Chapter Fifty-Four

11.7K 301 29
                                    

Dad?

~•~

ZIA's POV


Sobrang bilis ng tahip ng aking dibdib habang naghihintay sa backstage. Katatapos lang akong puntahan dito nina Aome, Minho at nina Tita Belle pero kinakabahan pa rin talaga ako ng todo.


"Can you please sit down and stop walking side by side." Nakatitig saking sabi ni Dwayne habang nakapangalumbaba.


Binato ko siya ng masamang tingin. Ang alam ko first time niyang lalaban? Hindi ba siya kinakabahan?


Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. Gusto kong maalis tong kabang nararamdaman ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinala ako paupo.

"Hey!" Inis kong pakli sa kaniya. "Kung kinakabahan ka talaga let me hug you." Sabi niya bago ako yinakap.

"Hey, bitawan mo ako." Sabi ko habang nagpupumiglas sa kaniya.

Wala siyang sinabi at binitawan ako. "Arte mo naman." Sabi niya pagkatapos niya ako yakapin.


Hindi rin imposible tong lalaking to makapal din ang mukha.

"Nasaulo mo na ba yung kakantahin mo?" Out of the blueng tanong niya.

Tumango. "Oo naman." Sambit ko pa. Alangan namang hindi ko saulohin yung kantang kakantahin ko. Anong gusto niya? Magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao?

"Good luck. Wag kang papatalo ha. Mukha ka pa namang talonan." Aniya bago lumabas ng pintuan. Inis na napatingin ako sa kaniyang linabasan.

Makikita mo Dwayne Wingstone Silva! Isasampal ko sa mukha mo yang sinabi mo. Tsk.

"Guys, tapos na ba kayong mag-ayos? Start na tayo. Form your line na." Sabi nung baklang nagturo samin ng kung anong gagawin. Lahat kami ng form ng line. Number 8 ako. Ako yung pinakahuli sa lahat.

"Natatandaan nyo pa ba yung gagawin nyo?" Tanong niya samin.

Nagsipagtanguan kaming lahat. "That's good."

"Start na daw, Ate Vice." Anang babaeng sumilip sa gilid ng stage.

"Okay okay!" Natatarantang usal nung tinawag na Ate Vice. Pumila kami ng maayos sa magkabilang sides. "Okay guys give your best shot. Good luck!" Aniya at nung magumpisa na ang tugtog isa isa kaming lumabas ng stage. I give my best para ngumiti sa harapan nilang lahat gaya ng sabi ni Ate Vice kahit sobrang kabado ko.

"Go ZIA!!" Malakas na pagchecheer sakin nina Tita Belle kasama yung mga kaklase ko. Nakakataba ng puso dahil nageffort pa
talaga silang gumawa ng banner na may nakatatak na 'Go ZIA'. Kahit sa simpleng bagay na iyon naibsan kahit papano ang kaba kong nararamdaman.

Isa isa kaming nagpost bago sumayaw pagkatapos isa isa kaming nagpakilala sa harapan.

"Thea Mae Alcantara. Seventeen. Proud and honored to represent IV B!" I must say na maganda nga at magaling si Thea. Ang ganda pa ng poise niya habang naglalakad hindi din maiiwasang mapatitig sa kaniya ang mga estudyante na nandito specially the boys.

The Bad Boys TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon