Chapter 34

2.4K 101 9
                                    


Chapter 34

"H-hindi kita maintindihan,Auntie."sabi ko.

"Alam mo na ang ibig kong sabihin,Flame."sabi n'ya sa akin."You are pregnant."

Nanuyo ang lalamunan ko kaya sunod-sunod akong napalunok.

"Ngayon,isipin mo.Sino ang ama ng bata?"

Napayuko na lang ako,hanggang sa isang pangalan lang ang lumitaw sa isip ko.

Fire.

Nanlamig ang buong katawan ko at dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa tiyan ko.

Am I really pregnant?

Buong araw akong tulala.Hindi ko alam ang gagawin.Nagtanong din ako sa doktor tungkol sa kalagayan ng baby ko at mukhang maayos naman daw,malakas daw ang kapit ng bata kaya wala akong dapat ibahala.

But,I'm still thinking as hell!

Ang tanga-tanga ko talaga!Ba't ba ako nagpadala sa Fire na 'yun!

Dumating ang kinabukasan at araw ng pagka-discharge ko.

Nang makauwi kami sa bahay ni Auntie ay agad akong dumiretso sa kwarto ko.Binuksan ko 'yung laptop ko at tinignan ang e-mail ko.

Napapikit na lang ako ng mariin nang wala akong makita.Damn it!

Halos mapaiktad ako nang marinig ang malakas na pag-ring sa tabi ko.Tinignan ko 'yung phone ko at nakita ko ang isang unknown caller.

Nangunot ang noo ko at alanganing sinagot 'yun.

"Hello?Sino 'to?"

"Hindi mo na ba ako maalala,Flame?"

Natigilan ako nang marinig ang isang tila robotic na boses.

"Sino ka?"

"Fire."

Nanigas ako sa kinauupuan ko at napalunok ng sunod-sunod.

"B-bakit ka tumawag sa akin?"

"I wanna see you.I want you."

Napatawa ako ng pagak.

"You want me?Sige,magkita tayo."matigas na sabi ko.

"Are you sure,you want to meet me?Aren't you just came out from the hospital? "

Nga naman,alam na alam n'ya talaga.

"Maayos na ang lagay ko,kaya,magkita tayo."

"Okay then,I'll meet you.But,promise me,that you'll take care of yourself."

Naikuyom ko na lang ang palad ko kasabay nun ay narinig ko na ang dialtone.

Tapos naka-receive na ako ng isang message mula sa kan'ya.

Solitude Hotel
9 PM
Can't wait to see you,babe.

Pinatay ko na lang 'yung phone ko at pabagsak na humiga sa kamay.I breathed and rest my arm on my forehead.

Paano ko 'to sasabihin kay Sawyer?

Kinabukasan ay pumunta ako agad sa company building,pero wala na sarado na 'yun.Ilang beses ko ring tinawagan si Miss Lou pero mukhang nagbago na s'ya ng cellphone number.

Nafru-frustrate na lang akong napatingin sa message na nareceive ko nanaman galing kay Fire.

7 hours to go,babe.I can't wait to see you.

Nanggigigil kong pinatay ang phone ko.Kanina pa s'ya!Kainis!

Kung alam ko lang na ganito si Fire,bakit nga ba ako kasi nagpa-uto sa estrangherong rapist na yun,in the first place?!

Tapos ngayon,nabuntis n'ya pa ako!

It's not like that I don't like my baby,naiinis lang ako dahil ang ama n'ya ay hindi ko naman mahal at isa lang malaking pagkakamaling nagawa ko.

Umuwi na lang muna ako sa bahay kung saan hinihintay ako ni Auntie na nag-aalala sa akin.

"Flame naman!Kalalabas mo lang ng ospital!At isa pa,buntis ka!Mapanganib sa labas,alam mo ba yun?Hindi mo alam,kung gaano ako parang nabaliw nang mag-agaw buhay ka noong naaksidente ka."

Hindi ko mapigilang maawa kay Auntie kaya niyakap ko na lang s'ya ng mahigpit.

"Sorry,Auntie.Wag kayong mag-alala,sisiguraduhin kong hindi na yun mauulit."sabi ko.

"Dapat lang talaga!"sabi n'ya kaya napangiti na lang ako.

Nagpahinga na ako sa kwarto ko habang hinihintay ang oras na mag-9 pm na.Nang dumating na nga ang oras na 'yun ay nag-ayos na ako.Naka-dress lang ako ng puti,hindi pa naman halata ang baby bump ko kaya okay lang saka simpleng dollshoes at inilugay ko ang buhok ko.

Ayokong magpaganda o magpa-impress kay Fire.Gusto ko lang s'yang makita para malinawan ang lahat.Gusto kong ipaalam ang tungkol sa baby at pagkakamali lang ang lahat,na isa lang iyong napakalaking kalokohan.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nagpaalam ako kay Auntie at bakas nanaman sa mukha n'ya ang pag-aalala.

"Magiging okay lang ako,Auntie.Promise,uuwi rin ako agad."pangungumbinsi ko sa kan'ya.Napabuntong hininga na lang s'ya at walang nagawa kundi ang payagan ako.

Pero pinasakay n'ya na lang ako sa jeep kaysa sa taxi dahil nga sa nangyaring aksidente sa akin,hindi ko rin naman s'ya masisisi.

Maya't maya pa ay nakarating na nga ako sa Solitude Hotel.Sa labas pa lang nun,ang gara na ng itsura kaya naman mas nakaramdam ako ng kaba.

Huminga na lang ako ng malalim bago naglakad papasok ng hotel.

Nang makapasok ako ay mayroon agad lumapit sa akin na isang babae at inalalayan ako kung saan ako pupunta.Para bang kilalang-kilala n'ya ako kahit na hindi ko naman s'ya kilala.

Pumasok kami sa elevator at may kung ano-ano s'yang pinindot tapos ilang minuto pa ay lumabas na rin kami doon.

Naglakad kami sa hallway at marami kaming nadaanang pinto na may mga nakaukit na numero.

Huminto kami sa tapat ng isa sa mga yun,at binuksan nung babaeng kasama ko yung pinto saka ako pinapasok.

Sinunod ko na lang s'ya at pumasok.Sumalubong naman sa akin ang isang kwarto na may dalawang magagarang couch at isang malaking flat screen T.V.

Carpeted din ang sahig at may chandelier sa itaas na punong-puno ng mga dyamante.

"Dumating ka na pala."

Natigilan ako nang makarinig ako ng boses mula sa gilid at nakita ko doon ang isang lalaking naka-suit at nakatalikod mula sa akin.

Wait,is he Fire?

Nanuyo ang lalamunan ko at para bang may bumara run,dahilan para hindi ako makapagsalita.

"Kanina pa kita hinihintay,Flame."malalim ang boses n'ya.

Nanatili s'yang nakatalikod sa akin habang hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"L-lahat ng nangyari sa pagitan natin,isa lang 'yung malaking pagkakamali!"at sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko.

"Really,huh?Pagkakamali?Isa nga lang ba yung pagkakamali?Sa pagkakaalam ko,ginusto mo ang lahat ng 'yun."

Nag-igting ang bagang ko at handa ko na sana s'yang sugurin nang bigla s'yang humarap sa akin at makita ko ang isang pamilyar na mukha na nakangise sa akin.

"I-ikaw.."

"Nice seeing you again,Flame."nakangise n'yang sabi sa akin.

"Ikaw...ikaw ba talaga si Fire?"hindi makapaniwalang sabi ko,habang nakatingin sa kan'ya.

Pero tanging pag-ismid lang ang iginanti n'ya sa akin.

It's Echo,isa sa mga kapatid ni Sawyer.

***

:)midnightangelixx

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon