Guys, sino ngang humalik kay Zia....
Dwight??
Cedric??
Or
Trace??
×××××××
HAPPY NEW YEAR :)! GODBLESS<3 :)!
×××××××
Chapter Twelve: Kiss
~×~
ZIA's POV
Hindi ko alam kung ilang segundo tumagal yung halik dahil para akong naestatwa saking kinatatayuan ngayon. Sobrang hindi ako makapaniwala.Bumalik sa matino ang aking pag-iisip nung bitawan ako nung lapastangang humalik sakin ng walang paalam. Mabilis na hinanap ko amg kaniyang kamay.
Hindi ko siya pakakawalan. Ang lakas ng loob niyang halikan ako ng walang pasabi na akala mo pwede niya nalang gawin yon basta basta. Sino siya sa akala niya?
"Got you," sabi ko pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Narinig kong napamura siya.
Hinawakan ko siya ng mahigpit na mahigpit para hindi siya makawala. At nang bigla nalang bumukas ang mga ilaw napatingin ako sa kamay na hawak hawak ko.
( O_______O)
"Ikaw?!" Taka at gulat kong tanong.
"Anong ako? Let go of hands." Sabi niya na halatang irita.
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. Siya na nga ang first kiss ko tapos kinuha niya pa ang second kiss ko.
"What?!" Inis niyang sabi nung hindi ko binitawan ang kaniyang kamay.
"Ganiyan pala ang attitude mo kapag may ninakawan kang halik sa dilim?" Sambit ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Irita at lito niyang sabi.
Hah! Ang galing din palang artista ng matsing na to.
"Sumama ka sakin may pag-uusapan tayo," sabi ko at hinila siya palabas. Naiwang sina Cedric at Trace sa table namin.
"Hey, Betty saan mo dadalhin ang pinsan ko?" Dinig kong tanong ni Trace. Hindi ko siya sinagot at tuloy tuloy na hinila palabas ang matsing niyang pinsan.
Magagawa kong palampasin lahat ng ginagawa nilang tatlo maslalo na ang Dwight na to pero hindi ngayon.
Dinala ko siya malapit sa fire exit kung saan mangilan ngilan lang yung dumadaang tao.
Binitawan ko siya doon at hinarap. "Bakit mo yon ginawa?" Taka kong sabi sa kaniya.
Napakunot noo siya. "Do what?" Ani niya. Talagang painosente din talaga tong lalaking to eh.
"Alam kong alam mo kung anong sinasabi ko." Sabi ko sa kaniya.
"I don't remember I'm doing something unnecessary to you a while ago."
"Hindi ba unnecessary sayo ang paghalik mo kanina sakin?" Inis kong sabi sa kaniya.
Natawa siya sa aking sinabi. Hindi ko alam kung bakit.
"What? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Napailing siya. "Ako? Hinalikan ka? Wow! Saan mo napulot yang joke mo?"
Tiningnan ko siya ng masama. "Sa tingin mo kakaladkarin pa kita palabas para kauspain kung hindi mo yon ginawa kanina?"
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Dla nastolatków[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...