabaitan, kaprangkahan, kagandahan at higit sa lahat ay numero unong tsismosa ng palengke!

" Emong, bilisan mo naman diyan! Kanina pa naghihintay si Aling Susan." sigaw ni Nanay Rosa.

" Oo nga naman itay. Isang oras na yata kayo diyan" sabi ni Honey sa ama.

" Aba! Siya pa ang nagmamadali. Aber! Siya na lang kaya ang gumawa nito! " sagot ni Tatay Emong.

" Hoy Emong!! Costumer is always good!"

" Inay! Right po hindi Good."

" Hala kahit ano pa basta bilisan mo na riyan Emong." nakasimangot na si Aling Susan.

" Hay naku kapag hindi ka nga naman nakapagpigil. Sige nga siya na lang ang magtanggal ng mga kalisikis ng mga dilis na to? Dalawang kilong dilis tatanggalan ng kaliskis! Pag di ka naman nakalbo sa kunsumisyon! Oh! Heto na nga, ibigay mo na sa kanya! "

" Hi hi hi! Si Tatay nagpapatawa lagi. Kalbo na nga kayo. Ano pa ba ang makakalbo sa inyo?" sabi ng dalaga.

" Itanong mo sa nanay mo . Gabi-gabi ba naman nilalapirot niya si Kalbo! Ha ha ha ha !"

"Emong, katanda-tanda na eh, kung ano-ano pa ang pinagsasabi. Naririnig ka ng anak mo!"

"Inay, sanay na po ako riyan kay tatay."

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon