Reid POV
I miss my wife. Lately alam kong may napapansin sya sa akin. At alam ko rin na masama ang loob nya sa pagpayag kong hiramin ni Kath ang mga anak nya. Kahit naman ako ayaw ko din eh. Pero kasi nagmakaawa sya.
Sabi nya gusto nya lang daw makilala sya ng mga anak nya. Na hindi naman nya ito kukunin sa amin kaya kinausap ko ang asawa ko para pumayag. Nung una nahirapan pa kong kumbinsihin sya. Pero sa bait ng asawa ko ayon pumayag din kaya mahal na mahal ko yon eh.
Maaga akong umuwi today bitbit ang mga pasalubong. Pambawi kung baga sa mga araw na busy ako. Tahimik kong binuksan ang pintuan para lamang magulantang sa eskenang nakita ko.
"What the hell is happening?" tanong ko ng akmang sasampalin ni Kath ang asawa ko. Nakita ko ang bigla nyang pamumutla na napalitan agad ng nagpapaawang mukha.
"Reid, its not what you think. Si Alex kasi eh, si alex...ano..nakita ko kasi syang sinasaktan ang mga bata eh. " Paliwanag nya. Napatingin naman ako sa asawa ko na nanlalaki ang mga mata. So cute. Kung di lang dahil sa sitwasyon naming ngayon hinalikan ko na sana sya sa kacutan nya.
"Hah! And now, binabaliktad mo pa ang sitwasyon? Eh walang hiya ka palang talaga eh" Sabi lang ng asawa ko.
"Anong binabaliktad? Wag ka ngang magsinungaling. Reid maniwala ka sa akin sinasaktan nya ang mga anak ko. Naiingit kasi sya kasi mas close na kami ng mga bata." Sabi ulit ni kath at lumapit pa para hawakan ako sa braso.
Marahas kong tinanggal ang pagkakakapit nya sa braso ko at lumapit sa asawa ko.
"are you ok? Nasaktan ka ba?" Tanong ko dito. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nya. Akala nya siguro kakampiha ko ang bitch na yon.
"I'm ok. Hindi naman nya ako nasaktan eh. Pero ang walang hiyang babae na yan sinaktan nya ang mga bata Reid. Nakita kong tinulak nya si Yohan tapos si Megan pinaiyak nya. " Sabi nya sabay turo sa mga anak naming na nasa gilid.
Dali-dali ko naman silang nilapitan para tingnan kong nasaktan sila.
"Babies, saan ang masakit?"Nag-iigting ang panga na tanong ko sa kanila.
"Daddy, ditto oh..sakit sakit..." Turo ni Megan sa braso nya. Kinuha ko naman yon at tiningnan. Namumula mula pa ito halatang hinawakan ng mahigpit.
Fuck! We never hurt our kids and sya ganun ganun lang. Kahit pa sabihin nyang dugo't laman nya sila wala pa rin syang karapatan.
Binalingan ko ulit ang mga bata inalo at sinabihan na umakyat muna sa taas at tingnan ang mga kapatid nila. MAdali naman silang sumunod.
Nang makita kong naka pasok na sila saka ko galit na galit na hirap ang walang kwentang ina nila.
"Who gave you the permission to hurt my family?" Sabi ko sa kanya habang hawak sya sa braso. Si Alexis nagulat ata sa outburst ko.
"Reid, nasasaktan ako." SAbi nya.
"Mas masasaktan ka kapag hindi ka pa umalis sa pamamahay na to. Wala kang lugar dito. Magkita tayo sa korte." Sabi ko sa kanya na lalong kinaputla nya.
"No, babawiin ko ang mga anak ko." Tapang tapangan nyang sabi.
"Then, sa korte na tayo magkita. " Sabi ko sabay tawag sa guard para kaladkarin sya paalis sa harap ko. Binawalan ko na sila, kantingin na nila ang lahat wag lang ang pamilya ko dahil makakakita sila ng demonyo na nagkatawang tao.
Nagmawala na sya sa paningin naming, binalingan ko ang asawa ko. Hinapit ko sya palapit sa akin.
"I'm sorry, nagpadala ako sa kanya. Akala ko kasi gusto nya talagang makasama ang mga anak nya. Yun pala pakitang tao nya lang yon. " sabi ko sa kanya sabay yakapa ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (COMPLETED)
ChickLitYour Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo gusto..Alexis Don't push your luck BABE, because i'll make sure na sa akin at sa akin lang ang bag...