Chapter20: Thank You.

19.4K 366 12
                                    

Nalipat na sa suite room si Alexis. Kaya andito ako sa tabi nya, hinihintay na magising sya. Abot-abot ang pasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan pa nya ako ng chance na makasama ang asawa at mga anak ko.

Nakarinig ako ng katok sa may pintuan, maya-maya lang pumasok ang dalawang nurse bitbit ang mga anak ko na nakalagay sa bassinet.

Nagtatakbong sinalubong ng mga anak ko ang kapatid nila.

"thel so pletty daddy." Bulol na sabi ng anak kong babae.

"Yehey! I wanna play basketball with him Daddy." Sabi naman ng anak kong lalaki.

"Yes baby, you can play basketball but you have to wait for him to be big." Paintindi ko kay Yohan.

"Me too daddy." Sabi naman ni Megan.

Tumango naman ako bilang sagot sa kanila.

"You should take care your little brother and sister. Ok?" Sabi ko sa kanila.

Sabay naman silang sumagot.

"Mommy, youl awake. " napatingin ako mula sa mga anak ko patungo sa kama kung saan nakahiga ang asawa ko.

Dali-dali kong tinawid ang distansya namin. At agad syang niyakap. Gumaya naman sa akin ang mga anak ko at tumakbo rin patungo sa amin sabay yakap rin nila.

"Are you ok baby?" tanong ko ng lumayo ako sa kanya.

"mommy..mommy..look oh! We have na our baby brother and sister. "Tuwang tuwang sabi ni Megan.

"babe? You want something? You want water?' Tanong ko ulit sa kanya.Nag-alala ako nang di sya kumibo kaya tumawag ako ng Doctor.

Pilit ko pa rin syang tinatanong kung may kailangan sya. Pero wala pa rin akong nakukuhang reaksyon mula sa kanya.

Natatakot na ako sa nangyayari. Hanggang sa dumating na ang doctor. Tinanong sya nito ng kung ano ano.

''Hello hija, how are you feeling?" Tanong sa kanya ng medyo may kaedaran ng Doctor.

"Ayos naman po ang pakiramdam ko medyo masakit lang ang katawan." Nakangiwing sagot nya.

"Ah, normal lang na maramdaman mo yan after ba namang tumama ng sinasakyan mo sa isa pang humahagisbis na sasakyan eh. " Sabi ng tinawag na doctor.

"Eh ano po bang nangyari sa akin?" Tanong  nang asawa ko.

"I really dont know the details, basta ang sabi ng mga nakakikita nagkabanggaan kayo ng isa pang sasakyan at dinala ka nalang nila dito na walang malay. "

"Maraming dugo ang nawala sayo dahil tumama ang ulo mo sa windshield ng sasakyan. Buti nalang nakaseatbelt ka, napigilan kahit papaano."

"Though we manage to stop the bleeding on your head nilagay ka pa rin namin sa ICU underobservation. Couz, you know we cant risk your life and the life inside you." Patuloy ng doctor.

"And it's good na bumubuti na ang pakiramdam mo. May ilang katanungan lang ako. Ayos lang ba?" Tanong nya ulit kay Alexis. Tumango naman sya bilang sagot. Kahit na mahahalata mo sa mga mata nya na marami syang gustong itanong.

"First, anong huling natatandaan mo bago ka maaksidente?" Tanong ulit ni Doktora. Nakikinig lang ako habang tinatanong nila si Alexis

Hindi sya sumagot sa tanong sa kanya kaya nagpatuloy si Doktora sa pagtatanong.

''Natatandaan mo ba ang pangalan mo hija?" Tanong nya ulit kay Alexis.

Tiningnan sya ni Alexis na mukhang naguguluhan. Ako rin naguguluhan kung bakit ganoon ang tanong. Natatakot ako sa ideya kung saan papunta ang tanong na yon.  

Nagtataka nyang nilibot ang paningin nya sa paligid. Hanggang sa dumako ulit ito sa akin. Wala akong mabakas na kahit ano sa mga tingin nya. Kaya mas lalo akong natakot.

''Sino ka?" Tanong nya na nagkumpirma sa kinakatakutan ko at lalong nagpaguho ng mundo ko. Akala ko masakit na ung parte na naasidente sya, mukha mali pala ako. May mas sasakit pa pala. At yon ay ang tanungin ka ng babaeng pinakamamahal mo kung Sino ka sa buhay nya.

Ang sakit. Bullshit!

Owned by Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon