Part 10 ... "Lumabas ang Katotohanan"

55 4 0
                                    

"Lumabas Ang Katotohanan"

----------

Tatlong araw na namalagi ang mga medical teams sa CDO. Sa huling araw ay nagsimba silang dalawa at si Bing sa Xavier Cathedral. Matapos ang misa ay  naupo sila sa may harapan. Nagpaalam sa kanila si Bing na maghahanap ng pangpasalubong muna. Iniwan sila. 

" Napagod ka Hon? Mabuti na lang may dumating pang ibang doctors kundi hindi na tayo makakapagpahinga man lang. " sabi ni Ryan.

"Medyo. Pero okey lang ako. I am thankful at nakatuløng ako sa kanila kahit papaano." sagot ng dalaga.

" Hon, darating si Mommy sa susunod na buwan. Gusto sana kitang ipakilala."

" Mahal, nahihiya ako!"

" Bakit naman? Wala ka namang dapat ikahiya. Mabait si Mommy at mamahalin niya ang mahal ko."

" Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa atin?"

" Hindi pa. Pero alam na niya na may napupusuan na ako rito."

" Anong sabi niya?" " Basta lang daw na sure ako na mahal ako ay matatanggap niya."

" Kinakabahan ako Mahal. Baka hindi niya ako matanggap!"

" Huwag kang kabahan. Kapag nakaharap mo na siya at naka-usap, saka mo sabihin sa akin kung okey siya o hindi. But for sure, mapapamahal siya sayo. " sabi ng binata.

Tumayo sila at naglakad. Umakbay si Ryan sa dalaga. Masaya ang kanilang pakiramdam.

" Hon, alam na ba ng mga parents mo?" tanong ng binata.

" Hindi pa. Pero nakararamdam si Inay. Saka ko na sasabihin sa kanila. Alam nila kasi pag-aaral ang priority ko. Ayokong mag-isip sila ng iba." sagot ng dalaga.

" Okey. Igagalang ko ang gusto mo. Tara sa SM, there na tayo kumain. Mamayang hapon na ang balik natin sa Maynila. "

" Sige. Baka doon na tumuloy si Bing. Maghahanap daw siya ng Marang para pasalubong. "

" Ano yun?" " Prutas yun. Hayaan mo pag may nakita tayo, patitikim ko sayo. " tumawag ng taxi si Ryan.

Sumakay sila at nagpahatid sa SM.

***

Sa mansion ng mga Montemayor ay hindi mapalagay si Donya Mameng. Pumasok siya sa silid ng nawawala niyang anak. Pinagmasdan ang buong silid. Ang kama, binuksan ang mga closets, inamoy ang mga damit ng anak niya. Napaluha siya. Pumasok si Don Andres. Nilapitan siya at niyakap.

" Mama, huwag ka nang umiyak. Makikita rin natin siya. Katulad mo, hindi rin ako nawawalan ng pag-asa. Mabait ang Diyos Mama!" sabi ng don.

" Papa, hindi mo maiaalis sa akin ang hindi mapaluha sa tuwing naaalala ko ang ating anak. Nasaan na kaya siya? Malakas ang kutob ko bilang ina na buhay pa siya. Hu hu hu hu!" sagot ng asawa.

Binuksan niya ang isang drawer. Kinuha ang isang photo album. Binuklat. Pinagmasdan ang mga litrato ng anak nila. Napakasayang bata kahit may kadaldalan na mahal ng lahat. Tinignan niya ang mga kuha sa yate. Hanggang sa kinuha pa niya ang isang photo album, noong sanggol pa lamang ang anak nila. Cute na cute at chubby. Pinagmasdan niya ang pulang balat sa balikat ng bata. Hugis puso. Bigla niyang naalala si Honey. Nang maghubad ang dalaga. May pulang balat din sa balikat. Parang bigla siyang kinabahan. Pinunasan niya ang kanyang mga luha. Kinuha ang tatlong photo albums.

" Papa, aalis muna ako. May pupuntahan ako." aniya sa don.

" Saan ka pupunta Mama. Bakit kailangan mo pang dalhin ang mga photo albums ni Honey?"

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon