"Pagtakas"--------
Tuwang-tuwa si tenyente na nakuha nila sina Honey at Ryan. Marami-rami na silang na-iinom na alak.
"Kadyo ayusin ninyo ang papag. Mamaya ay lumabas kayong lahat. Ayokong may maiiwan dito sa loob."
"Bakit bossing?"
"Kadyo alam mo na ang ibig sabihin ni tenyente. Honeymoon niya mamaya. Titikman na niya si masabaw. Ha ha ha!"
"Ha ha ha. Okey bossing!"
"Hoy Estong! Huwag kayong gaanong iinom. Magbantay kayo!" Tumingin si tenyente sa kina-uupuan nina Honey. Tumayo siya. Nilapitan ang dalaga.
" Kumusta ka na sweetheart. Mamaya paliligayahin kita. Ha ha ha!"
"Hayop ka! Mamamatay muna ako bago mo ako magagalaw."
"Kuhhhhhh. Paano? Nasa kamay ko ang buhay at kamatayan ninyong dalawa. Ha ha ha! Kapag hindi nakapagbigay ng ransom ang matandang don ay una kong ipadadala sa kanya ang ulo ng mayabang mong lover boy! Ha ha ha!"
"Umm! Umm!" Sinisipa niya sa dibdib si Ryan.
"Ugh! Ugh!"
"Huwaggggg! Hu hu hu!"
"Bubuhayin ko siya sweetheart basta maging mabait ka lang sa akin mamaya! Hmmm. Hindi ako magsasawa sa ganda mong iyan. Ha ha ha!" Hinaplos niya ang nakatalukbong na ulo ng dalaga. Pumiling ang dalaga.
"Demonyo ka! Hu hu hu!"
Lumayo si tenyente sa kanilang dalawa at umupong muli sa mesa.
"Akina ang tagay ko. Ganado ako ngayong uminom!.
Nakikiramdam lang si Ryan sa mga nag-iinumang kidnappers. Nagkakatiyawan at tawanan sila. Ilang oras ang nagdaan. Tahimik na ang iba at tatlo na lang ang mga nag-uusap at tila dikit na ang dila kung magsalita. Mga lasing na sila. Naramdaman ng binata na bumigay na ang kahoy na sinasandalan niya. Nakatulong ang pagsipa sa kanya kanina. Dinala niya ang bigat ng katawan sa pagsandal sa dingding na sa tuwing tinatamaan siya ay dinidiinan niya ang kahoy.
Ilang minuto pa ay tahimik na ang kamalig. May isang pares na mga yabag ng sapatos ang narinig niya. Lumangitngit ang pinto ng kamalig ng mabuksan. Papalayo ang mga yabag. Kumilos na si Ryan. Ni-relax niya ang kanyang mga kamay. Pinaikot at bahagyang pinagtikom ang mga palad. Unti-unti nailalabas niya ang isang kamay sa posas hanggang sa tuluyan na itong makawala. Itinaas niya ng bahagya ang talukbong sa kanyang ulo. Tulog silang lahat. Nakita niya di tenyente. Nakayuko at tulog. Maging ang tatlong kasama niyang marines. Naka-uniporme sila at may mahahabang armas. Tulog din ang mga nakasibilyan.
Hinawakan niya ang kahoy na dingding. Itinulak ng bahagya at nabunot sa pagkakapako. Tinanggal niya at lumabas siya sa butas. Mabilis ang kanyang mga kilos. Patingkayad siyang naglakad at umikot sa kamalig papuntang harapan. Sumilip siya pagdating sa kanto ng kamalig. Nakita niya ang bantay na nakatalikod sa kanya.
"Umiihi pa ang loko." Naisip niya.
Mabibilis ang mga hakbang ng binata na kaagad siyang nakatayo sa likuran ng bantay. Hinawakan niya ang baba at ang likod ng ulo sabay pinilipit pakanan at pakaliwa. Lumagutok ang mga buto sa leeg. Patay nang nakatayo. Nakalabas pa ang ari na umiihi. Sinalo niya ang katawan. Hinila at dinala sa madawag na halamanan. Kinuha niya ang baril na 45 at dalawang magazine. May hunting knife pa ang loko. Agad siyang bumalik sa butas. Pumasok siya.
" Hön mahal ko. Tatakas na tayo." Mahina niyang anas.
" Ha?"
" Shhhh! Tayo na. "
BINABASA MO ANG
Miss Palengkera (Completed / Under Edition )
RomanceHindi mo kayang magsinungaling sayong sarili kapag ang pag-ibig ang pumasok sayong puso.