Chapter 10

3.8K 146 9
                                    

Naglalakad kami ngayon sa isang madilim na hallway tapos may mga torch na nakalagay sa dingding na dinadaanan namin at umiilaw yun kada madadaanan namin.

"Oh, by the way. I'm sorry, I couldn't introduce myself to you a while ago. I'm Horace Cawthorne Vanderwood.And pasensya ka na sa inasta ng mga kapatid ko, ah! Talagang ganon lang sila," sabi nya.

Nginitian ko na lang sya.

"It's okay. Hindi ko lang ineexpect na ang dami palang kapatid ni Sawyer." sabi ko kaya napatawa sya.

"Actually, yes. We're eleven."

Nanlaki yung mata ko. Eleven?

"But, we're from different mothers." sabi nya kaya napatango-tango ako. "Our father had five wives."

"R-really?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes. And Sawyer and Alessic is from the first wife of our father, si Tita Kate Aleena Gervaise. Although, namatay na siya kaya naman nag-asawa ulit ang ama namin, which is my mom, Zephyrine Cawthorne kung saan ako at si Echo ang naging bunga." napatango-tango ako. So yung lalaking may gray ang buhok ang kapatid niya talaga.

"And nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at nangaliwa ang ama namin at iyon ang pangatlo niyang asawa si Tita Waverly Ezvault na mama nila Vyper, Presly at Everett. Akala ko nung una, siya na ang huling magiging asawa ng ama namin pero nag-away din sila kaya nag-asawa sya ulit."

Grabe naman! Pero kakaiba talaga yung kwento nila.

"Si Tita Clementine Ishagon, the fourth wife, at ang ina nila Vicary at Lenon, pero katulad ng nangyarei, nagkaroon din sila ng hindi pagkakaintindihan at doon na nga nakilala ng ama namin ang mom nila Aubree at Dorothy, si Tita Luella Flordaliz na kamamatay lang noong nakaraang taon."

Nalungkot naman ako sa nalaman.

"So, sa tingin mo, mag-aasawa pa ang ama nyo?" tanong ko pero umiling lang sya.

"Sabi nya, pagod na raw sya and I think its way better than that. Pinalaki kami nila mom na magkakakumpitensya kami sa isa't isa. They always provoke us to do our best para maging kami daw ang tagapagmana ni papa kahit hindi naman talaga namin yun hinahangad.
Pero alam naman namin, na hindi yun mangyayari, dahil si Sawyer ang panganay."

Napantango-tango na lang ako.

"So you mean, sya ang tagapagmana?" sabi ko at nginitian nya lang ako.

"Yes, pero dahil sa mga nangyayari, parang medyo lumalabo na yung mangyari." sabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi na siya nagsalita ulit at huminto na kami sa isang bakal na rehas.

"Nandito na tayo." sabi nya tapos binuksan yung rehas na yun.

Nabuhay yung mga torch sa kulungan at nagliwanag sa loob.

Unti-unting napalaki yung mata ko nang makita kung sino yung nasa loob.

Napatakip ako ng bibig..

Si Sawyer. Parehong nakakadena yung kamay nya mula sa taas at tanging pantalon lang ang suot nya. Kitang-kita ko pa ang ilang hagupit ng latigo sa katawan.

My god! Anong nangyare sa kanya?! Why?! Bakit nila ginawa 'to sa kanya?!

"H-Horace, bakit nagkaganito si Sawyer?!" naiiyak kong tanong kay Horace pero umiling lang sya.

"Siguro mas mabuting kung sa kanya mismo manggagagaling. Maiwan ko muna kayo." sabi nya at umalis na.

Muli akong napatingin kay Sawyer na nakayuko lang. Hindi ko sya kayang tignan na ganito. Parang pinipiga yung puso ko.

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon