Part 9 ... "Ingatan Mo Ang Puso Ko"

56 5 0
                                    

"Ingatan Mo Ang Puso Ko"

-------------

Isang malakas na bagyo ang dumating sa bansa. Naminsala ito sa parte ng Mindanao lalo na sa Cagayan de Oro City. Isang dam ang gumuho, rumagasa ang mataas na tubig pababa. Maraming kabahayang nakatirik sa tabi ng ilog ang mawasak at tinangay ng malakas na agos. Marami ang nasawi at nasaktan. Humingi ng tulong ang mga namumuno sa siyudad. Naubusan na sila ng mga gamot, tubig at pagkain.

Kabilang ang PGH na nagboluntaryong tutulong. Bumuo ng teams si Dr. Ramirez at nagboluntaryo sina Honey at Bing na sasama sa teams. Maaga pa lang ay naghanda na ang teams sa kanilang mga dadalhin sa Cagayan de Oro. Apat na Army trucks ang dumating upang isakay ang mga gamot, tubig at mga blanket na dadalhin nila. Isa si Ryan sa mga team leaders at sa kanya rin na assigned ang dalawang dalaga.

Sa Villamor Air Base sila nagtagpo- tagpo. Dalawang Air Force Hercules ang kanilang sasakyan patungong CDO. Excited na kabado si Honey. Ito ang unang medical mission nila ni Bing. Papasakay na sila sa eroplano ng makita sila ni Ryan.

" Best, si pizza pie mo hayan siya paparating. Ang gwapo talaga! " bulong ni Bing kay Honey.

" Bing, tumigil ka riyan. Marinig ka! Nakakahiya! " sagot ng dalaga.

" Hi! Good morning sa inyo! Kanina pa ba kayo? Tara na ng makapili tayo ng upuan. " bati ng binata.

Nakamaong siyang pantalon, dilaw na shirt na may collar at leather jacket. Napansin niyang maganda pa rin ang dalaga kahit simple lamang ang kasuotan. Nakamaong at white sleeveless blouse na may ternong pink sweater. Nakaayos ang buhok na tinalian ng white ribbon at white head cap.

Inalalayan niya ang dalaga sa pagboard nila sa eroplano. Kakaiba sa loob, nasa gitna ang mga kargamento. Nasa gilid ang mga upuan na magkaharap tulad ng sa jeepney. Kakaiba rin ang mga seatbelts. Body strap ang isinusuot at tatanggalin lang ito kapag nakalapag na ang eroplano. Nang makakita na ng magandang pwesto si Ryan ay itinuro niya sa mga dalaga kung saan sila uupo.

" First time mo bang sasakay sa ganitong eroplano Hon?" tanong ng binata habang tinutulungan niya itong ikabit ang body strap.

" Oo. Ninenerbiyos nga ako. Kakaiba pala ang loob hindi katulad ng sa mga pang komersyal." sagot ng dalaga.

Nang makapag-strap na ang dalaga ay si Bing naman ang tinulungan ni Ryan. At saka siya umupo at nag -strap na rin.

" Madalas rin akong makasakay ng ganitong eroplano noong nasa U. S. Marines pa ako. Kaya sanay na ako. Huwag kang matakot, safe ang ganitong eroplano"

"Nag U.S. Marine ka pala! "

" Oo, 6 years ako sa serbisyo bago ako nag-aral na maging doctor."

"Ahh kaya pala ang sabi mo noong isang araw ay sanay kang kumain sa gubat."

"Yup!" Hindi na nagtanong pa ang dalaga. Humanga na lang siya. Kaya pala malaki ang pangangatawan si Ryan ang nasa isip niya.

Ilang sandali lang ng nakasakay na ang iba pang mga volunteers na nurses at doctors ay nag take-off na sila. Halos dalawang oras rin ang itinagal ng flight. Lumapag sila sa Cagayan de Oro Airport. Nauna ang grupo nina Ryan sa pagpunta sa kapitolyo. Habang nasa daan pa lang ay nakita na nila ang ilang kabahayang nasira at nagiba. Pagdating sa kapitolyo ay sinalubong sila ng mayor at vice gobernador. Itinuro sa kanila kung saan sila magtatayo ng mga tolda. Katulong ang ilang mga Phil. Marines at Army ay mabilis naitayo ang mga tolda at tinawag itong tent city.

Nagsimula ng dumating ang mga pasyente nina Honey. Nakabihis na rin sila ng mga uniporme nilang pang doktor. Mga bata at mga babae ang na-assigned sa kanila. Awang-awa ang dalaga sa mga dumarating na mga pasyente.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon