Part 22 ... Road Chase

55 4 0
                                    

"Road Chase"

-------

Isa-isang nalalagas ang mga tauhan ni tenyente. Wala silang kamalay-malay na nasa itaas ang bumabaril sa kanila. Siyam na lang silang natitira.

"Gomez, nakikita ba ninyo kung nasaan siya?" Tawag ni tenyente.

" Hindi mistah!"

"Gomez parang may iba pang tumitira sa atin." Sabi ng sniper na katabi ni Gomez.

Sumipat siya sa itaas. Tinitignan niya lahat ng angulo. Sa mga batuhan ay nakita niya ang naka-usling dulo ng riple.

"Gomez sa itaas, 30° north. Sa mga malalaking bato!"

Sumilip si Gomez sa kanyang telesokopyo.

"Oo nga. Nakikita ko na. Ang putang ina! Tuso talaga! Tirahin mo bro!"

"Tenyente! Wala sila sa loob ng dampa. Tumingin kayo sa itaas. 200 meters 15° north ninyo!"

"AHHH! Ang walang hiyang animal. Naisahan ulit tayo. Kabo tirahin ninyo!" Atas ni tenyente.

Sabay-sabay nilang pinaputukan si Ryan. Sumasabog ang ibabaw ng bato sa dami ng tumatamang bala. Umupong bigla ang binata at niyakap si Honey na nakasubsob ang ulo sa kanyang mga tuhod.

"Hon, umalis na tayo rito. Alam na nila kung nasaan tayo."

Itinayo niya ang dalaga at payuko silang naglalakad palayo sa mga bato.
Hindi alam ni Ryan na sinisipat sila ng sniper.

"Bang!"

"Ughh!"

"RYAN!"

Sapol ang binata sa kaliwang balikat. Tumama ang bala sa strap ng riple tumagos hanggang sa balikat ng binata. Natumba siya at napahilang pabagsak si Honey.

"Ryan! Diyos ko po!" Bumulwak ang dugo mula sa sugat.

Pinunit ng dalaga ang damit ni Ryan. Kita niya ang sugat. Tinignan niya ang dibdib hindi tumagos. Tuluyan na niyang pinunit ang damit na suot ni Ryan. Binilot niya at itinali sa balikat ng mahigpit para maampat ang pagdutugo.

"Kaya ko ito mahal. Daplis lang ito."

"Anong daplis lang."

"Huwag kang mabahala. Tara na!"

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at payuko silang naglakad. Nakita nila ang makitid na landas pababa sa bundok. Nagmadali silang bumaba.

"Tenyente! May tama na siya!"

"Magaling! Hindi na sila makalalayo. Men bilisan natin. Maabutan natin sila. On the double now!"

Nagtayuan ang mga tauhan ni tenyente at patakbo na silang humabol paakyat sa bundok.

Nakarating sina Honey sa batis. Inaalalayan niya ang binata. Nag-aalala ang dalaga na baka maubusan ng dugo ang binata. Binaybay nila ang pampang hanggang sa mababaw na lang ang tubig at saka sila tumawid.

" Hon nadaanan na natin ang lugar na ito. Mga ilang metro na lang ay ang kamalig na. Bilisan natin!"

"Kaya mo pa ba mahal? Namumutla ka na!"

"Oo kaya ko pa. Bilisan na natin!"

Takbo't lakad ang ginawa ng dalawa.
Hanggang sa makita nila ang kamalig.
Nakarating na sa kabilang batis na sina tenyente. Mabibilis ang kanilang mga kilos. Madali nilang natawid ang batis.

"Tenyente, ayun sila papunta sa kamalig." sigaw ni kabo.

"Bilisan pa ninyo! Aabutan natin sila."

Malapit na sa kamalig ang dalawa. Tinitiis ng binata ang sakit ng kanyang sugat. Narinig nila ang mga putok. Humaging ang mga bala sa kanila na ang iba ay tumama sa dingding ng kamalig.

Miss Palengkera (Completed / Under Edition )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon