Part 6 ... Lukso ng Dugo

61 6 0
                                    

"Lukso ng Dugo"

----------

Kinahapunan, maaga pa lang ay abala na ang mga tao sa mansion nina Donya Mameng. Isang sikat na catering company ang kinuha. Pili lang ang mga naimbitahang bisita kaya ang handa ay para sa 300 katao lamang. Abala rin si Donya Mameng sa kusina. Siya na mismo ang umasikaso kung ano ang iluluto ng mga chefs niya. Bukod ito sa inihanda ng catering service. French food ang pinaluluto niya sa mga cooks. Abala naman si Ryan sa pag-aasikaso sa mga bulaklak na nadeliver. Itinuturo niya sa isang katiwala kung saan dapat ilagay ang mga bulaklak. Kahit maaga pa, patingin-tingin siya sa kanyang relo. Ayaw niyang mahuli sa pagsundo kay Honey.

" Sir Ryan, dumating na ho ang mga banda na tutugtog. " sabi ng isang katiwala.

" Sige! Papasukin mo at alam mo na kung saan ang pwesto nila. Sabihin mo pala kay Aling Miling, lagyan ng bulaklak bawat mesa. " atas ni Ryan.

" Opo sir" at tumalima na ang katiwala para sundin ang inutos niya. Siya namang pagdating ni Donya Mameng.

" Ryan iho. Nag merienda ka na ba? Halika at saluhan mo ako. Tulog pa kasi ang Tito mo." May dala itong tray na may cape at ilang sandwiches at orange juice. Inilapag ng donya ang tray sa isang mesita at umupo silang dalawa ni Ryan.

" Iho, sure ka ba na darating ang mga bisita mo? "

" Opo Tita. Mga kasama at kilala ko pong doctors at nurses sa hospital ang sure na darating. Ako na rin po ang susundo kina Honey. " sagot ng binata.

" Natutuwa ako at pupunta pala si Honey. Malapit ang loob ko sa batang iyon. Ewan ko ba iho. Parang dama kong matagal ko na siyang kilala. Napakaganda at napakabait na bata. Tawagin mo agad ako pagdating ninyo."

" Opo Tita!" At nagsalo na sila sa pagkain. Masaya ang pakiramdam ni Donya Mameng. Makikita at makaka-usap na naman niya si Honey.

" Ok na ba itong suot ko Bing" tanong ni Honey sa kaibigan.

" Oo naman! Maraming mapapalingön na naman sayo niyan." sagot ng kaibigan.

" Anong oras ba raw ang sundo ninyo?" tanong ng nanay niya.

" Mamaya pa hong 6 pm. Magkikita na lang kami sa tapat na Mega Q Mart. " sagot ng dalaga.

" Bagay sa damit mo ang kwintas mo. Bakit di mo isuot? "

" Huwag na ho Inay. Baka mawala pa! At saka welcome party lang naman po yun para kay Ryan. Hindi siguro po kami magtatagal at uuwi rin kami agad." sabi niya sa ina.

" Tara na best baka maunahan tayo ni Ryan, nakakahiya. " yakag niya kay Bing.

Kalahating oras ang lumipas ay nasa tapat na sila ng Mega Q Mart. Siya namang pagtigil ng Jaguar ni Ryan. Bumaba ang binata. Nakita niya si Honey na papalapit na rin sa kanya. Para siyang nakakita ng anghel. Naka maong fit na fit ang dalaga at tumangkad ito sa suot na semiboots na may mataas na takong. White sleeveless blouse na bulaklakin ang suot na tinernuhan ng red semi coat para hindi malamigan ang dalaga. Nakalugay ang mahabang buhok pero maayos ang pagkaka lugay. May ilang naka curls sa magkabilang pisngi ng dalaga na ikinabagay ng magandang mukha nito. Parang natulala si Ryan sa kanyang nakikitang papalapit na kagandahan.

" O, Ryan. Good eve! Aalis na ba tayo?"

" Ha? Ay, tara na! Sakay na kayo!"

Binuksan ng binata ang pinto ng Jaguar. Naunang sumakay si Bing kasunod si Honey. Nalanghap ni Ryan ang buhok ng dalaga at dumalas ang tibok ng kanyang puso. Sumakay na rin siya sa harapan.

Halos dalawang oras rin ang lumipas ng makarating sila sa mansion. Unang bumaba si Ryan at binulungan niya ang isang katiwala na sabihan si Dönya Mameng na dumating na sila saka niya binuksan ang pinto ng Jaguar para bumaba na sina Höney.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon