Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang alok ni Sir Reid. Natatakot ako na baka nga ituloy niyang ipasara ang Little Angels, ngunit may parte sa akin na umaasa na sana hindi niya gawin yon. Oo mayaman siya pero naniniwala pa rin ako na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pera. Sana makumbinsi ko pa siya. Sana!
Hay! bahala na nga. Sa ngayon kalilimutan ko nalang muna ang bagay na yon, baka makahalata pa sila Sister Rosa.
Habang palapit ako sa tarangkahan ng Little Angels, may nararamdaman ako na parang may mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Marahan akong lumingon ngunit wala akong nakita. Kibit balikat akong nagpatuloy sa paglalakad.
Ate Alex. Sigaw ng mga bata pagpasok ko. Nakangiti silang nagsipagtakbuhan palapit sa akin.
Hi kids! Namiss ko kayo. Ngiting bati ko din sa kanila. Kumusta na? Baka pinapasakit nyo ulo nila sister ha.
Haha. Hindi po ate. Mababait po kaya kami, diba po turo niyo magkapabait kami. Sabi ng batang si kikay.
Talaga?At dahil mababait kayo
surprise! pasalubong ko sa inyo. Wag pag-awayan ok? Bilin ko pa.Opo ate, salamat. Sabay sabay nilang sabi sabay takbo.
Nakangiti ko nalang silang tiningnan bago ako nagtungo sa opisina ni Sister Rosa para sya ay batiin. Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob.
Nakita ko siyang nagpapahid ng luha.
Sister, ayos lang po kayo?Nag-aalalang tanong ko.
Ikaw pala Alex, ayos lang ako anak. Turan niya ngunit mababakas pa din ang lungkot sa kanyang mga mata.
Tiningnan ko sya ng mariin. Yung tingin na di kumbinsido. Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy.
May kaunting problema lang anak.
May maitutulong po ba ako? Tanong ko pa.
Huwag mo na kaming alalahanin anak. Pasasaan bat masosolusyunan din namin to. Pero di ako mapalagay kaya kinulit ko pa din sya. Bandang huli sumuko din at inabot sa akin ang isang papel.
Letter to vacate?Basa ko. Ano pong ibig sabihin nito?Bakit po kayo pinapaalis?Diba po matagal na kayo dito. Sunod-sunod na tanong ko.
Pinapahanap na kasi kami ng bagong malilipatan dahil may bago na daw nagmamay ari ng lupa at balak daw patayuan ng establishmento. Limang araw lang ang binigay na palugit. Turan niya.
Ano po?Sino daw po ang nakabili?Wala na pong ibang paraan?Tanong ko pa.
Wala na daw anak. Ang sabi M's Corporation daw ang nakabili. Anong gagawin namin anak? Naluluhang tanong ni sister.
M's Corporation.
M's Corporation.
M's Corporation.
BINABASA MO ANG
Owned by Him (COMPLETED)
Literatura FemininaYour Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo gusto..Alexis Don't push your luck BABE, because i'll make sure na sa akin at sa akin lang ang bag...