Part 5 . . . "Unang Pag-ibig

66 5 0
                                    


"Unang Pag-ibig"

-----------

Sunday, 6:30 am ay nasa pwesto na sina Honey at Bing. Habang naghihintay sila ng oras ay tumutulong muna ang dalaga sa kanyang magulang na abala sa dami ng taong bumibili. Siya ang tagatawag ng costumers.

"Hoy mga ale! Pansinin naman ninyo ang beauty ko. Hihihi! Halika na kayo at pili na. Naghihintay ang mga isda ko. Mga sariwa po lahat yan. Inay dalawang kilong gigi raw ho kay Mrs buntis!" sigaw niya.

"Hoy Honey huwag kang gaanong magdidikit diyan sa lababo baka mangamoy malansa ka!" sabi ni Aling Rosa.

"Oo nga naman beshy. Masasayang ang beauty mo. Ikaw rin baka maamoy ka ni pizza pie na amoy bangus ka at mawalan ng gana sayo! Hihihi!" sabad ni Bing na naka-upo sa papag sa likuran nila.

"Hoy Bing! Hindi na baleng amoy isda. At least maganda pa rin. Hahaha!"

"Beshy baka naroroon na siya sa harap. Puntahan na natin. Quarter to seven na ho!"

"Buti pa nga. Nay aalis na ho kami ni Bing. Babalik na lang ho mamayang hapon." Hinubad niya ang suot na apron.

"Sige anak at good luck!"

"Opo! Hihihi! Sila dapat mag good luck!"

*****

Pumarada ang isang black Bentley sa dapat ng Mega Q Mart. Bumaba si Ryan at tumayo sa tapat ng Pasilyo D kung saan sila pumasok noong kasama ang kanyang tita. Tinignan niya ang kanyang orasan. 5 minutes pa before 7. Maraming tao ang labas-masok sa pasilyo. Iniisa-isa niyang tinitignan ang mga lumalabas.

Sa hindi kalayuan mula sa bukana ng pasilyo ay napansin niya ang dalawang red caps na ang isa ay mataas ng 4 na pulgada at mabagal na papalapit sa bukana. Natatakpan ng mga tao ang may mga suot hanggang sa makilala niya kung sino.

Napangiti ang binata ng makita si Honey kasabay si Bing.

Sa tangkad na 5' 9" ay namumukod ang dalaga sa mga tao na ang ilan ay sa kanya nakatingin. Nakasuot siya ng white short at naka tuck in ang white shirt with matching red chaleco. Dahil sa long legged ay litaw ang hubog ng mga legs at katawan ng dalaga. Naka tirintas ang mahabang buhok na lampas batok na may palamuting mga munting bulaklak ng Jasmin na si Bing ang may gawa. May suot siyang tinted shades.

Marahang naglalakad ang dalaga papalapit kay Ryan na tila kinabog ang dibdib sa kanyang nakikita.

"Beshy ayun ang pizza mo! Haayy ang pogi talaga!" Pabulong na sabi ni Bing.

"Huwag kang magulo Bing. Baka marinig ka! Nakakahiya!"

"Aray!" Kinurot ni Honey ang kaibigan sa baywang.

Pinagmamasdan din ni Honey ang binata habang naglalakad siya. Nakasuot ng faded blue tight fit na maong with matching brown leather boots at golden yellow sport shirt na naka tuck in.

Sa tangkad na 5' 11" at maskuladong katawan ay parang isang model ng men's mags ang binata at nakangiting nakatingin kay Honey. Lumakas ang kabang nararamdaman ng dalaga.

"Hi! Kanina ka pa?" Bati ni Honey.

"Hello! Nope. Kararating lang namin." sagot ng binata.

"Sa may Batasan tayo pupunta. Doon magmumula ang parade mamaya."

"Ok. Tayo na!" Binuksan ni Ryan ang huliang pinto ng kotse. Unang sumakay si Bing.

"Hi doc!"

"Hello Bing!"

Sumunod si Honey. Habang  papasok siya sa sasakyan ay nalanghap ng binata ang bangong humahalimuyak mula sa dalaga.

"Ahhhh! Oh Honey I'm going crazy!" Sa isip niya. Isinara niya ang pinto at sumakay sa harapan katabi ang driver na si Mang Dencio.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon