"Bilasang Bangus"-----------
Lumipas ang ilang araw ay naging palagay na ang loob ng mag-asawang Don Andres at Donya Mameng sa kanilang bagong tirahan. Kadalasan ay sumasama sila sa pwesto at tumutulong sa pagtitinda. Natutuwa naman sina Aling Rosa at Honey. Nasanay na kasi ang dalawang matanda sa malansang amoy ng palengke.
Isang umaga ay abala ang tatlo, sina Honey, Aling Rosa at Donya Mameng sa pagtitinda ng sumingit sa karamihan ng mamimili si Wilma.
" Pagbilhan nga ho! "
"Aba! Naligaw ka yata Ineng?" tanong ni Aling Rosa."
" Sorry na ho sa nangyari. Kasalanan ko ho at tanggap ko na ang kamalian ko! Sorry ha Honey?"
" Wala sa akin yun! Kalimutan mo na! Sige, mamili ka na ng bibilhin mo!"
" Salamat! Bigyan mo ako ng dalawang kilo nitong bangus! " Pumili si Honey at tinimbang. Nakatingin si Donya Mameng. Hindi kumikibo.
" Palilinis ba natin Wilma?" tanong ni Honey. "
" Huwag na lang! Iihawin ko. Heto ang bayad! " Inabot ni Wilma ang lilimandaang piso. Kinuha ni Honey at sinuklian si Wilma.
" Sige tutuloy na kami. " Lumakad na si Wilma na kasunod si baklang Nimfa.
Nang makalayo sila ay . . .
" Nimfa, dalhin mo ito. Ang baho at ang lansa!"
" Ano naman ang binabalak mo Manay inzan? Naku baka madamay ako niyan ha?"
" Manahimik ka riyan at sumunod ka na lang. " Lumabas sila sa pasilyo.
Binaybay nila ang bangketa. Sa labasan ay may ilang naglalako ng mga isda na nasa bilao na kapag may dumarating na taga MMDA ay nagtatakbuhan. Nakita ni Wilma ang isang babae na may panindang isda. Katabi ang isang magtitinapa.
Lumapit si Wilma at tinignan ang paninda ng ale. Mga bangus din pero hindi na sariwa. Maiitim at maputla na ang mga hasang. Pulang-pula ang mga mata. Natatanggal ang mga kaliskis at lamog na ang mga laman. Napangiti si Wilma.
" Pagbilhan nga po ng dalawang kilo!"
" Pumili ka na!" sagot ng tindera.
Namili si Wilma. Ang mga pinakabilasa sa mga bangus ang pinili nya.
" Magkano mga ito?" Dinampot ng tindera at tinimbang.
"2 kilo. Dalawang daan lang! " Nagbayad siya.
Nang ilalagay na lang sa plastic bag ang mga isda.
" Saglit lang. Nimfa, akina na yang supot!" Inabot ni Nimfa ang supot na may bangus kay Wilma at nagtataka. Kabibili lang nila sa loob, ngayon bumibili na naman si Wilma.
" Ale, inyo na itong laman nito at ilagay niyo ang binili ko sa supot!" Atas ni Wilma sa tindera.
Nagtaka rin ang tindera na napansin din ng naglalako ng tinapang katabi niya. Ibinuhos ng tindera ang laman ng plastic bag sa bilao at inilagay sa loob ng supot ang mga bilasang bangus. Iniaabot niya kay Wilma na agad namang kinuha at umalis na.
" Aba Aling Munda, may sa lukaret yata yung babaing yun. Ngayon lang ako nakatagpo ng ganung klaseng tao. " sabi ng magtitinapa!
" Ako nga rin Nerissa, mantakin mong binigyan pa ako ng mga bangus eh bangus rin naman ang binili! Hi hi hi! Baka nababaliw na! "
" Oo nga! ha ha ha!"
Mabilis ang lakad ni Wilma. Sunod ng sunod naman si Nimfa. Umakyat si Wilma sa 3rd floor ng palengke. Hinanap ang opisina ng Market Administrator. Nakita naman. Tuloy tuloy siyang pumasok. Nagulat ang secretarya.
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.