Chapter 12

3.5K 135 0
                                    

Chapter 12

Sawyer...Sawyer...

"Sawyer.." napahawak ako sa pisngi ni Sawyer. I stared at his perfect face, wala talagang maipipintas sa kanya.

Nakita ko ang unti-unti nyang pagngite. How I love his smile, his unusual smile. Kahit bihira ko lang 'yun makita, pero kapag nakikita ko naman ay sobrang kumakabog yung puso ko.

I smiled at him. Hinaplos ko yung pisngi nya at napapikit na lang sya na parang dinadama yung haplos ko.

"I love you, Louisa..."

Agad akong napabalikwas sa kama at napatingin sa kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang hingal na hingal.

Napapikit na lang ako ng mariin. It's just a dream, Flame. Panaginip lang 'yun.

Pero, bakit parang totoo ang lahat? Yung paghaplos ko sa mukha ni Sawyer. At sino si Louisa? Bakit ako tinawag ni Sawyer na Louisa?

Napahinga na lang ako ng malalim at napahiga ulit sa kama habang nakatitig sa kisame.

Kelangan kong kausapin si Sawyer bukas.

Pero iba yung inaasahan ko, pagkagising ko na lang nakita ko na si Vicary at Everett na nasa paanan ng kama ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon at napaatras.

"A-anong ginagawa nyo rito?!"

Nakita kong napairap si Everett.

"Shut up,bitch! Hindi ko rin gustong makita ka, no?! But ,well, welcome to hell." sabi nya at tumayo na tapos lumabas ng kwarto ko.

Napakunot yung noo ko at napabuntong hininga na lang. Hindi ko ba alam, kung bakit ganun na lang sya kainis sa akin?

"Pasensya ka na kay Everett, Flame, ah." sabi naman ni Vicary habang nakayuko at pinagdidikit yung dalawa nyang hintuturo. I don't know, but I find her mannerism very cute.

Napangite na lang ako.

"It's okay." sabi ko at tumayo na sa kama. Lumapit ako sa cabinet ko at inihanda yung damit na susuotin ko. Pero may naalala ako, kaya napalingon ako kay Vicary na tahimik lang na nanonood sa akin.

"Ahm, Vicary, can I ask you something?"

Tumango-tango lang sya kaya umupo ulit ako sa kama.

"Ano ba talagang ginagawa nyo rito sa school? Hindi ako naniniwala na nandito kayo para manggulo." sabi ko.

"Ahm,pasensya na, Flame. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo, eh." malungkot na sabi nya pero umiling lang ako.

"No, okay lang. Pasensya na kung tinanong kita." sabi ko at pumunta na sa banyo para maligo.

Sana lang maging maayos ang lahat, kahit na alam kong posibleng maging magulo nga ang buhay ko ngayon, lalo na't mukhang may binabalak sila Everett. Pero hindi ko isusuko si Sawyer. I'm willing to do everything.

Nang matapos na ako mag-ayos,hindi ko na nadatnan pa sila Everett at Vicary sa dorm. Mukhang nauna na sila.

Agad na kong pumunta sa building namin dahil 15 minutes na lang before the time. Pagkarating ko sa room, nangunot ang noo ko dahil walang katao-tao.

Inisip ko kung anong araw ngayon at sigurado naman akong hindi kami sa lab ngayon o kung saan. Meron bang event ngayon na hindi ko alam.

Dahan-dahan akong pumasok sa room at tinignan ulit yung paligid. Seriously, nasaan na ba silang lahat?

Pero natigilan ako nang may maramdamang malakas na hangin. Nanindig agad yung balahibo.

Then, I heard the sound of kissing. Damn.

Wag mong sabihing,meron nanamang nagmamake-out dito? Napahinga na lang ako ng malalim.

Lalabas na sana ako nang room nang marinig ang pamilyar na boses na 'yun.

"Harder, baby."

Unti-unting namuo ang pawis ko sa noo. I can feel my heart beating so damn fast. No. Hindi s'ya yun. That's not Sawyer.

Napailing-iling ako at ikinuyom ang kamao ko.

"Oooohh! Sawyer! Ahh..."

Halos mapanting ang tenga ko nang marinig pa ang isang pamilyar na boses na umuungol. Umiling-umiling ako. No, this is not happening!

Umalis ka na ngayon, Flame, at puntahan si Sawyer.

"Damn, Lizzy! You're so good!"

Hindi ko na napigilian ang sarili kong mapalingon sa pinanggagalingan ng mga ungol. Nagbabadya na ang mga luha ko. No, not them! Not Sawyer and my bestfriend, please.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kinaroroonan nila,sa kabilang room.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay halos pigil ang hininga ko habang hawak ang doorknob. Dahan-dahan ko 'yung pinihit, and when the door was already opened, agad na nagbagsakan ang luha ko at napaupo sa sahig.

I saw them, having sex, and the worst part is, Sawyer is sucking Lizzy's blood at sarap na sarap s'ya sa dugo ni Lizzy, habang si Lizzy naman ay nakangiti lang, offering all her blood to Sawyer.

No!

No!!

Napailing-iling na lang ako.

"Bakit?! Bakit, Sawyer?! Damn it!" humahagulgol na sabi ko. My eyes are now covered with tears, halos wala na akong makita. Ni hindi man lang nila napansin na nandito na ako at nakikita sila. Damn them! How could they do this to me?!

Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin!

Hanggang sa parang umiikot na ang paningin ko. What's happening? Am I gonna pass out? Here, infront of them?

Pero natigilan ako nang marinig ang boses ni Sawyer.

"Flame! Flame! Damn it, what did you do to her?! Fuck! Flame! Wake up, babe!"

Nararamdaman ko pa ang marahan na pagtapik ni Sawyer sa pisngi ko. Unti-unti kong naaaninag ang mukha n'ya na puno ng pag-aalala.

Pero nang maalala ko ang nangyari ay agad ko s'yang tinulak. Galit na galit akong tumingin sa kan'ya habang s'ya naman ay naguguluhan.

"Flame--"

"Cut the crap out, Sawyer!" pasigaw na sabi ko at tumayo. Nakita ko pa ang mga kapatid n'ya na nakatingin sa amin. Pero hindi ko sila pinansin at mabilis na tumakbo palayo habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

Why is this is so fucking hard?! Bakit kailangan itong mangyari?!

Nagulat na lang ako nang may humigit sa kamay ko at isandal ako sa pader. Agad kong naamoy ang pamilyar n'yang pabango kaya napapikit na lang ako.

"Damn, Sawyer." yun na lang ang nasabi ko at napahikbi habang sinusuntok s'ya sa dibdib. Ang sakit-sakit!

"Flame, just listen to me, baby--"

"No! Ayoko! Bakit mo 'yun nagawa,Sawyer?! Bakit mo--"

"I didn't know, what you're talkin' about?! Can you please just listen--"

"At ngayon, nagsisinungaling ka pa. How dare you?!"

Naramdaman ko ang pag-igting ng panga n'ya at inangat ang mukha ko para matignan ako ng diretso.

"Listen, whatever you had seen a while ago, is just an illusion. You're the only one I want, Flame. Huwag kang maniwala sa nakita mo." sabi n'ya pero napailing ako.

"Pero totoong-totoo ang nakita ko,Sawyer! Totoong-totoo! Ayoko na! Please,lubayan mo na ako! Ayaw na kitang makita!" sabi ko.

Nakita ko ang mukha n'ya na parang hindi makapaniwala. Iniwas ko na lang 'yung tingin ko mula sa kanya at napahikbi.

"Gano'n na lang ba, Flame?" narinig kong sabi n'ya, halata sa boses niya na nasasaktan siya, pero nasasaktan din ako!

"Sumusuko ka na agad?"

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon