Chapter21: Mommy?

19.9K 350 9
                                    


Alex POV

May naririnig akong mga munting tawanan. Ang ingay, pero isang syang ingay na hindi inis ang hatid kundi kasiyahan.

Pinipit ko ulit na dumilat at katulad na nauna kong pagdilat hirap na hirap pa rin ako. Pero gusto kong makita kung ano ang maingay na naririnig ko.

Kaya kahit nahihirapan sinubukan ko ulit. At nagtagumpay naman ako. Sinanay ko muna ang mga mata ko sa ligawag. Nang masanay na, nilibot ko ang mga mata ko.

Nasa isang silid ako. Pakiramdam ko nanggaling na ko dati dito. Isang puting-puting silid ang nakita ko. Sa gilid ko may nakalagay na fresh flowers. Kulay pula, ang ganda. Napangiti ako ng makita ko ang mga bulaklak.

Nilibot ko ulit ang paningin ko. Nakita ko ang dalawang bata na nilalaro ang mga batang nasa crib. Katabi nila ay isang lalaking nakatalikod.

Likod palang ulam na. Yummy!

Yummy! Natigilan ako ng rumehistro ang sinabi ko. Pakiramdam ko may pinagsabihan na ko ng mga katagang iyon. Di ko lang matandaan kung sino

""Mommy, youl awake. " Napatingin ako sa batang babae na nung nagsalita sya. Tiningnan ko lang sila. Yung lalaking katabi nila dali-dali pumunta sa tabi ko.Niyakap nya ako ng mahigpit habang may ibinubulong nang iharap nya naman ako sa kanya kung ano-ano pang tinatanong eh di ko naman maintindihan.

Nang mapantanto nya na wala akong balak sumagot mabilisan nyang pinindot ang switch na sa tingin kong konektado sa Nurse station.

Humahangos namang dumating ang kung sino mang tinawag nya. Tinanong ako nang sa palagay kong Doctor ng kung ano- ano.

Hindi ko naman maintindihan ang nagyayari kung kaya tiningnan ko muna sila bago sumagot. Napadako ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin kanina. Tinignan ko sya ng matagal. May pamilyar na feeling na lumukob sa akin dahilan para sumakit ang ulo ko.

Ngunit hindi ko yon ininda.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Nakita ko ang panlulumo sa mga mata nya.

''babe, can you quit it. Please it's not funny anymore." Alanganin nyang sabi. Hinawakan nya ang kamay ko na kina-igtag ko naman.

Nakita ko sa mga mata nya ang sakit pero pilit pa rin nya akong hinahawakan.

"Baby, lets stop this joke ok?" sabi nya ulit sa akin. Pero nang makita nyang walang reaksyon sa mukha ko. Bumaling sya sa Doctor.

"Doc, what's happening?"Tanong nya. Tinitingnan ko lang sya habang nanggagalit ang mga panga nagtatanong sa tinawag nyang Dok.

"Based sa reaction nya, mukhang nagka-amnesia sya Mr. Montreal." Sabi naman nong doctor.

Nawala ang tingin ko sa kanila ng may maliliit na kamay ang humihila sa akin. Oh! Ang cute nila.

"Hello babies." Sabi ko sa kanila. Ewan ko ba pero magaang talaga ang loob ko sa kanila eh.

"Mommy, I miss you." Sabin g batang babae.

"Me too mommy I miss you." Sabi rin ng batang lalaki.

"Mommy? " Takang tanong ko sa kanila.

"Baka nagkakamali lang kayo. Kamukha ko ba ang mommy nyo?" Gulat na gulat silang tumingin sa akin. Maya-maya pa sabay silang umatungal ng iyak at patakbong pumunta sa lalaking kaharap ang doctor.

"Wah! Daddy, my mommy..daddy..she donlt know me. Daddy." Iyak nyang sumbong sa tinawag nyang daddy.

"What happen to our mommy daddy? I want my mommy." Tantrums naman ng batang lalaki.

"Shhh...Dont cry ok? Mommy's not feeling well lang kaya ganon. Go sit with your siblings. I'll just talk to Mommy." Sabi naman nung lalaki.

SInunod naman sya ng kambal. Naupo sila sa tabi ng dalawang crib habang humihikbi pa ring pinupunasan ang mga mata nila.

Sino ba sila? Bakit nasasaktan ako na nakikitang silang umiiyak. Kilala ba nila ako? Kilala ko ba sila? Pilit kong hinahanap sa utak ko kung kilala ko sila. Pero sumasakit lang ito kapag lalo kong iniisip.

"ow..Aray!" Daing ko.

"Babe, anong nangyayari?" Tanong sa akin ng lalaki. Hindi ako nakasagot sa sobrang sakit ng ulo ko. Maya-maya pa naramdaman ko na naman ang pagbigat ng mga mata ko.


Owned by Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon