Part 7 . . . "Balat"

59 3 0
                                    


"Balat"

----------

Gumawa ng eksena si Wilma sa kanyang biglang pagdating. Lumapit siya sa mesa nina Ryan at tumayong katabi kay Honey. Ikinagulat rin ng dalaga ang biglang pagsulpot niWilma. Tumahimik ang buong garden. Pati ang banda ay tumigil sa pagtugtog. Nagulat din ang mag-asawang matanda. Hinarap ni Ryan si Wilma.

" Papaano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ng binata kay Wilma.

" Tinawagan ko ang mommy mo sa New York. Sinabi niyang dito kita makikita. Kaya kaagad akong umuwi rito. Kaya pala hindi ka na nagpakita sa akin ay may kinahuhumalingan ka ng iba! Siya ba? " sabay turo  ni Wilma kay  Honey. Kinabig niya ang kopitang may lamang red wine. Tumapon ang laman sa puting blouse ng dalaga.

" Ay! Sta. Clara! Ano ba yan!" sigaw ni Bing ng makita ang ginawa ni Wilma. Napatayo rin si Donya Mameng.

" Ryan! Ipasok mo muna sa loob ng bahay ang bisita mo at doon kayo mag-usap! Baka hindi ako makapagtimpi iba ang masabi ko sa kanya! " Galit na sabi ng donya sa binata. Nagulat rin si Ryan at hindi nagawang pigilan si Wilma.

" Opo, Tita. Honey, sorry! Pasensiya na. Mamaya na lang tayo mag usap." at sabay hawak ni Ryan sa kamay ni Wilma.

" Halika ka na muna. Sa loob tayo mag usap! " Pumasok sila sa loob ng bahay.

"Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas di Wilma pero nagawang isama siya ng binata sa loob ng mansion.

Pinupunasan naman ni Honey ng tissue ang alak sa kanyang puting blouse. Nilapitan siya ni Donya Mameng.

" Naku iha, hindi maaalis basta sa punas lang yan. Halika ka sa loob. Mabuti pa ay magpalit ka ng damit."

" Nakakahiya ho Tita. Uuwi na lang kami ni Bing! " sagot ng dalaga.

" Nope! Halika ka na. Bisita kita at ako ang mapapahiya anak! " Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ni Honey ng marinig niya ang salitang anak. Tumayo na lang siya at tumayo na rin si Bing para samahan ang best niya.

" Mga kaibigan, ituloy lang po ang kasayahan. Konting aberya lang po ang nangyari. " sabi ng donya.

Tumugtog ulit ang banda . Pumasok naman sa loob ng bahay ang apat. Nadaanan nila sina Ryan at Wilma sa sala. Nag-uusap ang dalawa na parang nag-aaway. Malakas ang boses ni Wilma. Napatingin siya kina Honey.

" Tse! Akala mo kung sinong pangit ang impaktang ito. " bulong ni Bing .

" Halina kayo sa itaas. Sa kwarto namin." yaya ng donya.

Tumuloy naman sa study room si Don Andres.

Sa silid ng mag asawa ay binuksan ni Donya Mameng ang isang closet. Tumambad sa dalawa ang mga damit ng matanda. Napakarami at puro magaganda at mamahalin. Pumili ang matanda ng isang babagay sa red coat ni Honey. Inilabas niya ito at iniabot sa dalaga.

" Here iha. Nakalakihan ko na ito. Palitan mo ang blouse mo at ito na ang isuot. "

Gusto pa sanang tumanggi ng dalaga. Si Bing na ang kumuha.

" Hubarin mo na ang coat mo best para makapagpalit ka na." Tumalima naman ang dalaga. Hinubad niya ang coat. Matagal siyang nakatayo na parang nahihiya. Hindi siya sanay maghubad na may ibang taong nakatingin sa kanya.

" Ano ba best! Puro naman tayong mga babae here. Hubarin na ang blouse!" Walang nagawa si Honey kundi sumunod. Hinubad niya ang blouse. Tumambad sa dalawa ang kaputian ng katawan ng dalaga. Makinis ang kutis niya. Nakatalikod siya kay Donya Mameng kaya nakita ng matanda ang kanyang pulang balat sa balikat. Biglang kinabahan ang matanda. Naalala niya ang kaniyang nawawalang anak na may ganung korte rin ng pulang balat sa balikat.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon