Chapter Twenty-Three

18.5K 530 38
                                    


Ako lang dapat

~•~

ZIA's POV



Kinabukasan.

Walang Dwight Wingstone akong nakita sa campus. Hindi naman sa hinahanap ko siya kaya ko alam na hindi siya pumasok kundi dahil nagcheck ng attendance yung prof namin kanina.




Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kaniya dahil naglong quiz kami sa math at hindi pa naman nagpapaexcuse sa long quiz si Ma'am Jarabata.


Next day, hindi pa din pumasok si Dwight. Tinanong ko sina Cedric at Trace kung bakit absent siya pero wala akong matinong nakuhang sagot sa kaniyang mga kalahing pinsan.



Friday, pangatlong araw na  absent ang hari ng mga unggoy. Hindi ko alam kung maiinis ako o mag-aalala sa kaniya dahil malapit na ang exam hindi pa siya pumapasok. Pag hindi siya pumasa sa midterms it means na mag e-special tutor ako sa kaniya at ayokong mangyari yon. Tsaka baka kung anong isipin ni Mr. Wingstone kung mangyari yon. Baka isipin niyang hindi ko tinuturuan ng ayos ang kaniyang mga apo.



Kaya wala akong nagawa kundi ang pumunta ng bahay niya after school hours.


Binati ako ni Manang at nakita ko din doon si Annaly.


"Nandiyan po ba si Dwight?" Tanong ko sa kanila.



"Nasa kwarto niya, hija" sagot ni Manang.


Tumango ako at nagpaalam para pumanhik sa kaniyang kwarto nung tawagin ulit ako ni Manang.



"Bakit po?" Taka kong tanong.


"Pwede bang pakidala nalang din to sa kaniya, hija. Kaninang umaga pa kasi siya hindi kumakain." Nag-aalalang usal ni Manang.


Bumaba ang tingin ko sa tray na hawak hawak ni Manang at hindi ako nagdalawang isip na kunin yon.


"Sige po," sabi ko bago tuluyang pumanhik. Ano na namang drama meron tong unggoy na to at hindi kumain ng maghapon?


Kumatok ako. "Get lost! Ayokong bumaba." Dinig kong sigaw mula sa kaniya.


Pinihit ko yung seradula pero naka lock. Kainis.


Kinalabog ko ulit ang kaniyang pintuan. Gamit ang aking paa kasi nga hawk hawk ko yung tray ng pagkain niya. Narinig ko siyang nagmura.


"Damn you! Siguradong mawawalan ka ng trabaho kapag hindi ka tumigil!" Sigaw niya pa din.


Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkalampag ng kaniyang pintuan.

Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako pinagbubuksan.



"Fvck shit!" Dinig kong sigaw niya. "Tang ina diba sabi ko ayokong bumaba para kuma--"  Napangisi ako nung binuksan niya ang kaniyang pinto. Nabitin siya sa pagsasalita nung makita ako. Ang gulo ng buhok niya. Parang kagagaling niya lang sa pagtulog. Wala siyang nagawa nung bigla nalang akong pumasok sa loob ng kwarto niya.



Linapag ko sa table niya yung tray ng pagkain na dala dala ko.


"What are you doing here?" Taka niyang tanong. Nakahalukipkip pa din siya sa tabi ng pinto na nakabukas na ngayon.



"Dinadalaw ka." Mabilis kong sagot.


"Wala akong sakit," sambit niya. Suplado talaga.


The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon