"Ang Pizza Pie"-------
Six pm na at katatapos pa lang mag duty nina Bing at Honey sa Emergency Ward at kasama na sila ng mga ilang resident doctors at nag iikot sa Outpatient Ward. Isang batang pasyente ang kanilang tinitignan at may benda ito sa ulo. Findings ng mga doctors ay may maliit na tumor ang bata sa utak at naka schedule ito para operahan sana pero wala pang makuhang pandagdag na pambili ng gamot ang mga magulang ng bata na naka-upo sa tabi.
Naawa si Honey sa kalagayan ng bata. Hinawakan niya ang kamay nito at mahinang pisil sa kamay ng bata ang ginawa para maipadama sa bata na concerned siya bilang doctor at kaibigan. Hindi niya napansin ang pagdating ng isa pang grupo ng mga doctors.
" Listen every one. I would like you all meet Dr. Ryan Velozo, our new visiting resident doctor from Brooklyn, New York. He will stay with us for a year. He is our new resident brain surgeon so let's welcome him" sabi ng senior resident doctor sa pagpapakilala kay Ryan. Kinamayan ng mga hindi pa nakakakilala si Ryan kabilang na si Bing at si Honey naman ay nagulat. Hindi niya sukat akalain na magkikita pa sila ni Ryan at siya pa pala ang pinag-uusapan nila ni Bing noong isang gabi. Lumapit si Honey at iniabot niya ang kamay sa binatang doktor.
" Welcome Dr. Velozo." Sa nahihiyang simple niyang ngiti ay napilitan siyang lapitan si Ryan at kamayan. Ngumiti ang binata at tinignan ang kanyang name plate na nakadikit sa kanyang puting damit.
" Thank you Dr. Honey Robleza. Hmmmm! So we meet again. Magiging doctor ka na rin pala. You surprised me! Can you join me mamaya sa canteen?"
"Hindi ho ba nakakahiya na ang intern like me will join you agad agad?"
"Why you should be? Wala naman akong kakilala sa mga kasama kong doctors here." Siniko ni Bing si Honey ng patago.
"Okey, Dr. Bing Ezguerra and i will come."
" So i'll see you then there. " bulong ng binata kay Honey.
Lumapit si Ryan sa bata. Binasa niya ang Patient clinical history ng bata sa chart.
" It seems na this little girl needs operation at once. It will be too late if we will delay it so please Dr. Ramirez, schedule her operation tomorrow at 9 pm. I will be the one to operate her. " sabi ni Ryan.
Napa-iyak ang ina ng bata at lumapit kay Ryan.
" Doc, wala pa ho kaming perang pambili ng mga kakailanganin niya sa operasyon. Hu Hu Hu!"
" Huwag na ho kayong mag-alala nanay. Ako na po ang sasagot sa lahat. " sabi ni Ryan.
Napayakap ang matanda kay Ryan at ngumiti ang batang babae.
" See, ngayon ngumingiti ka na. Magkita tayo bukas ng gabi at huwag kang matatakot. Gagaling ka, promise ko yan sayo. " pinisil ni Ryan ang kamay ng bata at nakita niyang lumuha ito. Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Honey sa kanyang nakita at narinig. Sinikap niyang itago ang kanyang mga luha pero napansin pa rin siya ng binata.
Napahanga siya ng binata. Tinignan niyang mabuti ang mukha ni Ryan. Ngayon lang niya napagmasdan mabuti ang hitsura nito. Malinis ang mukha , makinis ang kutis na mamula mula. Maikli ang gupit ng buhok na kahit hindi nasusuklayan ay maayos at bumabagay sa binata. Sa tantiya niya ay nasa edad na 32 na si Ryan. Maganda ang pangangatawan, matangkad at maskulado ang upper body.
" Bakit kaya wala pang asawa ang mokong na ito, gwapo naman. " sa isip ni Honey.
Bigla siyang napa-igtad dahil sa kurot ni Bing sa kanya sa may tagiliran.
" Hoy, best! Hindi pizza pie si Dr. Velozo, tirhan mo naman ako. Kanina mo pa siya kinakain ng buo. " bulong ni Bing sa kanya. Namula si Honey.
" Ikaw talaga Bing lahat na lang ay napapansin mo. Tara na nga sa next patient na muna tayo magpunta! "
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.