Chapter23: Bitch!

20.1K 372 2
                                    

Andito kami sa pool area. Kasama ko ang mga bata na nilalaro ang mga kapatid nila.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may asawat anak na ako at hindi lang isa kundi apat pa. Biruin mo kung gaano kahirap mag-alaga nun. Buti nalang may katulong at kasama ko rin naman si Reid sa pag-alalaga halos gabi-gabi kaming puyat dalawa.

Gusto kasi naming hands-on kami hanggat maaari. Kaya hanggat kaya kami talaga ang nag-aalaga. Maaga na ring umuuwi si Reid para mag-alaga.

Pero nitong nakaraang araw parang wala sya sa sarili. Parang may kung anong pinoproblema sya.

Flashbacks

After a week nakauwi na rin kami, andito kami ngayon sa kwarto. Pinapatahan ko si Xavier dahil nagliligalig. Si George naman ayon mahimbing na ang tulog. Naiiyak na ako dahil di ko na alam ang gagawin ko.

Sya namang biglang bukas ng pintuan at pasok ni Reid.

"What happen? Why are you crying?" Tanong nya ng makitang lumuluha ako.

"Eh, kasi si Baby Xavier ayaw tumigil di ko na alam ang gagawin ko." Sumbong ko sa kanya.

"Baka naman basa na ang diaper nya, patingin nga?" Sabay lapit nya.

"Hindi naman eh. Ah siguro gutom na sya. Napadede mo na ba sya?'' Sabi pa nya na ikinapula ko. Hala oo nga baka gutom na si baby ko. Kaya lang nakakahiya naman kung nakaharap sya sa akin.

"Babe, don't be shy. Nakita at nahawakan ko na." Sabi nya naman ng makita nyang nag-aalinlangan ako.

"HAHAHAHHAHAHA....so cute." Sabi nya sabay pasok sa cr ng banyo. Maliligo na siguro.

"I'm sorry, baby eto na oh." Sabi ko anak ko ng umatungal ng iyak.

Maya-maya pa nakatulog na sya. Di ko namalayan na nasabayan ko ang tulog nya. Naalimpungatan lang ako ng may humalik sa mga labi ko.

"Thank you for coming back into my life. " Basag ang boses na sabi nya. Maya-maya pa naramdaman ko ang mga patak ng luha sa pisngi ko.

Gusto kong dumilat kaya lang nahihiya ako hindi ko alam ang sasabihin ko.

Pinakiramdaman ko sya ng mahiga sya sa tabi ko. Hinapit nya ako malapit sa kanya habang naririnig ko ang mga munting hilik na nagmumula sa kanya.

Nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi.

"Daddy..." Napalingon ako kay Megan ng tumakbo sya papunta sa may pintuan. And there, nakatingin na naman sya sa akin. Akala ko makikipagtitigan pa sya, pero madali nyang binawi ang tingin nya at pinantay ang sarili para makarga ang anak.

Sa likod nya may nakatayong babae na hindi ko kilala. Mula sa kinauupuan ko nakita ko na pinakilala nya ang babae kay Megan.

Tsk! Kaya siguro di nya ko pinapansin kasi nambababae sya. Dahil sa naisip lalong sumama ang mood ko. Kaya hinarap ko nalang ang mga anak ko para mabawasan ang bad vibes baka saan pa makarating eh.

Nakarinig ako ng mga yabag na palapit sa amin. Si Megan tumatakbong pabalik sa akin.

"Mommy...mommy...she's a liar." Umiiyak na sumbong sa akin ng anak naming babae.

"Shhh baby, tahan na. It's ok ha. Tell me anong sabi nya sayo?" Alo ko sa anak ko.

"Mommy she said she's oul real mommy. Diba hindi naman Mommy. Ikaw lang ang mommy ko diba mommy?"Iyak sya ng iyak. Yung kapatid nya naman na lalaki parang naguguluhan sa nangyayari. Well ako rin naman naguguluhan.

"Ok, baby, stop crying na ha. Punta ka muna kay yaya ha." SAbi ko sa kanya. At hinarap ang mga kasambahay na nasa likuran para ibilin ang mga bata na ipasok na sa loob.

Lumapit naman sa akin si Reid kasunod ang impaktang babae na nagpaiyak sa anak ko.

"Alex, this is Kath." Sabi nya.

Alex. Bakit parang sumama ang loob ko sa narinig. Bakit parang hindi yon ang taawag nya sa akin. Bakit?

"Alex, you ok?" Pukaw sa akin ni Reid.

"AH, oo may sinasabi ka?" Tanong ko naman.

"Kath, she's Alex. " Parang walang pakeng sabi ni Reid.

Owned by Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon