"Booby Trap"
-------
Sa loob ng private ward ng hospital ay panay pa rin ang pag-iyak ni Donya Mameng sa tuwing naiisip nya ang kanyang anak. Isang private nurse ang nakaantabay sa kanyang tabi. Si Don Andres ay panay ang tawag sa kanilang mga sekreyaryo para sa paghahanda ng ransom money.
Sa kabilang silid ay naghihintay ang taga NBI ng tawag sa cp ng Don. Naka hooked ito sa isang monitor. Mag-aalas siyete ng gabi ng ito ay mag-ring.
Agad na tinawagan ang Don para sagutin ang tawag.
"Hello!"
"Hello! Si Bonifacio ito. Nakahanda na ba ang mga pera?" tawag ni Lt. Solis.
Sinenyasan ni Atty. Lirio ang Don na patagalin ang usapan nila ng kidnapper. Nakikita sa monitor ang mapa ng kalakhang Maynila. Blue dot kung nasaan ang Don. Isang red dot ang umiikot sa blue dot na papalayo sa red dot. Gamit ang GPS hinihintay nilang tumigil ang red dot.
" Kulang pa! Hindi madaling ipunin ang 50m na lilibuhin. Inaayos na sa mga banko. Kumusta sina Honey?
"Bilisan ninyo! Nangangati na ang kamay ko or else hindi na ninyo makikita pa silang buhay. Balita ko mayaman ang lalaking doctor. Kaya dadagdagan ninyo ng 20m ang ransom para sa ulo niya!"
"Nahihirapan na nga kami sa 50m dadagdagan pa ninyo!"
"Basta't gawin ninyo ang sinabi ko. Tatawag ako bukas " biglang nag off ang tenyente.
Napatingin ang Don kay Atty. Lirio.
"Kulang po ang oras para malocate siya pero huminto ang red dot dito sa parte ng Laguna." sabi ng ahente.
Nanlumo ang Don. Naiisip niya ang kalagayan ng kanyang anak. Kung kailan nila nakita ang kanilang matagal ng hinahanap saka pa nagkaganito. Pumasok siya sa kabilang kwarto. Pinagmasdan niya ang kanyang asawa. Tulog na. Napagod sa kakaiyak.
****
Magbubukang liwayway na.
Nakaupo si Ryan habang tulog pa ang dalaga. Maagang natulog si Honey kagabi. Hinayaan niya at nagbantay siya sa buong magdamag. Iniisip niya ang kanilang sitwasyon. Kung siya lang mag-isa ay makakaya niyang lumaban ng harapan tulad ng nilabanan nila ang mga rebelde sa kagubatan ng Honduras. Nag-aalala siya para sa mahal niya. Kailangan gumawa siya ng paraan kung paano sila makaliligtas ng mahal niya.Ngayon lang niya napansin ang mga tuyong ulo ng mga baboy ramo at usang bundok na nakasabit sa dingding.
"Isang mangangaso at taxidermist ang may-ari ng dampang ito. Baka may mga gamit siyang naiwan dito." sa isip niya.
Tumayo siya at lumuhod sa tabi ng papag. Sumilip siya sa ilalim at nakita niya ang isa pang baul. Inabot niya ito at hinila. May kabigatan ang baul. May lock kaya binunot niya ang kanyang hunting knife at sinira and lock.
Binuksan niya ang baul.
Isang hunting rifle at isang kahon ng mga bala ang una niyang nakita. Isang rolyo ng manipis na alambre gamit sa pag gawa ng patibong para sa mga hayop. Mga bote na may lamang gamit para sa pagpapatuyo ng balat ng hayop. May matilyo, plier at mga pako. Nakita niya ang isang galong bote ng asido. Napangiti siya.
Malapit ng sumilay ang araw. Kailangan niyang kumilos ng mabilis. Kinuha ang kailangan niyang gamit. Bago siya lumabas ay hinalikan niya ang dalaga na hindi nagising.
Pinagmasdan niya ang paligid ng dampa. Nasa pagitan ito ng dalawang malaking puno. Madawag ang paligid at iisa ang maliit na daan patungo sa dampa. Ilang metro lamang ay ang batis na. Nagsimula na siyang kumilos.
Mainit na ang sinag ng araw ng siya ay matapos. Dagli na siyang bumalik sa dampa na habang naglalakad ay binubura niya ang kanyang mga bakas. Alam niyang ano mang oras ay darating na ang humahabol sa kanila.
Gising na si Honey nang siya ay pumasok. May naaamoy siyang kape.
"Hon sorry. May ginawa lang ako at hindi na kita ginising." Itinabi niya ang kanyang mga dala.
"Ok lang. Alam ko naman kung bakit wala ka. Nagtimpla na ako ng kape. Nakita ko riyan sa kusina. Halika ka na muna."
"Sige. Kailangan bilisan natin. Maaaring papunta na sila dito. Magpalit ka na rin ng damit. Aalis na tayo para makalayo kaagad."
Sa pagitan ng pag inom ng kape ay sabay silang naghubad at nagbihis. Tumalikod si Ryan sa dalaga. Bihis na sila ng magharap. Nakapa ni Ryan ang cellphone sa back pocket niya. Naalala niyang kinuha niya ito sa napatay niyang isang kidnapper.
Tinignan niya ang cp. Parang tuyo. Binaklas niya. Hindi nabasa sa loob. Ibinalik niya ang baterya at binuksan. Nagbukas at natuwa silang pareho. Kalahati pa ang power ng baterya. Kaya lang ay walang signal.
"Magagamit natin ito mamaya mahal. Kailangan sa mataas na lugar pa tayo para makasagap ito ng signal."
Ibinulsa niya ang cellphone.
Handa na silang umalis. Pinalabas ni Ryan si Honey sa likurang pintuan at nagpa-iwan muna siya sa loob. Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na ang binata. Isinara niya ang pinto at may inabot siya sa loob. Hinila niya ito. Isang alambreng manipis. Itinali niya ng patago at hindi mapapansin kung hindi titignan mabuti. Nang matapos ay sinukbit niya sa balikat ang armalite at hunting rifle. Hawak naman ni Honey ang 9mm na baril.
"Hon dito tayo dumaan. Aakyat pa tayo sa itaas. Tapakan mo lang ang tinapakan ko at hawakan ang hinawakan ko. Kaya mo pa ba?"
"Oo mahal. Kakayanin ko."
At nilisan nila ang dampa. Alalay niya ang dalaga sa pag-akyat nila. Nakaramdam siya ng awa sa minamahal. Puro galos na ang mga kamay at bisig dahil sa pagsagi sa mga mga halaman noong tumatakbo sila.
***
"Kabo! Wala pa kayong nakikitang mga bakas diyan?" Sigaw ni tenyente sa mga kasama nilang naglalakad sa kabilang panig ng batis.
"Wala pa tenyente!"
"Tenyente! Dito may mga bakas ng sapatos at sariwa pa!" Sigaw ng na-uunang sundalo.
"Kabo! Tumawid na kayo rito. Dito sila dumaan!"
"Sige tenyente. Susunod na kami sa inyo!"
Nakita nila ang ilang bakas ng sapatos na sadyang ginawa ni Ryan.
"Reyes. Magsama ka ng dalawa. Mauna na kayo. Guzman isama mo ang isang sniper dito kayo pumasok. Bilisan ninyo ang lakad ninyo para mapaikutan natin sila. Kayo Kadyo umabante pa kayo ng sampung metro at pasukin ang gubat."
Sumunod lahat ang mga inutusan ni tenyente. Nakatawid naman sa batis sina kabo.
"Tayo na kabo. Sundan natin ang mga na unang tatlo. Hindi na sila makaliligtas ngayon."
*********
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.