Chapter Eleven

21.6K 569 90
                                    

Chapter Eleven: Transformation


~×~

ZIA's POV


Nandito na ako sa isang malaking kwarto na parang salon kumpleto ang mga kagamitan mga gunting at makeup at tsaka mga bagay na makikita mo sa isang salon nandito na. Dito kasi ako pinapasok ng isang katulong na gumabay sakin kanina kaya ako nandirito. Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang napakagandang babaeng may dala dalang kung ano ano.

"Sya po yung mag-aayos sa inyo Ma'am," sabi nung katulong bago lumabas ng kwarto.

"Hi, Im Annie. Nice to meet you," pakilala niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Ako po si Zia," pakilala ko din.

Nakipagkamay sya sakin. "Let's start," nakangiting niyang sabi bago ako pinaupo sa harap ng isang malaking salamin na nandirito sa loob ng kwarto. Isa isa niyang linagay sa table yung dala dala nyang mga gamit sa pag-aayos.

Talaga naman. Hindi din talaga prepared yung tatlong Unggoy na yon. Talagang sinali pa nila ako sa plano nila.

Sinunod ko lahat ng sabihin sakin nung nag-aayos sakin hanggang sa matapos nya na akong ayusan.

"Okay, open your eyes now" ani nya.

Binuksan ko ang aking mata at napatingin sa aking reflection sa salamin.

( O________O)

Wala sa sarili akong napahawak saking mukha.

Totoo ba tong nakikita ko? Ako ba talaga to?

Hindi ko hinangad na gumanda dahil alam ko sa sarili kong hindi ako maganda. Hindi din sumagi sa isip ko na makikita ko ang sarili kong ganito ang itsura.

"Ate Annie, ako ba talaga tong nasa salamin?" Hindi talaga ako makapaniwala. Sobrang nastar struck ako.

Ngumiti yung babaeng nag-ayos sakin ng halos isang oras at kalahati. Lumapit sya sakin hanggang magkapantay na ang mukha namin. Nakatingin kaming dalawa sa salamin na nasa aming harapan.

"May pag-aalinlangan ka pa bang hindi ikaw yan? Ang ganda mo na." Sabi nya. Never in my life na maiisip kong sasabihan ako ng kahit na sino na maganda ako. Laging pangit, nerd, bruha, at manang ang naririnig ko pero lahat ng yon biglang mawawala kung titingnan mo ako ngayon. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ko naisip na pwede pala akong maging ganito. Na pwede pala akong maging tao. Na may ganda pala ako.

Tok Tok Tok

Biglang may kumatok sa pinto. Bumukas yon at pumasok si Trace.

"Hindi pa ba kayo tapos ng pag-aayos kay Bet---" Napahinto sya sa kanyang pagsasalita nung mapatingin sya gawi ko.

Napatulala sya pagkakita sakin. Ano ka ngayon? Ganda ko noh?

Mga limang minuti din sya napatulala sakin. Kung hindi pa nga siguro ako nagfake cough hindi sya babalik sa kanyang huwisyo.

"Ahm.. ano.. bilisan nyo hinihintay namin kayo sa baba," sabi nya bago agad na lumabas.

Kita mo na. Kita mo na. Wala man lang sinabi kung anong itsura ko o hindi man lang ako binati. Bad boy nga talaga.

"Magbihis kana baka naiinip na sila sa paghihintay sayo." Sabi niya.

Oo nga. Baka nag-aalburuto na ang mga yon. Mabuti pa ngang suotin kuna tong damit na binigay nila.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon