"Alaala ng Lumipas"
-------Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng magising si Ryan. Maingat niyang inalis ang kamay ng dalaga na nakapatong sa kanyang dibdib at walang ingay na tumayo. Marahan niyang inalis ang mga halaman na tumatabing sa bukana ng guwang.
" Hon!" bulong ng binata.
Natutulog pa ang dalaga. Hawak ang baril sa kanang kamay.
" Hon mahal ko, gising na! " bulong niya ulit.
Nagmulat ng mga mata ang dalaga. Nang makita niya ang binata ay yumakap siyang bigla.
"Takot na takot ako kagabi. Gusto sana kitang sundan. Nag-alala ako na baka may nangyari na sayo. Pero napakadilim sa labas."
" I am sorry. I need to stop them pansamantala. Malapit na sila rito. Kailangan na nating umalis." Tumayo ang dalaga.
" Sige, sana sa susunod ay hindi mo na ako iiwan!"
" Hindi na mahal ko. Tara na!" Lumabas sila.
Naglakad sila pababa ng bundok. Hanggang sa makita nila ang kamalig. Umikot lang sila para mailigaw sana sina Tenyente. Malapit na sila sa kamalig ng makita sila nina kabo.
" Tenyente, ayun sila." sigaw ni Kabo. Nagpaputok siya. Humaging ang mga bala kina Ryan at Honey.
" Ang lalaki ang asintahin mo Kabo, huwag si Honey! " sigaw ni Tenyente. Tumakbo sila upang habulin ang dalawa.
Tumakbo sina Ryan. Hawak niya ang kamay ng dalaga. Nilampasan nila ang kamalig. Hindi sa daan sila dumaan kundi pinasok nilang muli ang kagubatan. Kasunod nila sinaTenyente na panay ang pagpapaputok. Payuko-yuko ang dalawa. Pasigsag-sigsag ang takbo nila. Papalayo ng papalayo sa mga humahabol.
Nakarating sila sa isang malaking batis na may malakas na agos ng tubig.
"Ryan Hindi ko na kaya!" sabi ng dalaga na humihingal na sa pagod.
"Mahal kayanin mo. Kailangan nating makalayo."
Batuhan ang pampang ng batis madulas pa. Halos hindi na maihakbang ni Honey ang kanyang mga paa.
"Mahal marunong ka bang lumangoy?"
"Hindi gaano. Bakit?"
"Lulusong tayo sa tubig at magpapaagos." sabi ng binata.
"Sige pero huwag mo akong bibitawan!"
"Hinding hindi mahal. Magtiwala ka lang sa akin."
Humawak ng mahigpit si Honey sa kamay ni Ryan. Lumusong sila at nagpatianod sa agos ng batis. Biglang bumagsak ang malakas ulan at rumagasa ng malakas ang agos.
Niyakap ni Ryan ang dalaga para Hindi lumubog at tangayin ng agos. Iniiwas niya ang kasintahan sa mga bato.
Nakaramdam ng takot si Honey. Nanginig ang buo niyang katawan dahil na rin sa lamig.
"Mama! Papa! Yaya Metring! Huwag ninyo akong iiwan. Natatakot ako!" Biglang sabi ni Honey.
Bumalik ang kanyang diwa noong bata pa siya at nahulog sa dagat. Dahil sa takot noon ay nawala ang kanyang ala-ala. Muli siyàng bumulong.
"Yaya Metring nasaan ka? Huhuhu! Giniginaw ako!"
"Mahal huwag kang matakot kasama mo ako. Hindi kita iiwan!"
Nawalan ng malay tao ang dalaga. Malayo na ang narating nila dahil sa lakas ng agos.
Habang hawak ni Ryan ang dalaga ay pinilit siyang lumangoy papunta sa pampang hanggang makarating sila rito. Binuhat niya ang dalaga at pumasok kagubatan. Malayo-layo na ang kanyang nilakad ng isang maliit na dampa ang kanyang nakita. Nagmadali siya sa paglakad habang binubuhat niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomansaHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.