Part 16 ... "Kidnap"

61 6 0
                                    

"Kidnap"

-----------

Kinalingguhan, naghahanda ng ang dalaga para pumasok sa hospital. Katatawag pa lang ni Ryan na susunduin siya. May hinahanap siyang libro, hindi na niya matandaan kung saan na niya naitabi. Tinignan na niya sa mga gamit niya sa kanilang silid ni Aling Ising pero wala pa rin. Kaya napilitan siyang pumasok sa silid nina Donya Mameng na nasa palengke na. Hinanap niya sa silid at nakita naman sa itaas ng tokador.

Palabas na sana siya ng may mapansin siyang parang may nakausli sa ilalim ng unan sa kama. Naisip niyang ayusin na muna ang kama ng mag-asawa. Dinampot niya ang mga unan ng makita niya ang dalawang foto albums. Umupo muna siya sa kama, binuksan ang isa. May pangalan ang album sa unang pahina.

" Honey Vergara Montemayor"

Para siyang biglang kinabahan. Binuksan ang susunod na pahina. Isang sanggol ang nasa litrato. Tinignan niya lahat ng pahina. Nang apat na taong gulang na ang bata. Kamukha niya. Kasama sa mga litrato ang mag-asawa.

Napansin niya ang kwintas na suot ng bata, kinabahang lalo si Honey. Dinampot niya ang isa pang album. Pumasok siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang kanyang kwintas na nakatago. Tinignan niya. May pendant ng imahe ni Mama Mary, sa likod ay nakatatak ng pangalan niya. Pinag kumpara niya ang nasa mga litrato at ang hawak niyang kwintas. Parehong-pareho. Pumatak bigla ang kanyang mga luha!

" Tita? Ikaw ang aking tunay ina? Diyos ko! Totoo ho ba ito?Hu hu hu!" bulong niya.

Kinuha niya ang kanyang foto album. Binuksan noong nasa elementary pa siya ang mga kuha. Binuksan niya ang ikalawang album. Ang batang kasama ng mga matatanda at ang kuha niya ay parehong pareho ang mga mukha. Siya ang nawawalang anak ng mga Montemayor. Niyakap niya ang album. Humagulgol na siya ng iyak.

" Kayo pala ang aking Mama, Tita! Papa, Tito? Kaya pala naging magaan at malapit na agad ang loob ko sa inyo. Pupuntahan ko kayo ngayon din at kailangan malaman ko ang buong katotohanan kung sino talaga ako. Hu hu hu!" Tumayo ang dalaga. Lumabas siya ng bahay at siya namang pagdating ni Ryan.

" Mahal! Bakit! Umiiyak ka! "

" Mahal, iyak ito ng kaligayahan. Tara na. Gusto kong puntahan natin sina Inay at Tita sa palengke. Saka na ako magpapaliwanag sayo. "

Inalalayan siya ng binata at dumaan sila sa pasilyo. Nasa kalsada na sila at nag-aabang ng taxi nang biglang may dalawang van na huminto sa tapat nila. Bumukas bigla ang mga pintuan, anim na kalalakihan na naka bonnet na mga mata lang ang nakikita at may dalang mga armas ang biglang dumakma sa kanila. Tinutukan ng baril sa ulo si Ryan.Nabigla ang dalawa. Hindi nanlaban si Ryan baka saktan nila ang dalaga.

"Bitawan ninyo ako! Ryan!"

"Huwag ninyo siyang sasaktan. Sasama ako ng mahinahon!" sabi ng binata.

Pinasakay silang pilit sa isang van at umarangkada na ang van. Nilagyan ng mga posas ang mga kamay nila. Kasabay ng paglagay ng talukbong sa kanilang mga ulo. Alam na ni Ryan na nanganganib silang dalawa ni Honey. Habang nilalagyan ng posas ang mga kamay niya ay pinalaki niya ang kanyang mga kamao at pulsuhan. Matapos makabitan na ng mga posas saka siya nagrelax. Lumuwag ang mga posas ng hindi napansin ng nagkabit. Narinig nila ang mga tawanan at usapan ng mga taong dumukot sa kanila.

" Ha ha ha! Napakadali naman palang dukutin ng dalawang ito. Walang kahirap-hirap, tsong! " sabi ng isa.

" Matutuwa si Bossing may kasama pang bonus! Ha ha ha! " Mabilis ang takbo ng dalawang van.

May nakakita sa nangyari. Nagkagulo na sa bangketa. Nagtakbuhan ang mga kabataang nakakakilala kina Honey para puntahan sina Aling Rosa sa palengke.

Humihingal ang dalawang kabataan ng makarating sila sa pwesto nina Honey.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon