"Jungle Hunter"
--------
Magtatakim silim na at nakakita sina Ryan at Honey ng isang malaking guwang. Tinignan ng binata ang loob, masukal pero walang hayop sa loob.
Inayos niya ang mga tuyong dahon sa sulok ng guwang.
" Mahal, dito ka muna. Saglit lang ako."
" Oo mahal ko! "
Lumabas ang binata. Naghanap ng makakain nila. May nakita siyang mga puno ng saging. May bunga ang ilan at hinog na. Pinutol niya ang puno ng isa at pinitas ang mga hinog na saging. Pinasan niya. Naglakad pa siya. May nakita siyang isang uri ng baging. Binaba niya ang mga saging. Pumutol siya ng isang malaking buho ng kawayang gubat. Gumawa siya ng paglalagyan ng tubig. Isang biyas ang kinuha. Bumalik siya sa mga baging. Pinutol niya ang isa. Tumulo ang sariwang tubig. Itinapat niya ang biyas na buho. Nang mapuno na ay dinampot niya ang mga saging at bumalik na sa guwang. Natuwa si Honey ng makitang may dalang tubig at mga saging ang binata. Uhaw at gutom na rin siya. Kumain silang dlawa.
" Mahal, saan mo ba natutunan ang jungle survival?"
" Hon! Dati akong U.S. marine. Kabilang ako sa mga Special Forces na lumaban sa Iraq, Afghanistan at Honduras. Kapitan na ako ng magretiro at nag-aral! "
" Kaya naman pala sabi mo noon ay bihasa kang kumain sa gubat."
" Mabuti Mahal ay iiwan muna kita rito. Huwag kang aalis hanggat wala pa ako. Eto ang flashlight at baril. Ito ang lock ng gantilyo. Unlock mo lang, itapat mo at kalabitin ang gantilyo kapag may pumasok dito. "
" Makakaya ko kaya Mahal?"
" Kayanin mo! " Yumuko ang binata at hinalikan sa mga labi ang dalaga. Lumabas na siya sa guwang.
Namumula sa galit ang tenyente. Nabaybay na nila ang batis. Nakita ang mga bakas ng mga sapatos nina Ryan na papasok muli sa kagubatan. May ilang sanga ng mga halaman ang nabali. Tanda na dumaan sila roon. Magdidilim na.
" Kumalat kayo. Para madali natin silang makita. Dalawang milyon para sa unang makakakita sa kanila!" Atas ng tenyente.
" Yahoo! Dali mga kosa! Ha ha ha!"
Masayang pumasok sa gubat ang grupo ni tenyente. Nakalabas ang mga flashtights nila. Nakarating na sila sa lugar na may mga patibong na ginawa ni Ryan. Pares-pares ang mga kidnappers, madilim na ang gubat at madawag ang halamanan.
" Kosa, yayaman na tayo kapag tayo ang unang nakakita sa kanila!" bulong ng isa.
" Oo kosa, kaya bilisan natin. Unahan natin sila! " sagot ng kasama. Nagmadali sila sa paglalakad.
" He he he. Dito tayo kosa dali!"
" Urghhhhh!"
" Kosa bakit! Ahhhhh!"
Napasigaw siya ng malakas ng masinagan niya ng ilaw ang kasama niya. Tatlong buhong matutulis ang nakatuhog sa dibdib ng kasama. Nagkikisay ito. Namatay na nakatayo. Tinali ni Ryan ang tatlong buhong matutulis sa isang mahabang buho. Hinatak niya ang mahabang buho at nilagyan ng maliit na kahoy na pagsasabitan. Isang baging ang ginamit niya. Tinali ang maliit na kahoy na kapag nasagi ang baging ay matatanggal ito at babalik ang mahabang buho na parang spring. Sapol sa dibdib ang nakasaging kidnapper. Nagsisigaw ang isa.
" Kadyo! Kadyo! May mga patibong! " Binilisan niya ang lakad papalayo sa kasama.
" Ahyeeeiiiip! Arghhh!"
Natapakan niya ang isang patibong. Isang hukay na eksakto lang ang isang paa! May nakatanim na matulis na buho. Tuhog ang kanyang paa. Tagos. Nang pagyuko niya ay nasagi ang isang baging. Isang mahabang tulis na buho ang nakahila at naka-umang sa makakatapak sa butas. Natanggal ang maliit na kahoy, lumipad ang buho, tinuhog ang leeg ng kidnapper na hinihila ang isang paang nakatuhog.
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.