"Miss Palengkera Beauty Pageant"
---------
Linggo ng umaga sa bahay ng mga Robleza. Hindi sila nagtinda, abala sa paghahanda.
" Best, nakahanda na ba lahat ang dadalhin natin mamayang hapon?" tanong ni Bing sa kaibigan.
" Oo best. Itong lumang gown na lang ang isusuot ko mamaya. Okay pa naman. Kailan ko pa lang naman nagamit sa party natin sa school." sagot ng dalaga.
" Paano yan. May swim suit portion pa pala!"
" Yun nga eh! Napilitan tuloy akong bumili kasama na ang scarf na ipangtatapis ko na lang para hindi ako makaramdam ng hiya. "
Ina-ayos nila ang dadalhin ng dalaga ng may taong tumatawag sa tapat ng bahay nila.
" Inay, parang may tao ho sa harapan!" Tawag niya sa ina.
" Titignan ko anak. " Ilang minuto lang bumalik ang nanay niya na may dala-dalang mga kahon.
" Ano po ang mga yan Inay?"
" Padala raw ni Donya Mameng." sagot ng ina.
Kinuha ng dalaga ang dalawang kahon. Binuksan. Isang white evening gown. May kasamang sulat.
" Dear Honey, try mo ito na baka kasukat mo. Ipinatahi ko para sa nawawala kong anak na kung naririto lang ay maaaring magkasing laki kayo. Lagi akong namimili ng mga gamit niya kahit wala siya. Good luck iha! Tita Mameng." Napangiti si Honey.
Itinago niya ang sulat. Inilabas niya ang gown. Isinuot. Sukat na sukat. Tuwang tuwa sina Bing at Aling Rosa habang pinagmamasdan nila ang dalaga, paikot ikot siya na parang si Cinderella. Binuksan pa niya ang isang kahon. Pink leather shoes na pointed ang mahabang mga takong. Isinuot niya. Kasukat rin! Isang long silk pink scarf ang katerno ng gown.
" Best! Napakaganda mo! Naiinggit tuloy ako at nanggigil sayo!" sabi ni Bing.
Ngiti lang ang isinagot ng dalaga. Handa na siya sa gaganaping beauty pageant.
***
Miss Palengkera Beauty Pageant Opening Ceremony. Ginanap ang pageant sa isang bagong sinehan na nirentahan. Halos puno ang mga upuan sa mga taong dumalo. Dumating sina Ryan at ang Mommy niya kasama ang mag asawang Montemayor. Umupo sila sa unahang hilera ng mga upuan para sa mga invited guests. Nasa harapan din nakaupo ang panel of judges sa pangunguna ng isang senator at mayor ng Quezon City. Isa sa mga judges ay ang founder ng Miss Philippines Foundation. Nasa ikatlong hilera ng mga upuan sina Aling Rosa, Mang Emong, Bing at ilang malalapit na kaibigan ni Honey.
Nasa back stage na ang dalaga kasama ang isang alalay na bakla na mag-aayos sa kanya. Ilang minuto pa ay lumabas na ang Emcee.
" Ladies ang Gentlemen! Tonight is our big night. Please welcome Mega Q Mart's Miss Palengkera Beauty Pageant." Nagpalakpakan ang mga manonood.
" Please let's all stand for our National Anthem and a short prayer to be led by Fr. Bernard." Tumayo ang lahat.
Tinugtog ang pambansang awit. Isang dasal ang isinunod pagkatapos.
" Ladies and Gentlemen, tonight we have 20 candidates who will vie for 2019 Miss Palengkera. Our panel of judges is composed of . Senator ______, QC city Mayor _____, Jules Magno our Market Administrator and etc, etc!_"
" Our criteria for judging is 10 points to be given each for Best in Evening Gown, Best in Swim Suit, Best in Talent, and for the 5 finalists, only one question will be asked. So there it is. We welcome now our 20 candidates in their evening gown. They will introduce themselves as i call them one by one. So let's start. Music please! "
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.