Alev POV
Ang bango naman ng unan ko, ang sarap yakapin. Yakap-haplos, habang nakapikit pa ako at sinasamyo ang amoy ng unan ko. Pero bakit parang ang tigas naman nitong unan na to?
"Hmmmm!" Hala umuungol ung unan ko. Unti-unti kong dinilat ang mga magaganda kong mga mata upang silayan ang ganda ng umaga. Napatawa ako ng wala sa oras. Nababaliw na ata ako, kung ano ano na naman kasi ang sinasabi ko. Anyways, pinakiramdaman ko ang paligid, kahit na komportable ako, di na talaga ako makahinga kailangan ko ng bumangon dahil maghahanda pa ko ng agahan ng mag-aama.
Tiningnan ko ang mabigat na nakadagan sa akin. Kaya naman pala eh, parang sawa makalinkis itong si Among Reid. Nakasiksik ba naman sa akin, habang ung mga braso nya nakayakap sa bewang ko. Di pa nasayahan ang loko nakadagan pa ang binti sa akin. Para naming anytime may kukuha sa akin kung makalingkis.
Ilang minute ko muna sya pinakiramdam kung tulog pa. Tulog na tulog ang mamang malaki. Ang gwapo talaga nito.
Matangos ang ilong. May makakapal na kilay, nakakaingit. Yung labi nya ang sarap halikan. Yung panga nya ang gwapo rin tingnan. Halos perfect na eh, sablay nga lang sa ugali. Haha! Sobrang sungit kasi eh.
Just like the first day na magising akong katabi sya. Syempre magugulat ka diba kasi first time. Hala nagalit si Among Reid.
Flashback
Dinilat ko ang mga mata ko ng may maramdaman akong huminga sa tabi ko. Di na ko nagdalawang isip bigla ko nalang tinulak kung sinumang herodes ang nagtangka sa akin. Sabay tingin sa suot ko sa ilalim ng kumot.
Wala naming masakit sa akin, yung damit ko yon pa rin naman ang suot ko kagabi. Anyare?
"The fuck! What's your problem woman." Nasasaktang sabi ni herodes, ay este ni Reid. Ay oo nga pala tinulugan ko sya kagabi pero tumabi talaga sya sa akin. Ano ba yan di na sya nahiya.
"A..ano. Pasensya na pero kasi naman eh"..pangatngatwiran ko pa. " Bakit ka kasi nakayakap sa akin , saka bakit di ko rin?" Parang tangang tanong ko.
"Why? Where do you expect me to sleep? On the floor? No way! This is my house. My room. "Masungit na sabi nya pa.
Napayuko nalang ako sabay kagat labi. Oo nga pala nasa bahay nya nga pala ako. Sino ba naman ako? Ang arte-arte mo kasi Alex eh, yan tuloy nakatikim ka ng bagsik ng bagong gising.
"Tsk!"Narinig kong sabi nya habang walang lingon-lingon na umalis sa harapan ko.
Inayos ko ang sarili ko bago bumaba, hinintay ko kasi sya bumalik eh, pero nagalit ata talaga kaya ayon bumababa nalang ako.
Naglalakad palang ako papuntang kusina ng marinig ko ang malalambing na boses ng mga mata. Siguro andun din yung ama nilang masungit.
Kinakabahan akong sumilip sa kusina, nang makita kong wala sya nagtuloy tuloy ako sa mga bata.
"Goodmorning babies." Bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi nila.
"Gomorning Mommy!" hyper naman na bati nila.
Magana kaming kumakain ng biglang pumasok sa kusina si Reid. Humalik sa mga anak bago nagtungo sa punong upuan.
Tanging tunog lang ng mga kubyertos nalang ang tanging naririnig. Parang nararamdaman din ng kambal ang tension kaya di na sila nangungulit. Tahimik lang din silang kumakain.
"Hmmmm...mauuna na ako." Paalam ko sa kanya, sabay tayo at lapit sa kambal para ikiss sila sa chicks nila. May pasok pa pala ako. Nawala na sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (COMPLETED)
ChickLitYour Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo gusto..Alexis Don't push your luck BABE, because i'll make sure na sa akin at sa akin lang ang bag...