Chapter 11

3.8K 141 1
                                    

Chapter 11

Agad akong pinasakay ni Sawyer sa passenger seat at sumakay sa driver's seat tapos pinaharurot yung kotse nya paalis.

Seryoso lang syang nakatingin sa daan habang ako gulong-gulo parin sa mga nangyayare.Seriously?Anong kinalaman ng kwintas ko sa pagkausap ko sa papa nya?!

It's so absurd!

Maya-maya pa pinark na ni Sawyer yung kotse nya sa parking lot ng school at hinila nya ulit ako papunta sa dorm.

Nang makarating kami sa room ko ay pabagsak na lang syang naupo sa tabi ko habang nakayuko.

"Sawyer,ano ng nangyare?"napapikit ako ng mariin.Pakiramdam ko talaga,sasabog na yung utak ko dahil ang daming namumuong tanong sa isip ko,and I need answers!

"Wag muna ngayon,Flame.I need you to stay safe.Sasabihin ko ang lahat kapag maayos na ang sitwasyon."

"Pero,Sawyer!Hindi ako matahimik!Lalo na't nagkakaganyan ka!Bakit mo hinahayaang saktan ka nya,Sawyer?!"

"Cause I need to."natigilan ako."I need to,para makasama kita."

"Pero hindi mo naman kailangang gawin 'to.Pwedeng-pwede mo akong makasama hangga't kailan mo gusto!"

"You don't understand,Flame.Magpahinga ka na.Bukas na lang tayo mag-usap."sabi nya at sa isang iglap nawala na sya sa paningin ko.

Nagulo ko na lang yung buhok ko sa inis.

Yes,I really don't understand everything!At paano ko 'yun maiintindihan kung hindi nya sinasabi sa akin ang lahat?Bakit kailangan pa nyang mag-sikreto sa akin?!

Napahinga na lang ako ng malalim.

I can't talk to him tommorow,uuwi ako bukas.Naikuyom ko na lang yung kamay ko.

Kinabukasan,maaga akong umalis ng school para umuwi.Pagbalik ko na lang kami mag-uusap.

Tanghali na nang makarating ako sa bahay at sinalubong ako agad ng aso namin na si Frieskie.

"Hello,Frieskie!Na-miss kita!"sabi ko habang marahan na hinahawakan yung ulo nya.

"Oh,nandyan ka na pala!"napatingin ako sa pintuan at nakita ko si mom na nandun na.

Tinanguan ko sya at pumasok na sa loob.

Agad akong sinalubong ng familiar na ambiance ng bahay.Umupo ako sa couch habang hinihintay si mom na bumalik.

Pagbalik nya,kasama na nya yung isa naming kasambahay na may dalang juice at sandwiches.Tapos umupo na sya sa harapan ko.

"So,about your studies."

Napatango ako at uminom ng juice.

"Yes,mom.Hindi ako nakapunta sa klase ko noong nakaraang araw at kahapon,dahil meron akong importanteng ginagawa."

"Like what?"

"Like, taking a break?"

Nangunot yung noo nya.

"Taking a break? Are you out of your mind, Louise Flame?!"

Napapikit na ako ng mariin.

"You can't take a break nowadays! Kelangan mong makatapos agad sa pag-aaral, para makauwi ka na rito at makapagtrabaho!"

"Mom, can you tell me why? Bakit nagmamadali kayo masyadong makatapos ako ng pag-aaral?" tanong ko sa kaniya.

"Because we want you back, Louise. Gusto ka na naming makasama at hindi yon mangyayari kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral kaya lahat ng distractions ay dapat mong iwasan."

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon