Chapter 20

2.6K 109 3
                                    

Chapter 20



Louisa Caroline's Pov

I want some blood.

Napatingin ako sa bampirang kaharap ko na may malapad na ngite.

"Welcome back,Louisa."nakangiti n'yang sabi sa akin.

Pero nang makita ko ang ugat sa leeg n'ya ay agad ko s'yang hinigit at kinagat ang s'ya run,sucking every drop of his blood.

Hanggang sa tuluyan na s'yang bumagsak sa lupa na wala ng buhay.

Napatingin na lang ako sa kan'ya at ninanamnam ang dugong nainom ko mula sa kan'ya.

Hanggang sa may naramdaman ako paparating at nakita ko ang lalaking matagal ko ng hindi nakasama.

Agad na namungay ang mga mata ko at tinignan s'ya.

"Sawyer.."

"Flame,anong ginawa mo?"tanong n'ya at napatingin sa bampirang wala ng buhay na nasa lupa.

Pero nang marinig ko na tinawag n'ya ako mula sa ibang pangalan ay naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko.

"Sawyer,ako'to,si Louisa."nakangiti kong sabi sa kan'ya at mabilis na lumapit tapos niyakap s'ya ng mahigpit."Na-miss,kita,Sawyer."

Napaluha na lang ako habang yakap-yakap ko s'ya.Matagal ko ng hinintay na mangyari 'to,na makasama ko ulit si Sawyer.

"Louisa.."narinig kong hindi makapaniwalang banggit n'ya sa pangalan ko kaya napangiti ako..

Tinignan ko s'ya at dahan-dahang hinalikan.

Pero,naramdaman ko na umiwas s'ya kaya mas sumakit 'yung dibdib ko.

"Sawyer?"nakakunot-noong tawag ko sa kan'ya.

"Kung ikaw si Louisa,tell me,where is Flame?"tanong n'ya kaya naman napaatras ako sa kan'ya.

"Sawyer,nandito na ako!Bakit ba ibang tao ang hinahanap mo?Hindi ba,nangako ako sa'yo na babalik ako?Heto,nakabalik na ako.Hindi ka ba masaya?Hindi mo na ba ako mahal?"sabi ko at nagsibagsakan muli ang mga luha ko.

"Louisa,minahal kita,alam mo 'yan--"

"Pero si Flame na ang mahal mo,tama ba?"sabi ko at marahas na pinunasan ang mga luha ko.

Hindi s'ya nakaimik kaya naman mas lumala ang pagsikip ng dibdib ko.

Bakit kasi late akong bumalik?

Nilapitan ko s'ya at hinawakan yung magkabila n'yang pisngi.

"Sawyer,please.Sawyer,mahalin mo uli ako,please.Mahal na mahal kita!Mahal na mahal kita,Sawyer!"sabi ko at napahagulgol saka s'ya uli niyakap ng mahigpit.

"Louisa,sana maintindihan mo na si Flame na ang mahal ko kaya please.Pabalikin mo na s'ya."sabi n'ya kaya naman napalayo ako sa kan'ya at napailing-iling.

"No!Ayoko!Hinding-hindi ko na uli s'ya hahayaang makagamit ng katawang 'to!Akin na 'to!Nandito rin ang puso ko,kaya akin na 'to!Ako lang ang mamahalin mo,Sawyer!Ako lang dapat!"nagngi-ngitngit na sabi ko at napakuyom ng kamay.

"Louisa,please!"

Umiling-iling ako.

"Hindi pwede,Sawyer.Buong buhay ko,ikaw lang ang minahal ko.Pero,pero bakit ganito?!Bakit mo minamahal ang nagmamay-ari ng katawang 'to?!Hindi ako papayag na iba ang mahalin mo,Sawyer!"umiiyak na sabi ko at tinalikuran na s'ya saka tumakbo palayo.

Hindi ako papayag!

Takbo ako ng takbo ng mabilis hanggang sa makarating ako sa dulo ng gubat kung saan may nakita akong malawak na kalsada,ngunit wala akong makitang kahit na anong sasakyan.

Naikuyom ko ang mga kamay ko bago simulang lakarin ang kalsada.

"Louisa."

Natigilan ako nang may marinig akong boses na nagmumula sa likuran ko.

Hinarap ko s'ya at nakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"Dawson Philips?Ikaw ba 'yan?"

Tinitigan n'ya ako sa mata kita kung paano mamula ang mga iyon.

"Ako nga."sagot naman n'ya.

"Anong kailangan mo sa akin?"tanong ko sa kan'ya at dahan-dahan n'yang inilabas ang isang bagay mula sa bulsa n'ya.

Isang kwintas.

"Gusto kong isuot mo 'to."sabi n'ya.

"Para saan?"balik na tanong ko.

"Para sa kaligtasan mo."sabi n'ya kaya naman pagak akong napatawa.

"Pati,ba naman ikaw,Dawson?!"sabi ko habang hindi makapaniwala.

Tinitigan ko s'ya at marahang umiling.

"Pasensya na,pero hinding-hindi ko na 'yan isususuot.Alam kong,kapag isinuot ko 'yan ay babalik ang babaeng nagmamay-ari ng katawan na 'to."sabi ko.

Nakita ko naman s'ya na bahagyang nabigla tapos napabuntong hininga.

"Louisa,alam kong nasasaktan ka ngayon,dahil may iba ng mahal si Sawyer.Pero wala kang magagawa kundi tanggapin 'yun."sabi n'ya.

"Tanggapin?Sa tingin mo,ganun lang 'yun kadaling tanggapin?!Palibhasa,hindi ka pa nagmamahal!"sabi ko.

"Nagkakamali ka.Dahil minsan din kitang minahal."

Namilog ang mga mata ko habang hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

"Minahal kita dati.Pero,kitang-kita ko kung gaano mo kamahal si Sawyer kaya tinanggap ko na hindi ka na mapapasa-akin,gaya ng nangyayari sa'yo,nasaktan din ako.Hanggang sa makilala ko si Flame,ang batang Flame.Naging kaibigan ko s'ya at kahit bata pa s'ya ay minahal ko na s'ya.Pero,hindi ko inaakala na sa kan'ya rin pala ipapasa ang puso mo,at mamahalin n'ya rin si Sawyer."

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi n'ya.

"Dalawang beses akong nasaktan,Louisa.Pero,dahil nagmamahal ako,pinili kong magparaya."

Napayuko ako at huminga ng malalim.

"Pero,hindi tayo magkapareho,Dawson.Hinding-hindi ko kayang magparaya.Hindi ko kayang isipin na ibang babae ang makakasama ni Sawyer,hindi ko kaya!"sabi ko at napaluha."Kaya sana,pabayaan mo na ako."

"Hindi pwede."

Napaangat 'yung ulo ko at naramdaman ko na mabilis s'yang lumapit sa akin pero agad akong umiwas at malakas s'yang sinikmuraan.

Napadaing s'ya sa sakit.Kaya naman,kinuha ko ang isa n'yang braso at ibinalibag s'ya sa kalsada.

"Hindi mo ako mapipigilan,Dawson."sabi ko at akmang aalis s'ya pero nahawakan n'ya yung braso ko at agad akong hinila.

"Hindi ako papayag!"sabi n'ya nang makatayo na s'ya ulit at isusuot na sana ang kwintas sa akin pero siniko ko s'ya sa may sikmura at halos tumalsik na s'ya.

Napahinga ako ng malalim at tuluyan na talaga sana akong aalis pero naramdaman ko uli ang presensya n'ya sa likod ko at sinusubukan paring isuot ang kwintas sa akin.

Pero agad kong nahawakan ang braso n'ya at malakas na pinilipit,kaya nabitawan n'ya yung kwintas at tumilapon.Napasigaw s'ya sa sakit nang tila nabali ang buto n'ya.

"Kung ako sa'yo,Dawson.Hindi na ako mangingialam pa."sabi ko at naglakad na palayo.

Pero naramdaman ko na lang na para akong nanghihina.Tapos may bagay na nakasabit sa leeg ko.

Yung kwintas.

Napatingin ako sa kwintas na tumilapon kanina at doon ko na-realize na ibang kwintas pala 'yun.

Napalingon ako kay Dawson at nakita ko s'yang nakangise.

"Patawad,but Flame deserves that body than you."

At tuluyan ng namanhid ang buong katawan ko.

Hindi maaari!!!







***

:)midnightangelixx

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon