"Birthday Night"
----------
Apat na oras ang binata sa operating room. Matiyagang naghintay ang mommy niya at si Honey. Ikinuwento ni Honey ang lahat ng nangyari mula ng makidnapped sila.
" Salamat sa Diyos at nakaligtas kayo!" sabi ng matanda.
" Oo nga ho. At malaki ang pasalamat ko kay Ryan. Buo ang løob niya at matapang! " Niyakap ng matanda ang dalaga. Mayamaya ay lumabas na ang doctor. Nakangiti.
" Hmm! Ligtas na po si Doc. Velozo. Mamaya ho ay ilalabas na siya at dadalhin sa recovery room. " Natuwa ang dalawa at nagyakapan silang muli.
" Tayo na ho Tita. Puntahan na ho natin sina mama! "
" Anong Tita? Mommy na anak! Ha ha ha!" Nagtungo na ang dalawa sa silid nina Dönya Mameng.
Kinakabahan na masaya ang dalaga. Kumatok muna siya sa pinto at pumasok. Lahat ay sa kanya nakatingin. Umupo sa kama si Donya Mameng. Lumapit si Honey.
"Mama! " Itinaas ng donya ang kanyang mga kamay tanda ng gustong yakapin ang anak. Yumakap si Honey ng mahigpit. Lumuluha silang pareho. Naluluha na rin ang lahat na nasa loob ng silid.
" Anak ko! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na mayakap kitang muli! Mahal na mahal kita. Halos mabaliw ako ng gabing mawala ka. Hindi ako naniniwala kailan man na patay ka na. Salamat po Panginoon. Napakabuti Mo! " sabi ng donya.
" Mama! Gusto kong bumawi sa mga taong nawalay ako sa inyo ni Papa. I love you Mama!" Lumingon si Honey kina Aling Rosa.
Kumalas siya sa donya na nakangiti na at lumapit ang dalaga kina Aling Rosa na lumuluha pa rin pero nakangiti.
" Inay, mahal na mahal ko rin kayo. Maraming salamat sa pagmamahal at mga panahong ini-ukol ninyo sa akin."
" Mahal na mahal ka rin namin anak. Tanggap na namin ng tatay mo ang katotohanan. "
" Napakaswerte ko po Inay. May dalawang ina at dalawang amang nagmamahal sa akin. Mahal na mahal ko po kayong lahat. " Natawa na ang lahat. Buong buo na ang pamilya ni Honey, dalawa pa.
-------
Maliwanag na maliwanag ang buong mansion ng mga Montemayor. Pati ang kalsadang papunta sa mansion sa loob ng Forbes Park ay naiilawan. Maraming bisitang nagdaratingan. Puno na ang dalawang kalsada ng mga sasakyan at may naglalakad pa. Lahat ng mga medical staff ng PGH ay dumating. Ang mga tindera at mga kaibigan nina Honey ay nagsipagpuntahan din.
Isang bisita ang muntik ng hindi papasukin ng mga guards sa check point. Naka pulang stripe na amerikana, pulang stripe na pantalon na matatalim ang mga liston, nangingintab ang mga boots na tulis, nakastripe red na sombrero at nang ngumiti ay bungal na. Nasira ang gintong jacket sa pagkagat sa malutong at matigas na chicharong baboy. Pasipol-sipol pa sa gitna ng kalsada habang naglalakad papunta sa mansion.
Dalawang banda ang arkilado at isang orchestra. Halos lahat ng mga sikat na mang-aawit ay imbitado para umawit sa pagtitipon. Ang kaarawan ni Honey Vargas Montemayor aka Honey Robleza, ang Miss Palengkera.
Sa mahabang mesang pandangal ay naka-upo ang mag-asawang sina Don Andres at Donya Mameng. Katabi nila sa kanan ang mag- asawang sina Aling Rosa at Mang Emong, sina Bing at Nerisa. Sa kaliwa nila ay sina Honey at Ryan at ang mommy ni Ryan. Umakyat ang Emcee sa isang stage.
" Ladies and Gentlemen, in behalf of the Montemayor family, welcome and thank you for coming tonight! Don Andres Montemayor would like to speak to all of us! Let's give our kind host big hands! "
Palakpakan ang mga dumalo. Tumayo ang don. Hinalikan muna sa mga pisngi sina Donya Mameng at Honey. Umakyat na siya sa stage.
" Mga mahal kong kaibigan, salamat po at nakadalo kayo sa pinakamahalagang gabi namin. Alam naman po siguro ninyo na minsan sa buhay naming mag-asawa ay nawala ang pinakamamahal naming anak na babae. Ilang taon kaming namuhay sa kalungkutan, sa kasabikan ng pagmamahal ng isang anak. Mga dasal ang aming katulong para maibsan ang pait at sakit sa pagkawala ng anak namin. Sa gabing ito, salamat sa ating Panginoon ay muling nabuhay ang aming anak. Nagkaroon ng sigla ang matamlay naming tahanan. Maraming maraming salamat Aling Rosa at Mang Emong. Minahal ninyo at inaruga ang bata kahit hindi ninyo kadugo. Kung kayo ang kinilala niyang magulang ay malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil napalaki ninyo siya na isang napakabait at mapagmahal na anak. Salamat sa inyo na magulang na rin niya!
Mga kaibigan, gusto ko hong ipakilala sa inyo ang kaisa-isa at pinakamamahal kong anak na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon! Si Honey! " Palakpakan ang mga bisita at nagtayuan sila.
Tumayo ang dalaga. Lumuluha siya sa tuwa. Tumayo rin si Ryan para alalayan ang mahal niya. Tumayo rin sina Donya Mameng, Aling Rosa at Mang Emong. Umakyat silang lahat sa stage. Hinalikan ni Honey sa pisngi ang mga Papa at Mama niya, sina Aling Rosa at Mang Emong. Tumayo siya sa gitna nilang apat. Patuloy pa rin ang palakpakan.
" Maraming salamat po Panginoon ! Binigyan Mo po ako ng mga magulang kahit sa buong buhay kong pagsilbihan sila ay hindi matutumbasan ang pagmamahal nila sa akin. Mahal na mahal ko po kayong lahat Papa, Mama, Inay at Itay! Kayo po ang lakas ko at inspirasyon! Hindi lang ho buhay ang utang ko sa inyo kundi ang kabuuan ng buong pagkatao ko. Wala na ho akong mahihiling pa sa ating Panginoon kundi ang bigyan kayo ng mahabang buhay para mahalin ko at paglingkuran! "
Nagpalakpakan ng malakas ang mga bisita. Lumuha sina Donya Mameng at Aling Rosa. Sabay nilang hinalikan at niyakap ang dalaga. Isang tugtugin ang umalingawngaw at kumanta ang lahat!
" Happy Birthday to you! . . Happy Birthday to you! . . .Happy Birthday , Happy Birthday! . . . Happy Birthday Honey! " Kasunod ay malakas na palakpakan.
Natapos ang awit at nag salita ulit ang don.
" Mga kaibigan, lulubuslubusin ko na ho. Gusto kong ipaalam sa inyo ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aming anak na si Honey at ang kanyang kasintahang si Ryan Veloso! " Lumakas ang palakpakan na may kasamang mga malalakas na sipol.
Lumapit ang binata kay Honey at yumakap ang dalaga. Hinalikan ng binata sa mga labi ang dalaga. Lalong lumakas ang palakpakan. Maliban sa isang naka red stripe na damit, umi-iyak! Nagtambakan ang mga tissue papers sa tabing trash can niya. Tumugtog ang banda. Isang sikat na mangaawit ang kumanta.
" Ang pag-ibig ko'y tanging ikaw lamang.
Ang puso kong ito ay para lang sayo. Magpakailan ma'y hindi magbabago. Magpa hanggang wakas , mananatili ka sa puso."Bumaba ang dalawa at pumagitna. Yumakap ang dalaga sa binata at sumayaw sila. Lahat ay nakangiti at pinonooran ang dalawa.
" Aking mahal, buhay mo ay buhay ko. Mahal na mahal kita! " bulong ng binata.
" At buhay mo'y buhay ko rin! Pinakamamahal rin kita!" Hinalikan ni Ryan sa mga labi ang dalaga. Halik na walang kasing tamis at punung puno ng pagmamahal. Nakangiti at naluluha sa tuwa sina Donya Mameng at Aling Rosa. Pinagmamasadan nilang dalawa ang kaisa-isa at mahal na mahal na anak.
****
Sa isang suite sa Dusit hotel ay nakadapa si Wilma. Lasing at galit na galit.
"You're fuc....ng shit Honey. Soon you will taste my revenge! Ryan, fu...k you! Sa akin ka pa rin mapupunta! Huhuhu!"
***
Sa isang nababantayang ward sa V. Luna Veteran Hospital ay nakaratay sa kama si Lt. Solis. Hindi pa siya nasesentensyahan sa ginawa niyang krimen dahil sa tiyuhin niyang isang heneral ng army.
Nakaposas ang kaliwang kamay niya sa kama. Nakasabit ang kanyang paa na putol hanggang sa tuhod. Hawak niya ang isang magazine at binabasa ang society page. Nasa news ang birthday party ni Honey.
"Lintik lang ng walang ganti mga pu...ang ina ninyo. Hindi ninyo magugustuhan ang muli nating pagkikita."
Nilamukos niya ang magazine at ibinato.
****
***WAKAS***
Author
Tito Rudy
All rights reserved!
PLEASE don't copy/paste without the permission of this author.
Maraming salamat po sa pagtitiyaga ninyo sa paghihintay
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.