"Oo ang Sagot"
-----------
Kinabukasan, maagang nagpunta si Honey sa pwesto nila. Marami na ang namimili. Matamlay ang dalaga na napansin ng inay niya.
" Mano po Inay! Itay! "
" Hindi ko na namalayan ang pag-uwi mo kagabi anak. O, tila yata namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?"
" Wala po ito Inay. Napuyat lang po ako. Hindi na muna ho ako papasok ngayon. Dito na muna ako maghapon."
" O siya, ikaw ang bahala anak! Medyo marami nga ang namimili ngayon. Magkape ka na muna. Saglit lang at ipagtitimpla kita."
" Huwag na ho. Ako na lang ang magtitimpla. " Habang nagtitimpla ang dalaga ay dumating si Nerissa. Dala-dala ang mga panindang tinapa.
" Hoy best! Kumusta ka na.? Maghapon kahapon na rin kitang hindi nakikita!" sambit ni Nerissa.
" Busy lang ako sa hospital kaya ngayon lang ako nakapunta. " sagot ng dalaga.
" Best, ang tagal kang hinahanap ng bagong admin. Lagi nga siyang nagtatanong sa akin kung kailan ka pupunta rito. Sabi ko hindi ko alam. Parang malakas yata ang tama sayo! "
" Naku! Huwag mo na ngang pansinin ang taong ion. Wala akong panahon sa kanya. "
" Hoy Nerissa! Humayo ka na nga't maglako na ng paninda mo. Mamaya niyan puro ka reklamo kesyo hindi naubos ang mga tinapa mo. Hala sige na! Layas! " sigaw ni Aling Rosa .
" Opo! Aalis na po! Sige best. Maya na lang tayo mag-usap."
" Sige best. Iwas tsismis ka muna ha. Pagtitinda ang atupagin mo! "
" Ok best. Masusunod po!"
Mag-aalas tres na ng hapon. Wala ng gaanong mamimili sa palengke. Naglilinis si Honey sa kanilang pwesto. Naayos na niya ang mga banyerang walang laman. Umalis saglit ang kanyang Inay. Masarap naman ang tulog ng ama niya sa papag. May dumating na mama. Tumayo ito sa harapan ng pwesto nila. Pinagmamasdan siya.
"Ano na naman ang nakain ng mamang ito? " Iniisip ng dalaga.
"Ehem! Kayo ho ba si Miss. Honey Robleza? " tanong ng mama.
" Opo! Bakit po"
Hindi kumibo ang mama. Sumenyas lang ito sa dalawang mama pang nakatayo sa hindi kalayuan. Lumapit sila at lahat ay nakangiti sa kanya. Naglabas ng isang boquet na red roses ang isa at iniabot kay Honey. At sabay-sabay silang umawit sa himig ng "Sa Piling Mo"
" Patawarin mo na sana .
Ang puso ko sinta!
Hindi ako nakatulog, hinahanap hanap kita!
Ako'y nagsusumamo sayo.
Dinggin mo ang puso ko.
Kung nasaktan man kita.
Yaon mahal di ko sinasadya!
O, Honey kong mahal.
Pinaka-iibig kita!
Buksan mo man ang puso ko.
Ikaw lamang ang laman nito.
Lumingon ka sa kanan mo.
Makikita mo akong nakatayo!
Kapag hindi ka ngumiti.
Aalis akong bigo!"Sumenyas ang tatlo kay Honey na lumingon siya sa kanan. At lumingon nga ang dalaga. Nakita niya si Ryan sa hindi kalayuan, nakatayo at nakangiti sa kanya. Napangiti ang dalaga. Lumakad ang binata papalapit sa kanya habang umaalis naman ang tatlong kumanta.
" Salamat Hon ko" sabi ng binata.
" Salamat ka dyan! Anong Hon ko?"
" Huwag ka nang magtampo. Wala na kami ni Wilma. Matagal na. Sorry sa ginawa niya kagabi."
" Pasalamat siya at nabigla rin ako kagabi. Kundi nakita sana niya kung sino ako!"
"Sorry at hindi ko siya napigilan kaagad. Hindi ko inasahan na ganoon ang gagawin niya."
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.