Chapter 5

4.6K 193 1
                                    




Nanginginig parin ako sa takot kahit umaga na at nandito na ako sa school.

I decided not to attend my classes today.Alam kong papagalitan nanaman ako ni mom.But,who cares?!

Halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga nangyare kagabi.God knows kung paano ako hindi lumabas ng banyo buong gabi dahil natatakot akong makita kung ano nanamang meron naghihintay sa akin kapag lumabas ako.

Napasubsob na lang ako sa tuhod ko habang humihikbi.Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.Am I goin' insane?!

"Why are you crying?"

Napaangat agad ako ng ulo ng marinig ang boses ni Dawson.Pinunasan ko yung luha ko at pilit syang nginitian.

Umupo sya sa tabi ko.Nasa likod kami ng building at nakaupo sa ilalim ng puno.Nakakahiya lang na nakita pa nya akong umiiyak.

"What's the problem?"tanong nya.

Magsasalita sana ko nang may marinig ko ulit yung boses na yun.Yun yung boses na narinig ko noon sa cafeteria nang himatayin ako at yung boses kagabi.

"Stay away from him,Flame."

"Flame?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig si Dawson.Agad akong tumayo at kinuha yung bag ko.

"Ahm,sorry,Dawson.May kailangan pa akong gawin,eh."sabi ko at umalis na na nagtataka.

Kaninong boses yung naririnig ko at bakit sinusunod ko sya?Ugh!Eto nanaman ako!

Nagulo ko nanaman yung buhok ko hanggang sa nahagip ng mata ko si Sawyer na nakatingin sa akin.

Nagsimulang magwala yung dibdib ko.Iniwas nya yung tingin nya at naglakad na palayo.

"Flame!!"

Napalingon ako kay Lizzy na kung makasigaw wagas.Grabe talaga sya!

"Ikaw,ah!Bakit hindi ka pumasok kanina?!Ano nanamang nasa isip mo,huh?!Mamaya,magalit nanaman si Tita Red sayo nyan!"sabi nya na tinutukoy si mom.

"Don't worry about her."sabi ko kaya napailing na lang sya.

"By the way!May party mamayang gaganapin sa malapit na bar dito sa school.Invited lahat ng students para naman medyo malibang tayo!You know,lalo na ikaw!Ilang araw ka ng wala sa sarili!"sabi nya."So,punta ka?Sunduin kita mamayang gabi.7PM sharp!"

Napaisip naman ako.Pupunta ba ako?Pero,baka nga maaliw ako at makalimutan ko 'tong mga nangyayari sa akin.

"Okay,I'll go!"

Tumili naman si Lizzy sa sobrang tuwa,baliw talaga!

Nang makauwi naman ako sa dorm aya agad akong nag-ayos.Sabi ni Lizzy,dapat daw magdress ako pero I refused.

I just wear my black shorts na hanggang sa kalahati ng hita ko and a maroon sleeveless na pinatungan ko ng black leather jacket.Tsaka ako nagrubbershoes.

Then,narinig ko na ang katok mula sa pinto ko at nakita ko si Lizzy na nakared dress na hanggang kalahati lang din ng hita nya at naka-red lipstick with matching curly hair.Napangiti na lang ako sa kanya.

"Let's go?"sabi nya at tumango na ako.

Sumakay kami sa kotse nya at nagdrive palabas ng school papunta sa bar na sinasabi nya.

Naalala ko tuloy yung gabi na ini-stalk ko si Sawyer,ghad talaga!Nakakahiya!!

Maya-maya pa huminto na yung kotse.Bumaba na kami ni Lizzy at nakita ko sa labas ng bar yung ibang schoolmates namin na nagtatawanan.

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon