Part 11 ... Ang Kandidata sa Miss Palengkera"

61 5 0
                                    


"Ang Kandidata sa Miss Palengkera"

---------

Kararating lang nina Honey at Bing sa palengke. Galing sila sa PGH ng biglang nagpapalakpakan ang mga tindera at tindero sa wet market section. Nagtaka ang dalawa lalo na si Honey kung bakit sila masasaya at nagpapalakpakan.

"Klap! Klap! Klap! Heto na pala ang ating Miss Palengkera! " sigaw ng isa.

" Tweeeet! Tweeeeet!" Nagpipituhan pa ang iba.

" Honey! Panalo ka na!" sigaw naman ng isa pa sa mga tindera.

" Panalo, saan po Aling Lusing?"

" Hindi mo pa ba alam? Isinali ka namin sa Miss Palengkera Beauty Pageant ng palengke natin!" sagot ni Aling Lusing.

" HO?" Nagulat si Honey sa nalaman niya. Biglang namula ang mukha.

" Naku! Hindi ho ako pwede riyan. Iba na lang po ang kunin ninyo!" sabi ng dalaga.

" Honey, ikaw lang talaga ang panlaban ng wet market, please! Para sa amin. Lahat kami nagka-isa. Ikaw ang gusto namin! " sagot ng isa.

Pagdating ng magkaibigan sa pwesto nila ay nakangiti ang mga magulang niya ng makita sila.

" Inay, ano naman ho ito at isinali raw nila ako sa beauty pageant? Alam ba ninyo yun?" tanong ng dalaga.

" Naku anak! Kanina lang namin nalaman ng tatay mo. Nasabi na nga namin sa kanila na huwag ka ng isali. Eh, mapipilit. " sagot ng ina.

" Best! Ayaw mo ba? Ako na lang. Palitan kita gusto mo?"

" Ikaw Bing, kahit kailan! Paano ba ito? Ano ang gagawin ko? " sabi ng dalaga.

" Pumayag ka na lang anak. Nandiyan na yan!" sabi ni Aling Rosa.

Hindi nila napansin ang babaing kadarating lang na nasa tabi na ni Honey.

" Bakit Honey may problema ka ba?"

" Ay, Tita Mameng! Wala naman po. Isinali po ako ng mga kasamahan ko rito sa isang beauty pageant" sabi ng dalaga.

" Ha? Maganda yan. Maganda ka naman! Payag ka ba?" tanong ni Donya Mameng.

" Sabi ni Nanay, pumayag na lang daw ho ako. Kaya ano pa nga ho ang gagawin ko kundi sige na lang. Ayoko namang hiyain ang mga kasamahan namin dito. Bahala na ho!" aniya sa matanda.

" Huwag kang mag-alala iha. Susuportahan kita!"

" Maraming salamat po Tita. Ano nga pala ang gusto ninyo?"

" Sige, bigyan mo ako ng dalawang kilong hipon.

" Opo! Saglit lang po! " pumasok si Honey sa pwesto nila. "

"Yehey! Mga Kasama! Pumayag na ho si Honey!" sigaw ng isang nakarinig sa sagot ng dalaga.

Sigawan at palakpakan muli ang mga kasamahan nila. Hindi nila alam ay nakatayo si Wilma sa hindi kalayuan. Nakita at nalaman niya ang isinagot ng dalaga. Nagngingitngit siya sa inis sa dalaga.

" Ang bruha! Ang lakas ng loob na sumali! Tignan natin kung saan ka pupulutin. Amoy mo pa lang amoy malansang isda na! " bulong niya.

Hinintay muna niyang makaalis ang Tita ni Ryan saka siya sumugod sa pwesto nina Honey. " Teka lang! Maturuan ka ng lesson!"

Tumayo siya sa tapat ng stall na nakapamewang pa. Nasa likod niya si baklang Nimfa na itinatago ang mukha dahil sa nahihiya.

" Aba! Tindera ka lang pala ng malalansang isda rito akala mo kung sino kang makaporma doon sa party ni Ryan!" sigaw niya kay Honey.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon