Chapter Nine

21.6K 559 33
                                    

Chapter Nine: Girlfriend

~×~

ZIA's POV

"Diba si Dwight yon?" Sabi ni Aome. Tiningnan ko yung deriksyon na tinuro nya at nakita ko nga si Dwight. Napakunot noo ako nung mapansin ko kung sino yung kanyang mga kausap. Inayos ko yung salamin ko sa mata at tinitigan ulit yubg mukha nung mga kasama nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Sila nga yon! Sila din yung mga lalaking nakasuntukan ni Dwight kagabi. Yung mga lalaking nakasakay sa kotseng nangbangga samin.

Hanggang ngayon ba naman hindi nila tinitigilan si Dwight?

"Trace, ihinto mo yung sasakyan." Utos ko kay Trace.

"Bakit naman, Betty? May balak ka bang sumali sa gulo?" Hindi ko alam kung amusement ba yung narinig ko sa boses nya o ano.

"Basta ihinto mo tong kotse mo. Kailangan nating tulungan si Dwight." Buo kong sabi.

"Are you sure, Zia? Paano natin sya matutulungan?" Takang tanong ni Aome.

"Basta," sabi ko but deep inside wala naman talaga akong alam na gawin para mapigilan sila kung ano mang gagawin nila kay Dwight.

Inihinto ni Trace yung kanyang kotse at dali dali akong lumabas doon. Hindi ko na hinintay kung ano mang gustong sabihin ni Trace. Basta nalang ako lumabas ng kotse na para bang may sariling isip tong paa ko at tuloy tuloy lang sa paglakad palapit sa deriksyon nina Dwight.

Nakita kong pinagkukumpulan na nung mga lalaki si Dwight.

Lima silang lalaki tapos isa lang si Dwight. Ang lalaki pa nilang lima tapos isa lang lalabanan nila? Aba ano to lokohan?

Kaya bago pa may magkasuntukan o mabalian sa kanila dali-dali akong lumapit sa kanila at hinatak si Dwight.

"Shit," dinig kong usal ni Dwight bago ko sya tinakbo.

"Habulin nyo," utos nung leader ng mga lalaki. Mabilis akong tumakbo nung biglang.

*Boogsh*

Clumsyness strike!!

Nadapa pa ako ng wala sa oras. "Patanga tanga kasi," bulong nung kasama ko.

Tiningnan ko sya ng masama. Thank you ha! Sya na nga tong tinutulungan kung makasabi ng tanga wagas!! Kagigil eh sarap ibalibag! "Zia, pasok na dali." Tawag ni Aome. Katabi na sya ni Trace sa driver seat.

Mabilis akong tumakbo kasama si Dwight papasok sa nakabukas na back seat ng kotse ni Trace.

Halos lundagin ko yung papasok ng kotse sa kakamadali. Buti nalang hindi kami masyadong naabutan nung mga lalaking humahabol samin.

Hinihingal pa ako habang pinapadrive ni Trace yung kotse nya.

"Hanggang kelan mo balak hawakan ang kamay ko?" Sabi ni Dwight.

Parang biglang naglaho ang pagod ko sa sinabi nya. Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay. "Hehehe sorry," sabi ko sabay bitaw.

"Aome, may alcohol ka bang dala dyan?" Out of the blueng tanong nya kay Aome.

Napakunot-noo si Aome. "Wait, meron." Sabi nya bago inabot yung alcohol sa kanya.

"Okay ka lang? May sugat ka ba?" Taka kong tanong.

"Mukha ba akong may sugat?" Sungitness strike again.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon