Reid is very attentive. Minsan nga nasusobrahan na eh. Katulad nalang nung nakaraan, since wala naman sana sya sa bahay at dahil na nga rin hindi na ako nagtatrabaho para sa kanya gusto ko lang naman sanang magliwaliw sa labas.
Flashbacks
Andito ako sa ngayon sa mall dahil wala akong magawa sa bahay. Yung kambal naman halos di ko rin mahawakan dahil nga ayaw daw akong mabagod ni Reid. At dahil ayaw nya akong mapagod tinaggal ba naman ako sa trabaho. Kaloka diba?
Ayon na nga, andito ako sa mall. Gusto ko sanang magwidow shopping, kung may matipuhan edi bilihan. May sarili naman akong ipon.
Pumasok ako sa isang Baby section. Nakakita ako ng isang pink and blue na damit pangbaby. May mga design na maliliit at cute na teddy bear. May kapares din syang plain na kulay blue at pink sapatos na may ribbon sa magkabilang pares.
Sa sobrang enjoy ko hindi ko na namalaman ang oras. Kaya halos madilim nan g nakauwi ako. Sinalubong ako ng isang katulong na sa tingin ko ay tarantang taranta na.
"Naku maam Alix, saan po ba kayo nanggaling? Kanina pa po namin kayo hinahanap." Namumutlang sabi pa nya.
"nagpunta lang naman ako sa mall Meng. Bakit ba parang hindi ka mapaihi dyan?" Sabi ko naman sa kanya na tatawa-tawa pa.
"Yon na nga po kasi maam eh," magpapaliwanag pa sana ako. Nang marinig ko ang dumadagungdong na boses ni Reid.
Hala bakit na naman galit na galit to? Tanong ko nalang din sa sarili ko.
"Naku, ayan na maam." At dali dali ding umalis sa harap ko si Meng.
''What happen? Where have you been? Why the hell didn't you fucking answer your fucking phone?" sunod-sunod naman na tanong nya.
"What your not gonna answer?" Tanong nya ulit.
"hmm..sa mall lang naman ako nagpunta eh, pasensya na masyado kasi akong nag-enjoy kaya nakalimutan kitang tawagan." Paliwanag ko din
''I been so worried for how many hours, I am calling you and your not picking your fucking phone. What is the use of that if you will not going to answer it." Galit pa ring sabi nya.
"Nalowbat ako eh, sorry na ha. " Sabay akap ko sa mga braso nya. Pilit niyang kinakalma ang sarili nya siguro para di na lalong lumalala at ayaw nya na din akong ma-stress.
"Ok, but next time please text me if you are going somewhere alright?" Tanong nya ulit sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
Akala ko doon na nagtatapos ang pagkaparanoid ng asawa ko pero hindi pa pala dahil binigyan lang naman nya ako ng babaeng bodyguard para daw alam nya kung nasaan ako at kung sino ang mga kasama ko.
So yon, wala na akong nagawa bahala na nga sya. Saka sabi naman nya para naman daw sa amin to ng anak nya so ok lang siguro.
Nasa hapag ako ngayon ng kainan ng may nagbaba ng baso ng gatas sa aking harapan. Nakasanayan ko na rin to araw-araw dahil simula ng malaman ni Reid na buntis ako puro healthy foods nalang ang pinapakain nya sa akin.
Minsan naman nanghihingi ako sa kanya ng gusto kong pagkain. Like nung isang araw nagpabili ako ng lansones na walang buto. Kahit na alam nyang mahirap hanapin yon naghanap pa rin sya.
Isa pa ito sa kinatutuwa ko kay Reid, kung anong gusto ko binibigay pero syempre hindi naman lahat kasi kung alam naman nya na hindi healthy kahit na anong pilit ko hindi nya ibibigay sa akin yon.
Matapos ibaba ni Reid ang baso ng gatas umupo na sya sa upuan na nasa tabi ko. Nagpatuloy kami sa pagkain ng biglang sabihin ni Reid sa kambal na may surprise sya.
Oo nga pala, di pa pala namin nasasabi sa kambal na magkakaroon na sila ng kapatid. Maybe ito na ang chance.
"Kids remember your wish, to have baby sis?" Tanong nya sa mga bata.
''Yes, daddy. Where is it?" Sabi naman ng mga bata. Natawa ako, akala mo naman binibili lang yong kapatid na hinihingi nila.
"But you will see it after 9 months. "
"Yehey, I want it to be a girl." Sabi ni Megan.
'It's a boy!" Sabi naman ni Yohan.
"Ok, relax baby, we don't know pa kasi kung girl ba o boy ang baby natin. Kaya dapat be a good ate and kuya. Ok?" buong pagmamahal ko naman na sabi sa kanila.
Natutuwa naman na pumalakpak ang mga bata. Si Reid, kahit na mukhang seryoso ang mukha mababakasan pa rin ng kaligayahan.
Hay, how I wish heto na ang Road to happiness naming. At sana di na to matapos pa.
}}va#�{��E�
BINABASA MO ANG
Owned by Him (COMPLETED)
ChickLitYour Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo gusto..Alexis Don't push your luck BABE, because i'll make sure na sa akin at sa akin lang ang bag...