Chapter Thirteen: Dwight & Cedric
~•~
ZIA's POV
Muli kong inamoy yung tuxedo ni Cedric. Hindi ako pwedeng magkamali. Ganitong ganito talaga yung pabango na naamoy ko nung halikan ako ng misteryosong lalaki kanina doon sa party.
Napatingin ako kay Cedric na wiling wili sa kakapanuod ng mga ilaw na nanggagaling sa siyudad sa baba.
Sya kaya?
Napailing ako.
Naghahallucinate na naman ba ako?
In the first place, wala naman akong maisip na dahilan para gawin nya yon. Hindi nya ako gusto, alam ko yon. Pero kasi yung pabango..
Aisht!!
Hindi lang naman siguro sya ang may ganitong pabango diba?
Tama!
Pero kung hindi siya sino naman gagawa ng ganoon?
"Nilalamig ka pa ba?" Napalingon ako sa kaniya.
"Hindi na. Salamat dito." Iniangat ko yung manggas ng tuxedo niya na nakasuot sakin.
Ngumiti sya sakin. "You look beautiful. Nasabi ko na ba sayong ikaw yung pinakamaganda sa party kanina?"
Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya. "Biro yan?" Hindi ko makapaniwalang usal.
He laughed. "Of course not. You really look beautiful, Zia." Parang biglang may humaplos sa puso ko pagkasabi niya ng pangalan ko. First time nya akong tawagin sa pangalan ko pero feeling ko hindi ito yung unang time na ginawa niya yon.
Hindi ko alam kung anong nangyari sakin pero biglang uminit yung mukha ko sa sinabi niya. First time kong masabihang maganda at nanggaling pa yon sa isang Cedric Lee ha. Maniniwala na ba ako?
"You're cute when you blush," natatawa niyang sabi.
Binato ko sya ng masamang tingin. "Then don't make me blush kung pagtatawanan mo lang ako."
Umiiling sya tsaka tinaas niya yung kaniyang kamay na akala mo sumusuko. "Hindi na ako tatawa." Sabi niya pero halata namang pinipigilan niya lang matawa. Kainis.
Pero, iwan ko ba at napangiti nalang din ako.
Napatingin ako sa mga nagkikislapang ilaw sa baba. "Lagi ka bang pumupunta dito gabi gabi?" Hindi ko nakatinging tanong sa kaniya.
"To tell you the truth first time ko uling makabalik dito makalipas ang apat na taon." Sabi niya na ikinatingin ko sa kaniya.
"Apat na taon?" Nabungol ba ako? Ang tagal naman ata nun.
"Yup. Apat na taon. Ang huli kong punta dito kasama ko pa yung babaeng mahal ko." Sabi niya na may lungkot sa mga mata.
"Apat na taon. Ibig sabihin first year high school ka palang nun. Ang aga mo namang nagmahal."
Nagkibit-balikat sya. "Ganoon talaga. Hindi mo naman masasabi ang tamang panahon o oras para magmahal, diba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. "Sabagay," ang kwento sakin dati ni tita si mommy at daddy nga grade school palang mahal na ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys Tutor
Roman pour Adolescents[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon sa pagtulong sa restaurant ng kanyang Tita at sa kanyang pag-aaral. Matalino, mabait, at masipag. La...