Chapter 16

3.1K 122 1
                                    


Chapter 16

"WHAAAT?!!"

Napatakip ako sa tainga ko nang marinig ang malakas na boses ni Lizzy.Seriously?

"Kaya wala ka nung nakaraang araw,dahil magkasama kayo ni Sawyer?!Oh my God!Wag mong sabihing--"

"Yan ka nanaman,Lizzy!Hindi pa namin 'yun ginagawa ni Sawyer!"sabi ko at napailing.

"Hindi pa?! Wow! So kailan n'yo balak?"

I just rolled my eyes at her. Kahit kailan talaga!

Tinignan ko si Lizzy.

"Liz, I want to ask you something." sabi ko kaya napatango naman siya.

"Speak up."

"Ahm, you're close to Dawson Philips, right?" tanong ko at tumingin sa kape ko.

Hindi talaga ako nakatulog mula nang mag-usap kami ni Dawson, hindi ako tinitigilan ng mga tanong sa isip ko. It's so frustrating to know nothing.

"Hmm . . . slight lang naman. Bakit?" tanong niya na may pagsu-suspetsya sa mga mata, "Hoy, Flame! Huwag mong sabihing itwo-two time mo si Sawyer. Nako, mali 'yan, girl!"

Napailing ako sa kalokohan niya. Sabi na nga ba, e.

"Duh?! Bakit ko naman gagawin 'yon? At isa pa, wala naman akong gusto kay Dawson. Sabi pa nga niya sa akin . . . childhood friends daw kami."

Agad namang nanlaki 'yong mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"C-childhood friends?! Kayong dalawa ni Dawson? Hindi nga?! Bakit hindi ko alam 'yan?" tanong n'ya.

"I don't know it either. Kaya nga, nagtataka ako e," sabi ko saka napasulyap sa glass window ng kinaroroonan naming coffee shop.

"Hmmm . . . so you're childhood friends? At hindi mo man lang 'yon alam? Napaka-imposible naman 'yata no'n. Maliban na lang kung may amnesia ka!"

Agad akong napatingin sa kaniya at natigilan. Amnesia..

"Now tell me, Flame. May amnesia ka ba?" tanong niya kaya napatingin ulit ako sa baso ko na wala ng laman.

"Amnesia.." usal ko sa sarili ko.

"Who are you?Who am I?"

Nakangiti lang ang isang babae sa akin.

"I'm your mom and your name is Flame,you're my beautiful daughter."

Napakunot 'yung noo ko.

"Flame? My name is Flame?"

"Yes,you're Louise Flame."

"Louise Flame.."

"Hey,Flame!Okay ka lang?"

Nabalik ako sa realidad nang mag-snap sa harapan ko si Lizzy.

"Ah..yes!I'm-I'm okay."sabi ko at nginitian s'ya ng tipid.Napahinga na lang ako ng malalim hanggang sa maramdaman ko na nagva-vibrate 'yung phone ko.

Agad ko 'yung sinagot nang makitang si Sawyer ang tumatawag.

"Sawyer?"

"I want to see you."I heard his husky voice over the phone.

"O-okay,Let's meet at the parking lot."I said and ended it.Napatingin ako kay Lizzy at napatango-tango.

"Oo na,puntahan mo na ang la-labs mo."

Tinapik ko na lang s'ya sa pisngi at napangiti s'ya.

"See you, Liz."

"Enjoooy~" pakanta na sabi niya kaya napatawa ako at naglakad na papunta sa pinto ng coffee shop.

I'm about to open it, nang bigla 'yong bumukas at sumalubong ang isang lalaking matangkad. Dahil sa nakaharang ako ay nagkabanggaan kami. Muntik na akong matumba dahil sa lakas ng impact, pero buti na lang nasalo niya 'yong bewang ko, preventing me my fall.

Nagtama ang mata namin and I saw the sudden change of color in his eyes to red. Natulala pa ako sandali at bumilis ang tibok ng puso ko.

Pero natigilan ako nang mag-vibrate ulit ang phone ko kaya umayos na ako ng tayo.

"Ah, th-thank you very much." nginitian ko siya ng tipid tapos mabilis ng lumabas ng coffee shop.

Hinihingal akong pumasok sa loob ng kotse ko at sinagot si Sawyer na tumatawag.

"Sawyer, papunta na ak--"

"Did a guy touched you?"

Natigilan ako sa tanong n'ya. Bumilis ang tibok ng puso ko. I know Sawyer can easily knew if other guy touched me, dahil na rin ako sa ang mate niya.

"Flame?"

"Ah, n-no," I lied, "Just wait there, Sawyer. Papunta na ako," I mumbled saka nagsimula ng mag-drive papunta sa school.

It's Saturday at walang pasok, kaya naman naisipan ko lang na magkipag-usap kay Lizzy kasi nagtatampo na siya sa akin.

Pagka-park na pagka-park ko pa lang sa parking lot ng school ay agad kong naamoy ang pabango ni Sawyer at ang malakas na hagibis ng hangin. Namalayan ko na lang, nasa passenger seat na siya, sa tabi ko.

He's lookin' straight into my eyes with that same old serious expression at parang inaamoy ako.

"I can smell that bastard's perfume on you, Flame. Anong ginawa niya sa'yo? Did he kissed you?!" nanggagalaiti na sabi tanong niya kaya agad akong napailing.

"No! No, Sawyer! Hindi! Sinalo niya lang ako kasi muntik na akong matumba--"

"Damn it!" inis na sabi niya at halos sabunutan ang sarili niya.

"Wait, Sawyer. Wala naman akong ginagawang masam--"

"He touched you! He fucking touched you!"

"Sawyer, will you calm down?! Aksidente lang ang nangyari, okay? Nagkataon lang na nando'n siya at tinulungan niya ako. What's the problem with that?" kunot-noong sabi ko sa kan'ya.

Tinignan nya ako at nabigla ako nang siilin n'ya ako ng halik. I was so stunned.

But as moment passed, I sincerly responded to his kisses, giving him the assurance that he don't have to worry, because I'm his.

Nang maghiwalay ang labi namin ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"I'm sorry, I'm just..." mariin siyang napapikit.

"It's okay, Sawyer .But I just want you to trust me," sabi ko at nginitian siya.

Natigilan naman kami nang may paparating na sasakyan and when I find it familiar, tinignan ko si Sawyer.

"I-It's mom."

Tumango-tango siya.

"See you later,then," sabi n'ya at madiin akong hinalikan sa noo ko hanggang sanakaramdam na lang ako ng malakas na hagibis ng hangin.

Tapos wala siya sa loob ng kotse.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pwedeng malaman ni mom ang tungkol kay Sawyer at pinag-usapan na namin 'yon, hanggang sa maka-graduate kami, we'll keep it a secret.

Lumabas ako ng kotse at nakita ko si mom na lumabas na rin ng sasakyan n'ya. Her strict aura is flowing as she make her way to me.

"Louise Flame, saan ka naman nanggaling? I came her to visit you and you're nowhere to be found! For God's Sake, Louise!"

Naikuyom ko 'yong mga palad ko. I really hate my first name, at isang dahilan na ay dahil 'yon ang tawag sa akin ni mom.

"Ang buong akala ko pa man din ay nag-aaral ka ng mabuti, yon pala puro lakwatsa na ang nasa isip mo!" then my face stinged because of her slap.

Napalunok ako.

Huwag, Sawyer. Huwag na huwag kang lalabas. It will only make the situation worse.

Ramdam ko kasi na nakatingin siya sa amin at dahil pinagbuhatan ako ng kamay ni mom, malaki ang chance na hindi nanaman niya makontrol ang sarili niya.

"Tell me, Louise Flame..." napayuko na lang ako, "This Sawyer Vanderwood, is he your boyfriend?"

Napalaki 'yong mata ko.

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon