"Love is in the Air"
Maagang nagtungo sa puwesto nila si Honey. Dahil Sabado ay maraming mamimili na sa kanilang tindahan. Kaagad niyang isinuot ang kanyang apron.
" Good morning po Inay! Ako na ho riyan!" humalik siya sa pisngi ng nanay niya.
" Itay, good morning po! "
" Gud morning din anak. Ang aga mo yata ngayon? " tanong ng ama.
" Maaga ho kasi akong papasok sa hospital mamaya."
" Ganun ba? O, ibigay mo na mga ito kay Aling Auring. Kanina pa niya hinihintay." iniabot sa dalaga ang mga nalinis na isda at ibinigay naman niya kay Aling Auring.
" Salamat Honey! Mukhang masaya ka ngayon! Blooming ang mukha mo" sabi ni Aling Auring.
"Hindi naman po. Excited lang po siguro. Hi hi hi!" sagot ng dalaga habang inaayos niya ang mga isdang paninda.
Siya namang paglapit nina Benjie kasama ang mga barkada niya sa tapat ng kanilang tindahan.
"Ate Honey! Nakausap mo na ba si Ate Nerissa?" pambungad na sabi ni Benjie.
"Tungkol saan? Doon ba sa kukuhanin ninyo akong muse?" sagot ng dalaga.
"Oo sana ate."
"Bakit ako? Marami pa riyang iba!"
"Si ate naman! Alam nang lahat na ikaw ang pinakamaganda sa ating barangay! At saka ate 10 libong piso ang makukuha ng best muse."
"Ha! Makaking pera rin yun a! O sige, sige! Payag na ako!"
"Weeeeeeee! Salamat ate! Sure na ang panalo natin." sigaw ni Benjie at nagtatawanan silang magkakasama.
"Hoy Benjie! Huwag ka munang magsaya. Sa dami ng mga magaganda ngayon baka mangulelat iyang muse ninyo! Hi hi hi!" sabi ni Aling Rosa na nakikinig sa kanilang usapan.
"Si Aling Rosa naman. Parang wala kayong bilib kay Ate Honey! Kailan pa ho ba siya natalo? Sige ho tutuloy na kami. Salamat ate. Yung color motiff natin ay red and white" sabi ni Benjie.
"Ok Benjie ako ng bahala sa isusuot ko. Sige ingat kayo!"
Masayang nagsi-alisan sina Benjie. Habang tinatanggal ni Honey ang kanyang apron.
"Inay, uuwi na ho ako. Maaga ako dapat sa PGH."
"Sige anak! Daanan mo na tuloy ang ama mo riyan sa labasan at bilisan kamo. Kaunti na lang ang yelo natin baka napakwento na naman siya!"
"Opo Nay. Tuloy na ho ako!"
*****
Sa isang conference room sa PGH ay minimiting ni Ryan ang mga kasama niyang doctors at nurses sa gagawing operasyon sa bata.
Isang mahinang katok ang narinig mula sa pintuan kasabay ng pagbukas ng pinto ay pumasok si Honey.
"Sorry! Em I late?" sabi ng dalaga.
"Not really Dr. Robleza! Nagsisimula pa lang kami." sagot ni Ryan.
Umupo si Honey sa isang upuang malapit kay Ryan.
"Now all are here let's start. Are all tools accounted and equipment readied?" tanong ng binata.
"Yes doctor" sagot ng isang technician.
"Naihanda na ba ang bata?"
"Opo doc. Naahit na po ang ulo niya!" Sagot ng isang nurse.
"Do we have enough blood type B+ for her?"
"Opo and we have reserved some packs in case na magkulang"
"Good! At exactly 10:00 am our resident anaesthesiologist will inject her anaesthesia then she will be transferred to the operating room. I want every one to pay attention now.
Once I cut the brain there is no turning back. I want you all to be alert and concentrate in your assigned tasks. Dr. Robleza will be my assistant doctor and Dr. Choi will open the skull and close it afterward. A life here is on our hands so we have to do the best we can to save her. Are these clear to you all?
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.