"Mt. Makiling"
----------Halos puro galos na ang mga kamay at braso ni Honey dahil sa mga nasasagi niyang mga matatalim na dahon at sanga. Mataas na ang kanilang naakyat. Nakararamdam na siya ng pananakit ng katawan lalo na ang kanyang mga binti. Huminto sila sa may mga malalaking batong naka-usli.
Napa-upo ang dalaga. Umupo na rin si Ryan sa tabi niya.
"Sorry Hon! Kailangan kasi nating umakyat dito. Advantage sa atin ang lugar na ito!"
"Ok lang ako mahal! Medyo nahapo lang pero kaya ko pa."
Kinalag ni Ryan ang bote na nakatali sa kanyang baywang at ibibigay sa dalaga. Uminom siya ng ilang lagok.
"Ikaw naman mahal."
"Huwag na. Para sayo talaga yan. Sanay na akong hindi umiinom ng dalawang araw."
"Ganyan ba kayong katinding mga sundalo? Walang pagod? Walang takot?"
"Hindi naman. Natutunan namin kung paano magsurvive sa lahat ng lugar, panahon at ano mang sitwasyon."
Tumayo ang binata. Sumilip siya sa pagitan ng dalawang malaking bato. Nakikita niya ang dampa sa ibaba mga 200 metro sa kinaroroonan nila. Mula sa dampa ay may 50 metro ang batis. Wala pa siyang nakikitang tao.
Muli siyang umupo. Kinuha niya ang cp at binuksan. Sabay pa sila ni Honey na nabigla at natuwa. May signal na.
"Hon, ikaw ang tumawag!"
"Akina!"
Pumindot si Honey. Naririnig nila na nagriring ang tinatawagan niya.
"Hello! Sino to?"
"BING! SI HONEY ITO!"
"BESHY IKAW NGA BA!"
Lahat ng nasa loob ng private ward ay nagulat sa pagsigaw ni Bing. Binibisita niya sina Aling Rosa at Donya Mameng nang tumawag ang dalaga.
"NASAAN KAYO?" na-excite siya nang marinig ang boses ni Honey. Lahat ay nakatingin sa kanya.
"Bing huwag ka ng sumigaw. Makinig ka. Nakatakas kami ni Ryan at hinahabol nila kami ngayon."
"Ha?"
Tumayo si Ryan at muling sumilip sa ibabaw ng mga bato. Nakikita niyang may mga tao na sa batis. Mga sundalo ang iba at ilang naka sibilyan. Tumatawid sa batis ang ibang sundalo at yung iba ay humihiwalay sa grupo. Papunta sila sa dampa.
"Hon, narito na sila." Mahina niyang sabi.
"Bing si Honey ba ang kausap mo?'
Tanong ni Don Andres." Opo Tito." Sagot ni Bing.
Biglang sabay na napabangon sina Aling Rosa at Donya Mameng.
"Papa! Ang anak natin! Hu hu hu!"
"Bing akina ako ang kakausap sa kanya."
Ibinigay ni Bing ang cp kay Don Andres. Pumasok naman sina Atty. Lirio ng masabihang tumatawag si Honey. Dala nila ang isang monitor.
Ikinabit nila ang cp sa monitor at lumabas ang berde at pulang dots.
"Honey! Si Tito Andres mo to. Nasaan kayo ngayon?"
"Papa!"
"Tinawag mo akong papa?" Nagulat ang don. Napatingin siya kay Donya Mameng.
"Opo papa"
"Paano mo nalaman?
" Papa alam na ni Honey na tayo ang mga magulang niya? " tanong ni Donya Mameng.
"Mahabang kwento Pa. Basta alam ko na kayo ang tunay kong ama."
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
Storie d'amoreHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.