Chapter Twenty-Nine

16.3K 430 37
                                    

TraZia daw :)! Haha <3!


Dedicated to: @andz_leonie

~•~

ZIA's POV

Slut!

Hindi ko alam kung pang ilang beses na yang nagpabalikbalik saking isipan. Hanggang sa ihatid ako ni Cedric sa bahay at hanggang ngayon sa paggising ko yan pa rin ang laman ng isip ko.

Sinungaling ako kung hindi ko sasabihinh hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Dahil talagang nasaktan ako doon.

Slut?

Una bitch ngayon naman slut? Ganoon ba kalandi yung tingin niya sakin? To the point na sasabihan niya ako ng ganiyang salita?

Bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ah. Hindi ko naman siya nilalandi ah. Tsaka wala akong nilalandi ah. Kapag pa pumayag na makipagdate kay Cedric slut na agad?

Agh.


Nakakainis.

"Zia, okay ka lang ba?" Takang tanong ni Tita Belle sakin. Kakauwi lang kasi namin galing simbahan. Nakasakay kami ngayon sa pajero ni Tito Jake. Katabi ko sa backseat si Jaymin. Habang nasa front seat naman si Tita Belle kasama si Tito Jake na nagdadrive.

Ngumiti ako kay Tita. "Okay lang po ako, Tita. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko." Sabi ko.


"Ganoon ba? Magpahinga ka nalang mamaya pagkarating natin ng bahay." Sabi pa niya.

Tumango ako bilang sagot. Medyo masama nga talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Okay naman kasi yung pagtulog ko kagabi. Matapos akong ihatid ni Cedric natulog na din ako.

"Tch, ang pangit!" Sabi ni Jaymin habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Sumilip ako palihim kung anong ginagawa niya at nawindang ako nung mukha ko yung pinagdidiskitan niyang e-edit.

Hinablot ko sa kaniya yung kaniyang cellphone."Yah! Noona, give it back!" Sabi niya.

Inirapan ko siya. "No!" Sabi ko at pumunta sa galery ng phone niya. Pinagbubura ko yung mga litrato kong naka save sa cp niya. Ang walangjong bata linagyan pa talaga ako ng file sobrang dami kong pictures sa kaniya.

"Stalker ba kita? Puro litrato ko ang nasa cp mo." Naiiling kong sabi bago binalik yung kaniyang cellphone matapos kong burahin ang litrato ko doon.

"Ipinangangalandakan ko lang kasi sa iba kung gaano ka kapangit, Noona." Nakangisi niyang sabi.

"Yeah yeah yeah," sabi ko nalang para hindi na humaba ang pangbubwesit niya sakin.

×××

Tita Belle's House


Pagkadating namin ng bahay pumasok agad ako sa kwarto ko tsaka namaluktot para makatulog. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman para bang lalagnatin ako na ewan. Mabuti nalang nagsasara ng restaurant si Tita Belle tuwing Linggo kaya hindi ako mangingiming magpahinga ngayong araw.

Hapon.

Kumatok si Tita Belle saking kwarto para yayain akong kumain. Para akong inambunan ng hiya dahil hindi ako nakatulong sa paghain at pagligpit ng makakain dahil masama ang aking pakiramdam.

Monday.

Maaga akong pumasok. Pinilit ko ang aking sariling pumasok ng maaga. Ayokong umabsent. Nakatulog naman ako ng mahimbing at medyo okay na na aking pakiramdam kaya wala akong dahilan para umabsent ngayon.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon