Chapter 39

2.5K 95 6
                                    


Chapter 39

Pero natigilan ako sa pagtakbo nang makarinig uli ako ng sunod-sunod na malalakas na pagputok ng baril.

Vampire Hunters?

Bakit sila nandito? At hindi ko rin inaakala na meron rin palang kagaya nila. Are they really hunting vampires?

Biglang kumabog ang kaba sa dibdib ko lalo pa nang makita kong wala na sila Sawyer sa lugar na pinangyarihan ng kasal namin kanina. Tanging mga natumbang upuan at lahat ng decorations na ginawa nila Vicary ay nagkanda sira-sira na. Iyon na lang ang nadatnan ko.

Pero nang makita ko ang direksyon kung nasaan ang pinakaloob ng gubat ay agad ako roong tumakbo.

Nakakarinig ako ng mabibilis na galaw kaya nahulaan ko na pwedeng nandito sila Horace at nakikipaglaban.

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang bigla na lang may humigit sa braso ko at nakita ko si Alessic.

"Anong ginagawa mo rito,Flame?! Nasaan si Vicary?! Dapat wala ka rito! Kailangan mo ng umalis! Delikado rito!" sabi n'ya pero agad akong napailing.

"Hindi pwede, Alessic! Si Sawyer! Kailangan kong makita si Sawyer!"

Nagulo na lang n'ya ang buhok n'ya at mataman akong tinitigan sa mata.

"Makinig ka, Flame. Kailangan mo ng umalis rito. Masyadong delikado! Hindi rin gugustuhin ni Sawyer na nandito ka, dahil baka mapahamak ka! Kaya umalis ka na!" sabi pa n'ya.

Tatanggi uli sana ako nang bigla kong makita ang isang lalaki na mukhang isa ngang vampire hunter. Agad akong itinago ni Alessic sa likod n'ya at nakaramdam naman ako agad ng takot.

Pero nagulat ako nang patamaan si Alessic ng lalaki ng baril. Akala ko'y ordinaryo lang 'yung baril pero umaapoy ang bala nito.

Agad yung inilagan ni Alessic at malakas na sinugod ang lalaki, nahawakan n'ya ang kamay ng lalaki at binali iyon dahilan para mabitawan nito ang hawak na baril pero mabilis naman na nasikmuraan ng lalaki si Alessic na ikinadaing n'ya.

"Alessic!"

"Umalis ka na, Flame! Dali!" pagkarinig kong sabi n'ya nun ay nagdadalawang-isip pa sana akong iwan s'ya pero naalala ko si Sawyer kaya agad na akong tumakbo papalayo.

Takbo nanaman ako ng takbo, pero hindi ako pwedeng huminto o mapagod.

Kailangan kong mahanap si Sawyer!

Natigilan na lang ako nang biglang may humarang sa akin,at sa unang tingin ko pa lang ay kasamahan s'ya nung lalaking kalaban ngayon ni Alessic.

Agad na gumapang ang takot sa sistema ko. Bahagya akong napaatras para makalayo sa kan'ya pero tanging ngisi lang ang iginanti n'ya nang makita ang takot ko sa kan'ya.

Nang akmang susugod na s'ya sa akin ay wala na akong ibang nagawa kundi ang tumakbo na lang uli papalayo,pero kita ko na mabilis n'ya akong hinahabol.

Sobrang bilis n'ya at malapit na n'ya akong mahabol.

Naramdaman ko na lang ang paghablot n'ya sa braso ko sabay hila sa akin. Napasigaw ako sa takot pero nagulat ako nang mabilis s'yang tumalsik sa trunk ng isa sa mga puno.

Napatingin ako sa lalaking may gawa nun sa kan'ya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sawyer.

"S-Sawyer.."

Pero hindi n'ya ako pinansin, sa halip ay agad na sinugod uli yung lalaki na humabol sa kin kanina at naglaban sila.

Nakita ko kung paano nasabayan ng lalaki sa pakikipaglaban ang bilis ng paggalaw at pag-atake ni Sawyer.

Behind His FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon