Chapter 38

2.5K 102 1
                                    


Chapter 38

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Sawyer asked me to be his wife, and now, I'm standing infront of a mirror, wearing the most beautiful white gown ever, with a flower crown on my curly hair. A fresh white flower bouquet is in my hand and I can't help my tears from falling because of bliss.

"Hep, hep, hep! No crying!" babala sa akin ni Horace na s'ya namang ikinatawa ko. Agad niya akong tinulungang punasan ang luha ko, buti na lang din hindi nabura ang make-up ko.

"You shouldn't cry, Flame. It's your wedding day! Kaya dapat, malapad ang ngiti mo!" sabi n'ya sa akin kaya napangiti ako, "Perfect!" then she winked.

Napatawa na lang ako.

Pero natigilan kaming dalawa nang pumasok si Auntie sa kwarto. Nagpaalam naman sandali si Horace para makapag-usap kaming dalawa.

We sat down on the edge of the bed habang walang umiimik sa aming dalawa. Hanggang sa naramdaman ko na lang mahigpit na yakap n'ya sa akin.

Napangiti na lang ako at niyakap din siya.

"Auntie.."

"Nakakainis ka! Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang gwapo ng boyfriend mo! Tapos ngayon, magpapakasal ka na!"

Napatawa ako sa sinabi n'ya at tinignan s'ya.

"Auntie, sorry. Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo." sabi ko at pinunasan n'ya lang yung luha n'ya.

"Oo, nainis ako. Pero slight lang naman!Alam mo naman ako, di ba? Masyado akong ma-drama!"sabi n'ya kaya napangiti ako, "Pero Flame, masaya ako para sa'yo. Alam mo namang ikaw lang ang meron ako at mahal na mahal kita, kaya kapag masaya ka, mas masaya ako."

Niyakap ko na lang s'ya uli ng mahigpit.

"Alam mo rin naman,Auntie na mahal na mahal kita.Thank you kasi lagi kang nandyan.Thank you for everything."sabi ko.

"Oo na, tama na ang drama! Aba, hinihintay ka na ng groom mo sa ibaba! Naasar parin ako sa'yo dahil sa nilihim mo yang gwapo mong boyfriend!"

"Ikaw talaga, Auntie!" sabi ko kaya napangiti na lang din s'ya.

Tinulungan niya akong bumaba dahil medyo mahaba yung gown ko.

Sa gubat kasi yung lugar kung saan kami ikakasal ni Sawyer, at may kakilala rin naman si Dawson na isang judge na s'yang magkakasal sa amin. Kami-kami lang rin naman kasi. Si Auntie, si Horace, Vicary, Dawson, Alessic, Echo, Vyper, Presly, tapos sila Dorothy at Elyse na siyang flower girls. Nakakalungkot lang kasi hindi raw makakapunta si Everett. Naiintindihan ko naman na hindi parin niya ako tanggap.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Auntie sa akin nang papunta na kami sa may bandang gubat.

"Hmmm . . .  medyo."

"Hay, nako! Tama na 'yang kaba, ah! Baka mamaya mapa-I don't ka pa!"

Napatawa ako sa sinabi n'ya at bahagyang nawala yung kaba ko.

Maya-maya pa ay nakita ko na nga ang dinadaanan namin ni Auntie na may mga nakasaboy na white petals ng roses.

Napangiti ako at sinundan namin yun ni Auntie, hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng lahat na siyang nakangiti sa akin.

Pero ang hindi pinalampas ng paningin ko ay ang pinakagwapong lalaki na nakangiti at naghihintay sa akin sa altar. Nagsimulang manubig ang mga mata ko.

I'm happy. I really do.

Habang naglalakad ako ay magkasalubong lang ang mga mata namin.His eyes covered with admiration and love,parang gusto ko ng tumakbo papunta sa kan'ya at yakapin s'ya.

Nang makarating na nga kami sa altar ay ibinilin na ako ni Auntie sa kan'ya,napatawa pa kami ni Sawyer sa mga bilin n'ya.

Then,we held each other hands and together we said our I do's and vows.

When,he raise my vail,we smiled to each other.Hinapit niya ako sa bewang and we shared the sweetest kiss we ever had.

Nakarinig pa kami ng palakpakan at hiyawan mula sa lahat kaya napatawa na lang kami pareho nang matapos yun.

It is indeed the very happiest day of my life,but that's just what I thought. Because it is just the only happiest minute of my life until we heard gunshots and heavy footsteps from afar.

Agad akong napatingin kay Sawyer at nakita ko ang pagseryoso ng mukha n'ya.

"S-Sawyer, anong nangyayari?"

Nakita kong nag-igting ang panga n'ya kaya napatingin na lang din ako kila Horace na seryoso na rin ang mga mukha. What on earth is happening now?!

Bakit may mga putok ng mga baril at sino yung mga paparating?!

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa akin ni Sawyer, and I'm still confuse as hell!

"Sawyer, tell me! Ano ba talagang nangyayari?!" tanong ko na may namumuo ng kaba sa dibdib.

Hinawakan naman n'ya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mata.

"You need to get out of here, Flame. You need to be safe for me," sabi n'ya kaya mas naguluhan ako. Ano ba talagang nangyayari?!

The last thing I knew is Sawyer kissed me on the lips and said I love you, bago ko naramdaman ang mabilis na paghila sa akin ni Vicary mula sa gubat.

"Vicary, tell me! Ano bang nangyayari?! Bakit natin iiwan sila Sawyer?!" tanong ko sa kan'ya.

Kasama na rin namin si Auntie na naguguluhan na rin gaya ko.

"Saka ko ipapaliwanag ang lahat,Flame.Kapag nakalayo na tayo rito." sabi n'ya nang makarating na kami sa kotse.

Tinignan ko siya habang hindi makapaniwala.

"What?! No, explain everything to me now! I need answers!" sabi ko.

"Flame, please! Kailangan na nating makaalis rito!" sabi n'ya pero binalewala ko 'yon.

"Vicary, just tell me!"

Napalunok s'ya at napailing na lang.

"Vampire hunters. Yong mga putok na naririnig natin, they're from vampire hunters."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.

Pero bago ko pa namalayan ang sarili ko ay dali-dali ko ng tinanggal ang sandals na suot ko at mabilis na tumakbo pabalik sa gubat.

Narinig ko pa ang mga pagtawag sa akin nila Vicary at Auntie pero hindi ko na sila pinakinggan.

Hindi ko pwedeng iwan si Sawyer! I know, he'll need me!

Hindi ko na siya pwedeng iwan ngayon! This is one of the time that he need me the most, at dapat nandon ako sa tabi niya.

Mabilis akong tumatakbo at halos masabit-sabit na ang gown ko sa mga sanga ng mga puno, pero hindi ko yun pinansin, I just kept on running as fast as I could.

Sawyer, I won't leave you, as I promise...

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon