Epilogue

5K 199 55
                                    


Epilogue

Sawyer Vanderwood.

Paulit-ulit kong binasa ang pangalang nakasulat sa isa sa mga notebook ko.

Ang sabi sa sulat ay mahal na mahal ko siya, na babalikan n'ya ako, at siya ang tatay ni Evo. Pero hindi ko siya maalala, ni hindi ko maalala ang mukha niya.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko.

I'm lonely.

Hindi ko alam kung bakit ako malungkot. Iyong pakiramdam na malungkot ka pero hindi mo alam kung bakit.

Minsan naiisip ko na siguro si Sawyer ang dahilan kung bakit, dahil ramdam ko rin ang sakit at pagmamahal sa sulat na nabasa ko doon sa notebook. Wala namang dudang ako ang nagsulat nun, dahil na rin sa yun ang handwritten ko.

Napabuntong hininga na lang ako at itinabi 'yung notebook.

Inayos ko na yung mga damit ni Evo sa closet bago lumabas ng kwarto.

Nakita ko ang anak kong masayang naglalaro sa may living room. He's now six years old, ang bilis niyang lumaki.

"Mommy!"

"Yes, baby?" nakangiting sabi ko at nilapitan s'ya.

"Mommy, I'm so happy!" malapad ang ngiting sabi niya kaya naman hinalikan ko siya sa noo.

"And what is the reason, baby?" tanong ko.

"Because, daddy came and he talked to me! He came, mommy! I already saw daddy!"

Pagkasabi niya nun ay natigilan ako.Para akong binato habang nakatulala sa anak ko na malapad ang ngiti sa mukha.

What does he mean?

"B-baby, are you sure daddy came to see you?" tanong ko at sunod-sunod lang ang naging pagtango niya.

Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko saka inilibot ang paningin ko sa buong bahay.

Paano siya makakapunta rito?

"Baby, what did daddy told you?" tanong ko.

"Hmmm, he told me that he loves us! That I'm a good boy and..he told me that he misses you! He's so handsome,mommy! Just like me!"

Napangiti na lang ako at niyakap ang anak ko. Hindi ko mapigilang malungkot dahil hindi ko siya nakita,pero bumalik nga ba talaga siya, gaya ng nakasulat sa notebook?

"Mommy! Mommy sa labas tayo!" sabi sa akin ni Evo kaya agad naman akong tumango at naglakad kami papuntang pinto.

Pero pagkabukas ko ay nagulat ako nang biglang sumalubong sa amin sila Horace, Dawson, Alessic, Vicary, si Auntie at ang iba pa. Tapos si Dawson ang may hawak na cake.

"Happy birthday, Flame!" sabay-sabay at nakangiti nilang sabi sa akin.

"Oh, God!" napatakip na lang ako sa bibig ko habang parang maluluha. I forgot that today's my birthday.

"Huwag kang umiyak, Flame! Tama na ang drama!" saway sa akin ni Auntie kaya napatawa ako at pinunasan ang luha ko.

Napatingin naman ako kay Evo na ngiting-ngiti sa akin, mukhang kasabwat din nila siya.

"Make a wish, Flame." nakangiting sabi sa akin ni Dawson kaya napatango ako at lumapit sa cake.

Napatingin ako sa candles at dahan-dahang pumikit para mag-wish.

Sana..sana maging masaya kami ni Evo, habang buhay.

Then, I blowed the candles.

Nagpalakpakan ang lahat at napatawa naman ako. Binuhat ko si Evo saka sila nagsipasukan sa loob.

Doon ko rin nakita na may dala-dala silang lahat na mga pagkain. Hindi ko maiwasang matuwa dahil nag-effort sila.

Isa-isa nila akong binati at walang hanggang pasasalamat naman ang tugon ko.

I'm about to close the door when I saw a silhouette of a guy.

Natigilan ako.

Hindi ko maaninag kasi nasa may bandang gubat siya. Tapos bigla na lang sa isang kurap ay agad siyang tumakbo papalayo.

Natigilan ako at naramdaman ko ang pagsikdo ng puso ko.

Ibinaba ko si Evo at ibinilin siya kay Horace na bahagya pang naguguluhan sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Ah, diyan lang. Sandali lang ako. Pakibantayan muna si Evo," sabi ko kaya naman napatango-tango na lang siya sa akin.

Agad akong lumabas ng bahay at pumunta sa direksyon na tinahak ng lalaki kanina.

Palingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ko siya.

Hanggang sa nakita ko na nga ang isang lalaking nakatalikod sa akin.

Agad na kumabog ang dibdib ko. Siya ba si Sawyer? Siya ba 'yung lalaking tinutukoy ko sa notebook?

Dahan-dahan siyang humarap sa kin at saktong nasinagan ang mukha niua ng huling sinag ng papalubog na araw.

Nakita ko ang malalamig na mata niya, he had those jet black eyes. Those cold familiar eyes are now staring at me.

Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong lumuluha. Sobrang kirot ng dibdib ko, at hindi ko alam ang dahilan.

Nasasaktan ako, pero bakit?

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin, at halos mapasinghap ako nang makalapit siya at malanghap ko ang mabangong amoy niya.

Iniangat n'ya ang mga kamay nya at pinunasan ang luha ko. Napapikit na lang ako.

Bakit ako nagkakaganito?

"You're still beautiful.." narinig kong sabi niya at paulit-ulit kong narinig ang boses niya. Oh, God! Bakit ganito?

"You can't remember me?"

Napailing-iling ako at nakita ko ang isang malungkot na ngiti mula sa kan'ya.

"I understand. I won't bother you anymore, Flame. I know, you'll be happier without me beside you," sabi niya na nakapagpadurog ng puso ko.

Hinalikan n'ya ako sa noo ko at sa isang kurap ay naiwan na akong mag-isa sa gubat.

Inilibot ko ang paningin ko hindi ko na siya uli nakita. Nanghina ang tuhod ko at napaluhod na lang ako sa lupa.

Remember, Flame! Remember,everything! Remember it!

Halos alugin ko na ang ulo ko habang humahagulgol.

Hanggang sa tila nagsilitawan ang mga imahe sa isip ko, moments, laughters up to the time my world ended as the guy I loved died.

Agad akong napatayo.

"Sawyer...Sawyer, please. Magpakita ka!" umiiyak na sigaw ko at halos umalingawngaw yun sa buong gubat.

Pero wala akong pakialam. Bumalik s'ya! My Sawyer came back!

Nagsimula ako uling tumakbo habang malakas na isinisigaw ang pangalan niya.

Pero natigilan ako nang may kamay na humila sa braso ko. Natigilan pa ako pero naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na marahang nakadampi sa labi ko.

Nagsituluhan muli ang mga luha ko at agad na tinugon ang mga halik niya.

I wrapped my arms on his nape as we kissed each other passionately.

And I know, from that moment, that no one can ever separate us, even a curse or centuries passed, and even death.

Because, nothing can change the fact that we are each other's half...

And we deserve a happy ending with each other....

***
midnightangelixx

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon