Chapter 40

2.9K 103 4
                                    


Chapter 40

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang pamilyar na kisame ng kwarto kung saan kami natutulog ni Sawyer.

Pero nang makita kong wala s'ya sa tabi ko ay agad akong kinabahan.

Pero, panaginip lang naman ang lahat ng iyon, hi di ba?

Tama, tama, panaginip lang iyon, Flame. Wala kang dapat ipag-alala dahil panaginip lang ang lahat ng yun. Nasa ibaba lang si Sawyer at hinihintay ka.

Agad akong bumaba ng hagdan at pumunta sa living room. Pero natigilan ako nang makita ko sila Horace na nandoon.

"Nasaan si Sawyer?" bungad na tanong ko sa kanila at binigyan lang nila ako lahat ng nakakaawang tingin.

"Flame.." napatingin ako kay Dawson at nakita ko lang siyang napailing.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko pero pinipilit ko parin ang sarili kong panaginip lang ang lahat. Panaginip lang ang lahat at hindi totoong iniwan ako ni Sawyer! Dahil hindi naman n'ya yun magagawa sa akin! He promised me and he'll never broke his promise, right?

"Ano ba kayo, sabihin nyo na sa akin nasaan na si Sawyer—"

"Flame.."napatingin ako kay Vicary at nagulat ako nang bigla n'ya akong yakapin.

Napatulala na lang ako, lalo pa nang marinig ko siyang humikbi.

"S-sorry, Flame. Sorry..sorry, dahil hindi ko sinabi sa'yo na..na mawawala si Sawyer, na mamamatay at mamamatay parin siya. The curse is still there. If Sawyer stays with you, he'll die, at binalaan ko na siya noon, pero pinili parin niyang makasama ka. Dahil mahal na mahal ka niya."

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at sunod-sunod akong napailing habang nakatingin sa kanila.

"No!" napasabunot ako sa buhok ko, "Hindi totoong wala na siya! It's just a dream, right?! Sabihin niyo lahat sa akin na panaginip lang ang lahat! Please, parang awa n'yo na, sabihin ninyo na hindi totoo ang mga nangyari. N-nagmamakaawa ako!" sabi ko at tuluyan ng napaluha.

"Flame, you need to accept it. Kahit mahirap, kailangan mong tanggapin ang lahat. You and Sawyer are the like the sun and the moon. If one rose, the other must fall. It would go on like this for infinity, over and over again." sabi ni Horace na lumuluha na rin at nagsimulang lumapit sa akin pero agad akong umatras palayo.

"Hindi pwede! Hindi ako pwedeng iwan ni Sawyer! Hindi niya kaming pwedeng iwan ni Evo!" sabi ko at naupos na sa sahig. Tuluyan ng nanghina ang tuhod ko.

Napahagulgol ako habang naramdaman ko nanaman ang pagkawasak ng puso ko.

"Flame . . . makakalimutan mo siya. Makakalimutan mo uli si Sawyer," pagkarinig ko sa sinabi ni Vicary ay natigilan ako.

Umiling ako at agad na tumayo.Mabilis akong umakyat at bumalik sa kwarto.

Binuksan ko ang mga drawer at kumuha ng marker. Hindi pwede! Hindi ko siya pwedeng makalimutan, not again!

Babalik siya!

Alam kong mababalikan niya ako, kami! At hindi ko hahayaang sa pagbalik niya ay hindi ko nanaman siya makikilala.

Agad kong isinulat ang pangalan n'ya sa pader ng kwarto gamit ang marker.

Sawyer Vanderwood.

Malalaking letra, at habang isinusulat ko yun ay humahagulgol ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang patuloy na inuukit ang bawat letra ng pangalan niya. Hindi lang sa pader, kundi sa puso ko.

Nang matapos ako ay kumuha naman ako ng isang notebook at bolpen.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pinilit ko paring magsulat. Hindi ako pwedeng makalimot. Hindi pwede.

Sawyer Vanderwood ang pangalan niya. Siya ang lalaking mahal na mahal mo. Nawala siya, pero babalik din siya. Mahal na mahal ka niya. Meron siyang malalamig na mata at nasa kaniya ang pinakamagandang ngiti na makikita mo. Hindi mo siya pwedeng makalimutan dahil mahal na mahal ka niya. You are his mate. You are his other half and he will never broke his promise. He will come back.So don't forget. Don't forget about him.

HE IS THE FATHER OF YOUR CHILD.

Halos mabasa na ng luha ko yung papel.

Kailangan kong gawin ang lahat. Kailangan hindi ako makalimot. Hindi ko siya pwedeng makalimutan.

Agad akong pumunta sa closet at binuksan 'yun. Tumambad sa akin ang mga damit niya at mas napaluha ako.

Kinuha ko yung longsleeve na una kong isinuot dati. Naamoy ko ang pamilyar na pabango niya at hindi ko mapigilang masaktan.

Ang sakit-sakit!

Bakit ba nangyayari sa amin ang lahat ng 'to?!

Isinuot ko yung damit niya na yun at humiga sa kama. Napayakap na lang ako sa unan at ibinuhos ang luha ko.

Sawyer, please. Bumalik ka, mahal ko.

Bumalik ka, maghihintay ako. You waited for me, and now it's my turn to wait for you, kahit gaano katagal. Hindi ako magsasawang hintayin ka. Just come back.

Hindi ko kayang maging masaya kapag wala ka. You're the only one who can give me that happy ending.

He's always like that.

He's been very mysterious to me.

And I've been trying to find what's behind his facade. Behind those cold eyes, behind those hot kisses.

Pero nakita ko ang lahat ng bagay na nasa likod ng katauhan niya na hindi niy ipinapakita sa lahat.

Behind those cold eyes, he can love endlessly, he can sacrifice for the one he love, he can wait even centuries passed.

Behind those hot kisses, is the guy whose been dying to be with the person he love.

Kahit si Sawyer man siya o si Fire.

He will be always the guy that I love, that I will love. And my heart will onle beat for him. It's always been him.

Kahit na ilang beses mabura ang mga ala-ala ko mula sa kaniya. Ang mga pagtitig niya sa mata ko, kung paano niya hawakan ang kamay ko, kung paano niya ako yakapin, kung paano niya ako halikan, how he made love to me, how we cuddle each other, how we laugh, how we say I love you's like there's no tommorow.

Kahit lahat ng iyon ay unti-unting mabura sa ala-ala ko, alam ko at mararamdaman ko.

Na may isang Sawyer na nakatira na sa puso ko. He will always be there.

At kahit na wala akong maalala, my heart will always remind me that I'm waiting for someone.

For Sawyer to come back to me.

To continue our story...

At sa pagpikit ng mga mata ko,kasabay ng pagkawala ng mga ala-ala ko.

Alam ko..

Babalikan niya ako.

***

midnightangelixx

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon