Chapter 9

4.3K 144 4
                                    

Wednesday at wala ring Sawyer na pumasok. Inisip ko na lang na baka family problem nanaman.

Pero ang ipinagtataka ko,bakit hindi pumasok si Alessic bilang si Sawyer?His seat is really vacant.

Pinilit kong hindi mag-alala hanggang sa dumating ang Friday at wala parin si Sawyer,sobra na akong nag-aalala.He's been gone for three days!

Hindi na ako mapakali at hindi ko ba alam kung panaginip lang ba o totoong pinapanood nya ako kagabi.

Pero nag-aalal na talaga ako sa kanya.Ano na bang nangyare sa kanya?And I'm missing him.

"Hey,Flame.Hinay-hinay lang.Ito naman.Papasok din si Sawyer,ano ka ba?!"sabi ni Lizzy kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh,huwag ka ng magsinungaling!Huli na kita!Haaay,naku!Akala ko pa naman,no secrets?!"sabi nya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Lizzy,nag-aalala na kasi talaga ako kay Sawyer.Feeling ko,may nangyaring masama."sabi ko habang hindi parin mapakali yung pakiramdam ko.Feeling ko,bawat parte ng katawan ko ninenerbyos at nag-aalala.

"Huwag kang mag-alala!Okay lang naman siguro sya!"sabi nya.

"Sana nga .."sabi ko.

Tapos nagulat ako nang biglang pumasok si Sawyer na nakangise?Wait,si Alessic!

Agad ko siyang nilapitan.

"Alessic!Oh my God!Buti,pumasok ka!Si Sawyer?!"sabi ko habang nag-aalala.

"Halika."sabi nya tapos sumunod ako sa kanya papunta sa likod ng building.

"Well,ano na?Bakit hindi nanaman sya pumasok?!"

"Hindi talaga sya makakapasok.May nangyari kasi,Flame.Kaya siguro sa Lunes pa sya makakabalik dito at ako muna ang papasok ulit.Whoo!Ginawa nga nanaman akong utusan,eh!"sabi nya pero parang may mali sa sinabi nya.

"Alessic,may hindi ka sinasabi sa akin,hindi ba?"sabi ko.

Tinignan nya ako at nawala yung ngise sa labi nya.

"Hindi ko sayo pwedeng sabihin,Flame.Bilin yun ni Sawyer at kapag sinabi ko,wawasakin nya yung gwapong mukha ko!"sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Alessic,hindi ako nagbibiro!Dalhin mo ako sa mansion nyo!"matigas na sabi ko kaya nanlaki yung mata nya at napailing-iling.

"Hinding-hindi mo gugustuhing tumapak sa lugar na yun,Flame at nilalayo ka nga ni Sawyer dun,eh!Isa yung impyerno kaya hindi ko magagawa yung gusto mo!"sabi nya.

Naikuyom ko yung kamay ko.

"Dadalhin mo ako kay Sawyer o magpapakamatay ako!"sabi ko.

Ngumise sya.

"Hindi mo yun magagawa--"

"Nagawa ko na dati."sabi ko at inisip yung tumalon ako sa rooftop.Alam kong,nababasa rin ni Alessic yung isip ko.

Nakita ko kung paano sumeryoso yung mukha nya.

"Ibang klase ka."sabi nya kaya ako naman ang napangise.

"Isasama mo na ako sa inyo?"

Napabuntong hininga sya.

"May magagawa pa ba ako?Baka mamaya,mamalayan ko na lang pinapatay na ako ng kambal ko kapag namatay ka."

Napangite na lang ako.

Sinundan ko sya sa parking lot at tinext si Lizzy na ipaalam ako sa mga teachers na masama ang pakiramdam ko.

"Handa ka na?"tinanguan ko sya at pumasok sa kotse ni Sawyer na dala nya.

Umandar yung sasakyan at hindi ko ba alam pero bigla na lang akong kinabahan.Makikita ko na ba ang pamilya ni Sawyer?At tama ba talaga 'tong desisyon ko?Pero nag-aalala na kasi talaga ako sa kanya.

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon