Part 2 . . . "Ang Doktor"

98 7 0
                                    

Ang Kasalukuyan . . . .

-------

"Ang Doktor"

-------

"WHEEENNNNNNNG!" Isang ambulansiya ang papasok sa lobby ng Emergency Ward sa PGH. Sinalubong ng dalawang nurse aids. Isang biktima ng pananaksak ang inilabas sa ambulansiya at dinala sa isang section ng Emergeny Ward. Kabilang sina Honey at Bing sa mga medical internists na umaasikaso sa mga biktima sa loob. Kasama nila ang ilang resident doctors. Kina Honey at Bing natoka ang kararating na biktima. Lumapit sila sa tabi ng biktima. Pinulsuhan ni Bing ang binatilyo at tinignan naman ni Honey kung gaano kalala ang tinamong saksak ng biktima samantalang ang isang nurse ay nagkabit naman ng suwero sa binatiyo. Tinignan ni Honey ang lahat ng senyales kung ang biktima ay nanganganib o hindi. Binuka niya ang mga mata ng binatilyo at nakita niyang dilated ang mga pupils nito. Agad na sinabihan niya ang nurse na kabitan ng oxygen ang biktima at dadalhin na ito sa operating room.

Itinala nilang dalawa ang lahat ng findings nila sa talaang papel ng pasyente na nakadikit sa kama nito para malaman ng ibang doctor na titingin sa biktima kung ano ang kalagayan ng biktima. Saka lamang sila naupo ng matapos na silang magtala.

"Hayyy!! Best, kailan kaya tayo magkakaroon ng zero casualty rito. Maya't maya ay  may dumarating na pasyente. " sabi ni Bing.

"OO nga Bing. Mahirap na masarap itong napili nating propesyon."

"Alam mo ba Hon ang kumakalat na balita sa ward?"

"Mayroon ba? Mahina na yata ang radar ko. Ano ba yun?"

"May bagong dating kaninang umaga isang visiting brain specialist from USA. Brain surgeon daw siya, binata at super gwapo raw. Kinikilig na akong makilala siya best."

"Umarya na naman ang kaalembongan mo Bing. Pang ilan na ba yan sakali man?"

"Hoy! Ano ba naman ang tingin mo sa akin? Pang-pito lang po naman."

"See! Kapag hindi ka pa nag behave, ikaw rin ang mawawalan pagdating ng araw."

" Opo! Why ikaw best, wala pa akong nakita o nabalitaang naging bf mo. Sayang naman ang kagandahang yan. Kung naging akin lang yan best nakuu, ang daming luluhod. He he he!"

"Naku Bing marami pa akong pangarap para kina Itay at Inay. Kapag siguro naibigay ko na sa kanila ang pinapangarap ko, by then baka sakaling pwede na."

" Malabo yan best. Baka maiwan ka na ng train. Samantalahin mo habang mahaba pa ito baka kapag nagkataon kahit kariton hindi ka na makasasakay. Ha ha ha!"

Masayang nag -usap ang dalawa ng may isa na namang ambulansiya ang huminto sa tapat ng pinto ng ward nila at sabay silang tumayo para salubungin ang bagong pasyenteng ipinapasok sa ward.

***

Kinabukasan, maagang nagpunta si Honey sa pwesto nila. Naabutan niya ang kaniyang mga magulang na nag-aayos ng mga paninda.

"Mano po Inay! Itay ! "

O, bakit ang aga mo yatang nagising ngayon? Anong oras na kayong naka-uwi ni Bing kaninang madaling araw?"

"Okey na po ako Nay, nakatulog naman po ako. Tulungan ko na kayo ni Itay."

"Rosa , sabihan mo Si Edong mamaya. Hindi maganda ang dineliber niyang yelo. Puro bula kaya madaling matunaw." atas ni Tatay Emong.

"Nabanggit ko na yan kahapon sa kaniya. Ang sabi niya sa iba na lang daw siya kukuha ng yelo. Hayaan mo mamayang maniningil siya pagsasabihan ko."

Dahil sa maaga pa, mangilan-ngilan pa lamang ang mga mamimili. Naging abala ang mag-anak sa pag-aayos ng kanilang mga panindang isda.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon