Alex POV
''Kath, she's Alex." Pakilala ni Reid sa aming dalawa. Ganon lang wala man lang asawa ko? Namumuro na talaga tong lalaking to eh.
Inabot ko ang mga kamay ko sa kanya para ang maldita tinignan lang ang kamay ko na parang may germs. Sapukin ko kaya sya. Bwesit kala mo naman kagandahan. Ang kapal naman ng foundation. Akala mo nginudngud sa harina.
Halos di pa matakpan ang dibdib sa sorbang fitted at laki ng hinaharap. Akala mo pupunta ng bar sa suot nya.
Ibinaba ko ang mga kamay ko ng kamay ko ng di nya abutin. Nagulat pa ko ng lumapit sya sa akin para makipagbeso. Tsk! Plastic.
"Oh, hi alex. Nice to meet you. Watch out." Sabi nya bago humiwalay sa akin.
"Ano? Hindi pwede. Hindi ako papayag. Reid, please wag kang pumayag." Pakiusap ko kay Reid. Andito na kami sa office ni Reid sa loob ng bahay.
''Alex, anak nya yon. Saka di naman nya kukunin eh, hihiramin nya lang daw. " paintindi sa akin ni Reid.
"No ayaw ko." Sabi ko at dali-dali silang iniwan.
Nakakainis ka na talagang Reid ka. SAbi mo hindi mo ibibgay ang mga bata sa nanay nila na ipaglalaban natin sila pero bakit unti-unti mo silang binibigay?
Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom at ng mabawasan ang pagkaasar ko. Di ko napansin na nakasunod pala si Reid sa akin.
"Babe, at least let's give her a chance na makilala ng mga anak nya. You know sya pa rin naman ang nanay ng mga bata eh. " Sabi nya.
"Pero sabi mo kasi kahit na anong mangyari di natin sila ibibigay bakit ngayon nag-iba na ang ihip ng hangin?" Matapang na tanong ko din.
"Babe, please trust me ha? Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikakapahamak nyo eh. " Sabi nya sa akin sabay hapit sa mga bewang ko.
Oh ngayon sweet na sya? Ano to, ayaw nyang maglandi sa harap ng babaeng yon? Pag-untugin ko sila eh.
Kahit na gustong-gusto kong tumutol may parte sa akin na nagsasabing ayos lang yon. Why not, bigyan nga sya ng chance kasi wala namang ina ang gustong mawalay sa mga anak nya. At naiintindihan ko yon kais ina na rin ako ngayon.
Every Saturday sinusundo nya ang mga bata at ihahatid naman ng linggo. Sa mga araw na yon masasabi ko na di naman siguro ako nagkamali kasi kahit papaano nakikita kong unti-unting nag-oopen ang mga bata sa kanya.
Kaya naging payapa na kong ipaubaya sila sa nanay nila.
Ngayong araw kakagaling ko lang sa meeting para sa nalalapit na binyag ng mga bunso naming. At naiwan ang mga bata sa yaya nila. Ang alam ko daraan ang Nanay nila kaya pinaiwan ko na ang mga bata.
Papasok palang ako sa bahay naririnig ko na ang iyak ng mga anak ko. Dali-dali akong pumasok para magulat sa nasaksihan ko.
"I hate you, bad ka. " Sabi ng ni Yohan. Habang sinusuntok sa binti si Kath. Hinanap ng mga mata ko si Megan. Nakita koi tong nakasalampak sa sahig at iyak ng iyak.
"Wala akong pake sa inyong mga letse kayo. Nagtitimpi lang ako sa inyo. Akala nyo naman gusto-gusto ko kayo. Well news flash, I hate you also. " Sabi nya sabay tulak kay Yohan. Nakita mismo ng mga mata kung paano masaktan nag bata.
"walang hiya ka," anong karapatan mong saktan sila."Galit na galit na sabi ko sa kanya habang tinutulungan tumayo ang mga anak ko. Tiningnan nya naman ako sa paraan na parang walang syang ginawang mali.
"Oh, eto na pala ang magaling nyong ina. Bakit di nalang kayo magsasama-sama ng mawala na kayo sa landas naming ng mahal kong si Reid." Sabi nya.
Tsk, kapal ng mukha. Makaangkin akala mo asawa sya.
"bakit hindi ikaw ang umalis dahil sinisiguro ko sayo sa ginawa mong pananakit sa mga anak ko hindi ka na muli pang makakatuntong sa pamamahay ko. " Sabi ko ulit sa kanya.
"Oh dear, you don't know me. Isang pakiusap ko lang sa tinatawag mong asawa makakabalik na ko ulit ditto sa pamamahay nyo. " Nang-iinis naman na sabi nya sa akin.
"Then I will file a Restraining Order for you not to be able to come here" Pang-aasar ko din.
"You.."akmang sasampalin nya ako ng unahan ko sya ng sampal.
"Oh, sorry but I am not sorry umigkas ulit eh. Bitch." Sarcastic kong sabi sa kanya.
"How dare you!" Akmang sasampalin nya ulit ako nang isang dumadagungdong na boses ang marinig namin.
"What the hell is happening here?"
BINABASA MO ANG
Owned by Him (COMPLETED)
ChickLitYour Mine, Alexis. Your heart, body and soul, everything about you is mine..Reid No Reid, hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin kung kailan mo gusto..Alexis Don't push your luck BABE, because i'll make sure na sa akin at sa akin lang ang bag...