Part 14 ... "Donya Mameng"

59 5 0
                                    


"Donya Mameng"

-------------

Biglang nakaramdam ng pagkalungkot si Honey sa sinapit ng kinikilala niyang Tita.

"Kawawa naman. Ni wala na silang matitirahan! Di ba Nay pwedeng sa atin muna sana sila tumira ? May kwarto pa naman tayong isa na walang gumagamit!"

" Sa akin anak pwede, papayag ba naman kaya sila? Dating mayaman titira sa bahay mahirap?"

" Wala naman po sigurong masama kung sabihan sila. Teka tatawagan ko si Ryan. "

" May selpon ka na anak?"

" Opo Inay, premyo ko po! "

" Sige ikaw ang bahala! Emong! Pakibuhat mo naman yung isang baldeng tubig ko. Marami pa akong huhugasang mga banyera!"

Tumayo si Mang Emong, kinakamot pa ang buhok. Pumunta siya sa igiban ng tubig.Tumawag ang dalaga kay Ryan!

" Hello mahal! Musta ka na? "

" Hello love! Ok lang. Nag-iimpake. Lilipat ako ng tirahan. "

" Bakit?"

"Bumagsak ang mga negosyo nina Tito."

" Nabasa ko nga sa news na bankarote na raw sina Tita Mameng! "

" Yun nga eh! Biglaan. May sheriff notice kami here. May mga police pa. Nagbabantay sila na walang madadalang gamit sina Tita sa pag-alis. Pati gamit ko nga kinakalkal!"

" Ha! Kawawa naman sila mahal. Gusto ko sanang kausapin si Tita! Nariyan ba?"

" Saglit lang at pupuntahan ko. Kumusta ka na mahal ko?"

" Ok naman."

"Magkita tayo sa canteen mamaya!"

" After ng round namin sa Ward 2 mga 5pm. "

" Call. Oorder na ako para sayo. Narito na si Tita, Hand ko na sa kanya ang phone. I love u!"

"I love u too!"

"Hello po Tita!"

" Hello Honey. Napatawag ka?"

" Nabasa ko po sa news ngayon ang nangyari sa inyo. Nakikiramay po ako Tita!"

" Salamat Honey. "

" Tita! Saan po kayo titira?"

" Hindi ko pa alam. Buti nga at nabigyan ko ng sahod ang mga katulong. Paalis na rin sila."

" Tita, dumito na muna kayo sa amin pangsamantala!"

" Ha? Hindi ba nakakahiya sa mga Inay mo?"

" Hindi naman po. Payag po sina Inay! Ano ho Tita? "

" Maraming salamat sayo Honey. Napakabait mong talaga! Sige. Mamayang hapon kami lilikas. Kasama ko si Aling Siling. Ulilang lubos na at wala ng kamag anak! Pwede ko ba siyang isama?"

" Opo Tita! Uuwi na rin po ako at ihahanda ko ang kwarto! Ingat po kayo Tita! "

" Oo Honey. Mag-ingat ka rin sana, anak!"

Nang marinig ng dalaga ang anak para siyang niyugyog na gustong gusto niya ang pagtawag sa kanya ng anak ng Tita niya.

" Opo Tita!"

" Here na si Ryan. "

"Hello Hön mahal!"

" Mahal. Pauwi na ako sa amin. Mamaya na lang sa hospital."

" Yup! Ingat ka mahal ko!"

"Ikaw rin po mahal ko!"Nag-off na si Honey at nagpaalam na uuwi na.

Lumapit naman si Donya Mameng kay Ryan.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon